CHAPTER 20

346K 8.6K 801
                                    

CHAPTER 20
"MANANG nasa
an si Magnus?" Tanong ni Aminah kay Kay Korita ng pagbuksan siya nito ng gate. Kanina pa kasi siya nagdo-doorbell at walang nagbubukas sa kaniya.

"Nasa loob po si Sir Magnus, ma'am."

"Puwede ba akong pumasok?"

"Oo naman ho."

Nilakihan nito ang pagkakabukas ng gate at pinapasok siya. Nang makarating siya sa sala, tamang-tama naman na kabababa lang ni Georgina sa hagdanan mula sa ikalawang palapag.

Nang magtama ang mga mata nila, tumikwas pataas ang kilay nito at ngumisi na parang nang-uuyam.

"Maiwan ko na ho kayo, ma'am." Paalam ni Nay Korita. "Marami pa kasi akong gagawin."

"Sige po, Manang." Aniya.

Nang makaalis si Nay Korita, umakyat siya sa hagdan, wala siyang balak na pansinin si Georgina pero wala talaga itong balak na padaanin siya ng walang gulo dahil hinawakan pa siya nito sa braso para patigilan siya.

"At saan ka pupunta?" Mataray nitong tanong.

Malakas niyang hinawakan ang kamay nito saka binaklas iyon mula sa pagkakahawak sa kamay nito at matapang na sinalubong ang tingin ng babae. "Ano naman ang pakialam mo?"

"May pakialam ako." Nameywang ito. "Kasi boyfriend ko ang nilalandi mo."

Parang may sumuntok sa puso niya pero hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang babaeng to na makitang nasasaktan siya. Mahal siya ni Magnus. At oras na para paniwalaan niya iyon at hindi magpadala sa takot na nararamdaman niya.

"Talaga? Boyfriend mo siya?" Mahinang siyang tumawa, "kung ganoon, bakit siya nagtapat sakin na mahal niya ako?"

Tumalim ang mga mata nito pero nandoon pa rin ang pang-uuyam. "Hindi ka niya mahal. Ako ang mahal niya. Sa katunayan, buntis ako at siya ang ama."

Aminah felt her world crumbled on her. "Hindi totoo 'yan."

Ngumisi si Georgina. "Paano mo naman nasabi na hindi totoo? Sa pagkakaalam ko wala ka naman sa Club ng isandal ako ni Magnus sa pader at inangkin ng paulit-ulit at ito nga ang bunga." Hinaplos pa nito ang tiyan. "Kaya puwede ba, umalis ka na. Huwag mo nang guluhin ang buhay namin ni Magnus. Hayaan mo kaming maging masaya."

"Hindi 'yan totoo." Nag-umpisa nang mangatal ang labi niya. "Hindi..." nakatakas ang isang butil ng luha sa mga mata niya. "Nagsisinungaling ka lang."

"Am i?" Tumawa ito ng malakas. "So pitiful." Umiling-iling ito. "Umalis ka na lang kasi, wala kang mapapala dito kasi magiging isang pamilya na kami ni Magnus."

"Georgina."

Natigilan sila pareho ni Georgina ng marinig nila ang boses ni Magnus sa itaas ng hagdanan.

Kaagad siyang tumingin kay Magnus. "Kanina ka pa riyan?"

Tumango ito, walang buhay ang mga mata.
"Totoo ba?"

Magnus didn't say anything to deny what Georgina has said. Naghintay siyang magsalita ito, na pabulaanan ang mga pinagsasasabi ni Georgina pero wala. Nanatiling tikom ang bibig nito at walang emosyon ang mga mata.

"Magnus." Humakbang siya palapit dito. "Diba hindi naman totoo 'yon."

"Umuwi ka na, Aminah." Anito na parang kinakapos ng hininga niya.

"Magnus naman..."

"Leave."

"Magnus, please."

"Just leave." Anito saka tinalikuran siya.

"Bye, loser." Natatawang sabi ni Georgina saka umakyat ito sa hagdan at sumunod kay Magnus.

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerOnde histórias criam vida. Descubra agora