CHAPTER 12: Troublemaker

Start from the beginning
                                    

Habang naghihintay, nag browse na lang ako sa social media. Busy ako sa pag b-browse nang biglang may kumalabit sa likod ko.

"Kuya! Kuya! Palimos po, ay wag na po pala wala nga pala kayong pera."

Paglingon ko si Valerie pala, nang aasar na naman at tawa pa nang tawa. Hindi ko alam kung bakit, pero sumaya ako nang nakita ko siya, "Valeng!" Siguro dahil alam kong may sasakyan na ako pauwi.

"Saan ka pumunta? Akala ko umuwi ka na eh," tanong ko.

"Nang-stalk kay Shane," sambit niya at kinikilig kilig pa siya. "Bakit ka nakapila diyan, e wala ka naman pera?"

"E bigla kang nawala, kaya no choice," sagot ko naman.

"Pauwi na nga din sana ako tapos nakita kita. Lika na sabay kana sa'kin," alok niya habang nakangiti.

Am I dreaming? Parang good mood yata ang dragon at inalok niya akong sumabay.

Naglakad kaming muli papunta ng parking lot. Habang nag lalakad, abot tainga ang ngiti ni Valerie at napapakanta kanta pa siya.

"You make me feel like I'm living like teenage dream. Na na na na na na."

"Naks! Good mood ah. Ano nangyari?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, basta masaya ako," sagot niya habang naka ngiti.

"Ang weird mo talaga minsan," sambit ko pa.

Maya maya pa ay nakarating kami sa parking lot at sumakay ng taxi niya.  Agad kaming umalis ng Mall dahil gabi na at kailangan ko na rin makauwi agad para kay Pogi.

"Sino ba 'yong Shane Moreno na 'yon?" tanong ko habang nakasakay kami sa taxi at bumabyahe.

Napakunot noo naman si Valerie, "Seriously? Hindi mo talaga siya kilala?" 

"Bakit sino ba siya?" Tanong ko ulit.

"My god! Ano ba 'tong lalaking 'to? Hindi ka ba nanonood ng TV?  He's a pop singer, sikat kaya siya."

Huminto ang taxi saglit dahil sa stoplight at iniabot sa akin ni Valerie ang phone niya, "Ito siya oh, swipe mo lang madami akong pictures niya."

"Sabi mo low batt na phone mo kanina?"

Ngumiti siya at sumagot, "E kasi baka makilala mo siya, mabisto mo pa ko."

Tinignan ko ang mga pictures ng idol/imaginary boyfriend niya.

"I'm sure nakita mo na siya, sa isang billboard or may song na siya na narinig mo na," sambit pa niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I'm sure nakita mo na siya, sa isang billboard or may song na siya na narinig mo na," sambit pa niya.

"I think hindi siya gano'n kasikat, nakita ko na nga ito sa isang commercial. Hulaan ko, tatay niya si Kuya Germs 'no? German Moreno?" sambit ko sabay tawa nang kaonti. 

Pero siya hindi natawa, "Ang corny mo talaga. Hindi 'no. Korean ang nanay niya. Half Korean kaya siya."

"Half Korean, Half... shitzu?" pang aasar ko sabay tawa.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now