Nasapo niya ang bibig, namimilog ang mga mata niya sa takot. "Siguradong kang si Magnus 'yon?" Nararamdaman niya ang panginginig ng kamay niya sa sobrang takot. "Baka nagkakamali lang kayo, Ma'am." Ayaw niyang maniwala. "Baka hindi siya 'yan."

"Ma'am, hawak ko ngayon ang I.D. niya."

Naguna-unahang nalaglag ang mga luha sa mga mata niya. "Saang Hospital ho yan?"

"Romero's Hospital Main Branch."

"I'm coming..." Pinatay niya ang tawag saka nagmamadaling lumabas ng Airport at pumara ng taxi.

This is all her fault. I'm so sorry, Magnus. Please, be okay.

NANG MAKARATING si Aminah sa Romero's Hospital Main Branch, kaagad siyang lumapit sa Information Desk para magtanong kung nasaan si Magnus. Tinuro naman siya ng Hospital Staff doon sa Operating Room. Pinaghihintay siya sa labas kasi nasa loob pa rin si Magnus.

Hindi siya mapakali habang naghihintay. Hindi niya kayang umupo at maghintay. Pabalik-balik siyang naglalakad sa labas ng OR. Nanlalamig ang kamay niya, kinakain ng kaba at takot ang buong pagkatao niya.
Mariin niyang pinikit ang mga mata saka nagdasal sa panginoon. Halos nagmamakaawa siya sa diyos na pakinggan siya.

'God, please, keep Magnus safe. Alam ko kasalanan ko 'to. Siguro hinahabol niya ako papuntang Airport para hindi ako makaalis. Ako nalang po ang parusahan niyo, huwag siya. Ako nalang ang saktan niyo, huwag siya kasi ako naman ang may kasalanan. But please, dont take away the man that i love. Please don't take away the father of my child. Alam kong wala akong karapatang mag demand sa inyo pero sana iligtas niyo si Magnus. I promise, i won't leave his side this time. Just keep him safe and i will never leave him. Ever. Please... please, keep my love safe.

Tinuyo niya ang luha sa pisngi saka iminulat 'yon at napatitig sa pintuan ng OR.
"Please, be safe Magnus." Bulong niya sa hangin, "hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan kaya huwag mo rin akong iwan."

Nanghihina siyang napaupo sa waiting area sa labas ng OR. Hindi niya alam kung ilang segundo, minuto at oras siyang nandoon, naghihintay at nagdarasal. Basta ang alam lang niya ay yon ang pinakamatagal na paghihintay na ginawa niya sa tanang buhay niya.

Kaya nang bumukas ang pintuan ng OR, kaagad siyang tumayo at sinalubong ang Doctor.

"Doc, i'm Aminah." Pagpapakilala niya, "okay lang ba si Magnus?" Puno ng pag-aalalang tanong niya.

Bago makasagot ang Doctor, lumabas ang stretcher kung saan nakahiga si Magnus, wala itong malay.

"Magnus..." mahina niyang sambit habang nakatingin sa binata.

"Miss Aminah?" Kuha ng Doktor sa atensiyon niya.

Humarap siya sa Doctor. "Doc, kumusta po si Magnus?"

"Wala na ba siyang ibang kamag-anak na narito?" Tanong ng Doctor.

"Wala po." Aniya at nakaramdam ng awa para sa binata. "Ako ang nasa in case of emergency niya sa I.D." Paliwanag niya. "Kumusta ho siya?"

Huminga ng malalim ang Doctor bago nagsalita. "He was beaten up by that car accident, but fortunately and miraculously, hindi masyadong na-damage ang katawan niya maliban nalang sa isang binti niya na nabali ang buto at ang isa ay nadurog dahil siguro sa pagkaipit ng maaksidente siya. Kailangan pa natin siyang obserbahan kapag nagising siya. Hopefully, magising siya in forty eight hours, or else, baka mag slip siya into coma. And it would be very difficult for Mr. McGregor to walk again, but if he will be patient, regular therapy can help him. Pero hindi ko masasabi kong hanggang kailan aabutin ng therapy bago siya makalakad."

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerWhere stories live. Discover now