Nagkakaroon na ba ako ng hallucinations? Ramdam ko, eh! May hininga. May a-ano, 'yong ano. Basta 'yon! Tapos may umungol. Hindi naman magagawa ng aso 'yon. Tsaka 'yong nahawakan ko talaga. Tsk! Nahiga ako sa kama at tumingin sa orasan sa tabi ng kama ko. Alas singko na ng madaling araw pero madilim pa rin sa labas.
"Nababaliw na ata ako," bulong ko sa sarili ko at muling napapikit. Hinayaan ko na lang ulit ang sarili ko na malunod sa antok. Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano. Tiyak tatakutin ko lang ang sarili ko. Mamaya, okay na ako!
***
Paggising ko ng umaga. Ginawa ko ang routine ko sa umaga. Kailangan kong magready para pumasok ulit. Dumiretso ako sa kusina, suot-suot pa rin ang damit ko pangtulog. Wala namang lalaki dito. Panigurado pumasok na sina Mama't Papa. Tinitikman ko 'yong lutong Caldereta ni Ate Tek nang pumasok siya.
"Gising ka na pala. Kumain ka na." Tumango na lang ako kay Ate Tek saka ako nagsandok ng makakain ko. Nagtungo ako sa dining area at nilapag ang plato ko sa lamesa. Naupo ako saka ko binuksan ang TV at sinimulang kumain. Nilapag ni Ate Tek ang kape na tinimpla niya para sa 'kin habang ako tutok na tutok pa rin sa TV. Umagang balita pero pagpatay na naman ang nakalagay dito. Kaya minsan ayoko ng manood ng balita, puro ganito na lang nakikita ko.
"Oh, kinagat ka ba ng lamok?" tanong sa akin ni Ate Tek saka niya hinawakan ang leeg ko. Napatingin ako sa leeg ko pero syempre hindi ko makita.
"Lamok? Naka-aircon ako, Ate. Ba't naman magkakalamok sa kuwarto ko?" sagot ko saka tumayo at nagtungo sa salamin na nakasabit dito sa kuwarto. Napakunot-noo ako nang makakita ako ng dalawang maliit na pantal sa leeg ko. Hala, saan ko 'to nakuha?
"Kinagat ni Rai?" tanong ko.
"Siya lang may pangil sa aming dalawa," sagot ko pa.
"Ba't ka naman kakagatin ng alaga mo. Sa leeg pa," wika naman ni Ate Tek.
"Baka na-scratch ko lang or something. Na-irritate," sagot ko.
Hindi ko na lang pinansin 'yong pantal sa leeg ko at muling kumain. Matapos kong kumain ay muli akong umakyat sa taas at agad na nag-ayos para sa pagpasok sa school.
As usual, ginawa ko ulit kung ano ang araw-araw na ginagawa ko sa school. Papasukan ang mga subject ko for this day saka makikipagkita sa dalawa para tumambay sa paborito naming pinagtatambayan. Nakaupo lang ako habang hinihintay sina Ginger at Ura nang mapansin kong may umupo sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin, alam ko ng sira na ang araw ko.
"Hi, Maru."
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Hello, Matt."
"Kamusta?" tanong pa niya.
"Ayos lang," matipid kong sagot at muling pinagtuunan ng pansin ang cellphone ko.
"Hmm. Busy sa studies? Hindi kita nakikitang may kasamang ka-date. Wala akong balita." Ngingiti-ngiti pa siya habang sinabi niya 'yon. Ano bang kailangan ng lalaking 'to?
"I don't have any time for another relationshit, that's why," sagot ko sa kanya saka ako ngumiti sa mokong na 'to.
"If that's the case, make time," sagot niya kaya napakunot-noo ako. Narinig ko ang notification sa phone ko kaya muli ako'ng tumingin doon. Nakita kong may nagtext sa akin na unknown number kaya nagtaka ako.
"Make time?" tanong ko kay Matt habang nakatingin pa rin ako sa phone ko. Binuksan ko 'yon at binasa ang text.
Don't go with him. He just wants to have sex with you.
YOU ARE READING
Strings and Chains (The Frey, #1)
VampireAfter her scandalous break up with her ex-boyfriend, Maru experienced paranormal activities in her room. Someone was crawling to her bed, sleeping next to her, and touching her. She couldn't discern how the bloody guy could always crawl up to her a...
3. Freak out
Start from the beginning
