"Why are you crying?"

"Si Shayne... She stole my friends."

Sabi nya habang niyayakap ako

"Hush now, hindi ka nila iniwan, baka nag-hihintay lang sila sa approach mo."

"No! Mangaagaw sya! Lahat na lang inagaw nya! Buti pa sina Jessica hindi ako inaagawan."

Grade 4 kami nung nag-transfer dito sina Shayne at Cielo, ang balita ko dito na daw sila titira for good. Sya parin ang gusto ko kahit ilang taon na ang lumipas.

"She's here."

Sabi ni Claire, nandito kami sa cafeteria habang sina Shayne ay nakapila

"I know."

Sabi ko at tinignan si Shayne, todo taboy ni Cielo sa mga lumalapit sakanila.

Nakita ko si Claire na lumapit kina Jessica at may binulong. Sabay-sabay silang tumayo at hinarangan sina Shayne sa pila, hinead to foot nila sina Shayne at tinulak na para bang di sinasadya. Bigla akong tumayo at hinabol sila, hinila ko si Claire at pumunta sa classroom para kausapin sya.

"What do you think you're doing?"

"Getting revenge?"

tanong na sagot nya habang tinitignan ang watch nya

"What? Revenge? Di ka naman ganyan dati!"

dati syang sweet, mabait, caring at matulungin nag-bago ang lahat nung nainsecure sya kay Shayne. Feeling nya inagaw ni Shayne ang lahat.

"Who cares? Gusto ko syang pahirapan and you can't stop me."

Sabi nya at lumabas ng classroom

"Sagutin mo nga ako Keith, hanggang ngayon ba may gusto ka pa kay Shayne?"

tanong sa akin ni Claire

Nahalata na siguro nya na lagi kong tinititigan si Shayne mula sa malayo at lagi kong pinipigilan si Claire sa mga balak nya kay Shayne.

"Hindi."

Matipid na sagot ko, nag-sinungaling ako sakanya dahil kapag sinabi kong oo ay awayin nya si Shayne tulad ng ginagawa nya sa mga babaeng may gusto sa akin

"Good."

Sabi nya at pinuntahan ang mga kaibigan nya, napailing ako ibang iba na talaga siya kumpara dati.

Years past, hanggang tingin lang ako kay Shayne dahil natatakot ako sa gagawin ni Claire kapag nalaman nyang si Shayne ang gusto ko.

Second year high school kami nung sya ang usapan ng lahat ng student.

"Anong meron?"

tanong ko kay Royce, isa sa mga kaibigan ko

"Dude! Nakita mo na ba si Shayne? Grabe! Geek na nga nerd pa!"

"Oo nga dude. Maganda na e kaso nag-salamin pa."

sabi naman ni Ivan na may hawak na bola

Pumunta silang gym para mag-basketball dahil Pe class namin ngayon, nag-paiwan ako para makita si Shayne sa classroom nila. Dahan-dahan akong nag-lalakad papunta sa classroom nila, buti na lang at glass wall ang bawat classroom, walang pader kaya kitang kita ko ang nasa loob.

Nakaupo sya sa dulo kasama ang mga kaibigan nya, nakayuko sya at nag-babasa ng libro. Pinag-titinginan sya ng mga babae at yung iba naman ay pasimpleng binabatuhan sya ng maliiit na papel, di yun nakikita ng mga kaibigan nya dahil buti sila sa kakasulat sa lecture.

Naka-salamin sya at nakatali ang medyong kulot na buhok nya, naka sweater sya at sa loob nun ay ang uniform nya. Lalo ko syang nagustuhan, sa tingin ko nya lalo syang pumuti at dumagdag lalo ang pagiging attractive nya.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Where stories live. Discover now