Kinalma ko ang sarili ko at muling sumagot sa kanya. "O baka ikaw ang hindi makapaghintay kaya kailangan pati sa school ko sundan mo ako."

"Very clever. Black car," sagot nito kaya napatingin ako sa mga kotseng kulay itim dito. Pero walanghiya, lahat ng kotse dito halos itim!

"Really, smart move. Lahat ng kotse dito itim. Pinagloloko mo ba ako?"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya napa-ismid na ako. Hindi ko alam kung dapat ba seryosohin ko 'tong nangyayari sa 'kin or hindi eh. Mukhang pinagtri-tripan lang ako nitong lalaking 'to.

"Lumabas ka ng kotse mo. Let me see your damn face," wika ko pa.

"That's very rude. Dapat kang turuan ng values, Maru," sagot naman niya.

"Do you think this is funny? Hindi! Mukha ba ako'ng natatawa dito? Hindi rin! Kaya kung wala kang magawa, sa iba na lang puwede? 'Wag ako! Busy ako!" sigaw ko sa kanya at akmang papatayin na ang phone ko nang napansin kong may bumaba ng kotse hindi kalayuan sa puwesto ko. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya pero tanging likod lang ang nakikita ko.

Naka t-shirt siyang itim. May suot-suot siyang kwintas. At kitang-kita ko ang tattoo niya sa leeg pababa sa kamay niyang nakapatong sa pintuan ng kotse niya ngayon.

Hindi ko masyadong maaninag. Hindi ko masyadong makita dahil medyo malayo rin siya sa 'kin. Nakita kong tinaas niya ang isa niya kamay at tila nakikipag-usap siya sa phone niya.

"Hello, Maru?"

Tila nagising ako sa pagda-daydream ko nang maring ko ang boses ng kausap ko sa phone. Tinaas ko ang phone ko at muli siyang pinakinggan. Nakatayo lang ako doon habang nakatingin sa lalaking lumabas ng sasakyan.

"Happy?" tanong pa niya.

"That's you?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Yes," sagot niya.

"Harap," utos ko.

"Bakit ako haharap?" tanong niya.

"Gusto ko makita mukha mo."

Nakita ko siyang dahan-dahan na humarap sa 'kin habang hawak-hawak pa rin niya ang phone niya. Nagsalubong ang mga tingin namin. Tila ba naglock ang tingin namin sa isa't isa at walang nagtatangkang bumitaw. Nakita ko ang pagngisi niya na mas lalong nakapagbigay ng kilabot sa katawan ko.

Itim ang buhok. May sugat sa pisngi.

Katulad ng pagkakadescribe sa 'kin ni King. Itim ang buhok ng lalaking 'to at may sugat siya sa pisngi. Pero hindi ito naging dahilan para hindi magmukhang attractive ang lalaking 'to dahil kahit saan mo siya tignan tila ba lahat perkpeto. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ang guwapo niya?

Ang ine-expect ko, hindi ganoon kagwapuhan. Mukhang goon. Mukhang unggoy.

Pero bakit...

I mean... Sino siya?

"Ano'ng kapalit nito, Maru?" tanong nito kaya nagulat ako.

"Kapalit? Bakit kailangan kita bigyan ng kapalit?"

"Ginawa ko ang gusto mo. Paano naman ako?" tanong pa nito. Kitang-kita ko ang paglinya ng ngiti sa labi niya at sinasabi ko ng hindi na talaga maganda 'tong nangyayari ngayon.

Hindi na ako nagdalawang isip na patayin 'yong tawag at agad na tumakbo papasok ng school. Agad kong tinanggal ang simcard sa phone ko at mabilis pa kay flash na pumunta kila Ginger at Ura. Naabutan ko silang naglalakad palabas kaya agad ko silang hinatak papasok sa loob.

"Walang lalabas! Dito lang tayo! Magpapasundo ako ngayon kaya ligtas tayo. Ligtas," wika ko habang hinihingal pa ako.

Nagtatakang nakatingin sa akin ang dalawa. "Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ginger.

"May... May... May stalker ako sa labas!" sagot ko. Nagpapanic ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mag ibang bansa muna kaya ako? Feeling ko hindi ako ligtas dito," wika ko pa. Pinaupo ako ni Ura at agad na naupo sa harap ko.

"Kalma, Maru. Kalma."

Paano kakalma sa sitwasyon ngayon? Sinabi niya siya 'yong first ko! Nagswipe ng v-card ko! Tapos 'yong eksaktong pagbigay ng detalye ni King na lagi ko raw kasama na lalaki, eksaktong-eksakton sa stalker ko. Paanong hindi ako mapaparanoid nito?

"No, no, no. Aalis muna talaga. Kailangan ko ata magpaalbularyo or something. This is f-cking scary! Kinikilabutan ako! Hindi tao 'yon! Hindi! Multo 'yon! O worst aswang!"

"Maru, nakikita mo 'to?" tanong sa akin ni Ginger habang nakataas ang dalawang daliri niya. Tumango ako.

"Ilan 'to?"

"Dalawa timang!" sagot ko sa kanya.

"Maayos pa naman pag-iisip mo. Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" tanong pa ni Ginger.

"Kumalma ka muna, Maru. Kapag kalmado ka na, explain mo sa 'min kung ano'ng nangyari sa 'yo," wika naman ni Ura.

Ginawa ko ang sinabi ni Ura. Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at matagal-tagal ako'ng nanahimik. Pero tumatakbo pa rin sa utak ko ang mga nangyari kanina. At ito pa ang malala. 'Yong pagngiti, ngisi, at pati boses niya. Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko. Na feeling ko kapag hindi ko pa ginawan ng paraan 'to, habambuhay ako nitong hindi patutulugin.

That freaking smile keeps haunting me and I f-cking don't know what to do!

What's worst? I felt like I was being watched all the time.

I felt like something sinister is going to happen and it's freaking me out!

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now