"Nice to meet you Kate, I'm Nathalie Shayne Lee."

Sabi nya tapos tumawa

"Nice to meet you too Nat."

bigla syang napatigil sa sinabi ko, this time ako naman ang natawa.

"Don't call me that, Kate!"

"Then you should stop calling me Kate, Nat!"

At doon ang unang beses na nag-kagusto ako sa isang babae. Simula nun di ko na sya nakita sa playground, araw-araw ako doon para hintayin sya pero walang Nathalie Shayne Lee ang pumunta.

"Sino ba kasi si Shayne?!"

naiiritang tanong ni Claire. Claire Perez, anak ng business partner ni Mommy kaya medyo close kami kasi lagi syang nandito sa bahay namin.

"Yung cute na girl na crush nya!"

singit naman ni Zander na nag-lalaro sa Psp nya

"Shut up!"

sigaw ko at binato sya ng unan

"Bakit? Totoo naman!"

binato pabalik sa akin yung unan

"Tell me, anong name ng girl na yun para isearch ko sya sa Friendster."

Sabi ni Claire

"I can't tell you at isa pa mukha naman syang di taga rito kaya impossible mo syang mahanap."

"But I want to know her, gusto ko syang maging kaibigan."

Sabi nya at nag-pout

"Magiging kaibigan mo sya kung papasa ka sa mataray nyang kaibigan."

Sabi ni Zander

"There's no problem with that, nandyan naman sina Tracy para samahan nila ako."

Sabi nya, sina Tracy, Sofie at Qim ang mga lagi nyang kasama sa playground pero iba ang mga friends nya sa school

"Keith! Keith! Keith!"

napalingon ako kay Claire na papasok sa gate namin, bigla nya akong niyakap.

"Ang saya ko! May bago na akong friend!"

"Sino?"

tanong ko

"Si Shayne! Kalaro namin sya kanina."

Nagulat ako sa pangalang binaggit nya.

"Kelan kayo mag-lalaro ulit?"

tanong ko, gusto ko syang makita ulit

"Ha? Bukas ata."

"Sama ako bukas."

Sabi ko

Kinabukasan, sumama ako kay Claire na mag-laro sa playground pero nag-stay ako sa halaman para hindi nila ako makita. Gusto ko syang makita ng hindi nya alam.

"Bakit ka nandyan? Tara doon tayo! Mag-laro tayo!"

hinila ako ni Claire pero di nya kaya. At sa huli, sinamahan nya akong umupo sa likod ng halaman.

"Ang ganda talaga nya."

Bulong ko habang tinitignan si Shayne na nag-lalaro ng jumping rope.

"Sya yung crush mo?!"

tanong nya, tumango ako at ngumiti ng hindi inaalis ang tingin ko kay Shayne

"Keith!"

tawag sa akin ni Claire, umiiyak sya. Lumapit ako sakanya at niyakap sya

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon