chapter 29[part 2]

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit ni ano.. wala akong matandaan ?

Bakit kahit anung pilit ko, pakiramdam ko walang laman ang utak ko, pakiramdam ko ni katiting wala akong naging karanasan kasama ang mga tong to, maging ang buong pagkatao ko, hindi ko malaman kung ano...

“anak, maraming salamat at gumising ka na..” sabi nung babae sa akin.. tinitigan ko sya sa mga naluha niyang mata...

“s-sinoo... k-kaa?” tanong ko sa kanya..

Biglang nagbago ang expression ng mga mata niya.. napaltan ng takot ang kanina’y Masaya niyang mata...

Sino ba talaga siya ? siya ba talaga ang ina ko ?? bakit wala akong maalala ??

BAKIT WALA AKONG MAALALA ??

Tapos...

Nanghina na ko, hanggang sa...

Mawalan ako ng malay...

***

“Karlo, may amnesia si Yael, ito ang naging resulta noong naging tama niya sa ulo... mukhang sa case niya, hindi selective amnesia ang natamo niya, nakalimutan niya ang lahat ng bagay, lahat ng ala-ala na meron siya..” sabi ni Arman, ang kaibigan ni Karlo na Doctor..

“h-hah...” mangiyak ngiyak na sabi ni Kathrine...

“usually, within a month, kapag hindi niya pdin naalala ang lahat, tumatagal ng ilang taon bago niya ulit maalala ang mga bagay na nawala sa kanya... at mayroon din cases na... hindi na niya talaga mareretrieve ang mga memories na nalimutan na niya..” inform ulit ni Arman...

Napasandal na lang si Kathrine sa upuan tapos napatingin sa direksyon ni Yael.. “kawawa naman si Yael, after a month of being in comma, ganito pa ang magiging sitwasyon niya... paano namin masasabi na wala na si Kuya Raden at Ate Yanna sa kanya, gayong.. buong pagkatao niya hindi niya maalala..” sabi ni Kathrine...

“ano ang pwede naming gawin para mapabilis ang recovery niya?” tanong ni Karlo...

“sa ngayon... hayaan muna natin siyang magpagaling... bawal siyang mastress, bawal siyang mag’isip ng mag’isip... kapag gumaling na siya, dalhin niyo siya sa lugar na kinalakihan niya, dalhin niyo siya sa lugar na marami siyang masasayang ala-ala... dalhin niyo siya sa taong importante sa kanya.. sa taong alam niyong may malaking role sa buhay niya..” – Arman

“pakiramdam ko’y hindi makakatulong sa kanya ang pagpapagaling dito sa pilipinas, kahit na marami siyang naging ala-ala dito... masyadong stressful ang mga nagkakalat na balita dito, unang-una na sa mga magulang niya..” sabi ni Karlo..

“I agree with You Karlo, hindi makakabuti para sa kanya ang mga balita dito, although hindi niya natatandaan, mastress lang siya kakaisip sa mga iyon dahil alam niyang may kinalaman sa kanya ang mga bagay na iyo..” sabi ulit ni arman...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon