Napabuntung-hininga siya. Nag-aalala na siya kay Devin. Baka kung ano ang nangyari dito kaya hindi niya makontak. Ang ginawa niya, tinawagan niya si Stelle. Si Stelle ang isa sa kasama nito sa convention.
Nakadalawang tawag siya bago sagutin ni Stelle iyon.
"Hello Ate Stelle."
"Hello, Hyde, napatawag ka?"
"Nakita mo ba si Devin? Nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko siya makontak. Hindi rin niya ako tinawagan."
"Hindi ko pa nakikita si Devin. Wait, wait lang Hyde. Nakita ko 'yong roommate niya. Tatanungin ko lang."
Mga ilang minuto nawala si Stelle sa kabilang linya bago bumalik.
"Ah. Hyde. Masama raw ang pakiramdam ni Devin. Nasa loob siya ng kwarto nila."
"Kumusta na si Devin?" Nag-aalalang tanong niya. "Uminom na ba siya ng gamot? Ano ba nangyari sa kanya?"
"Sabi ni Cane, uminom na raw ng gamot. Nakatalukbong daw ng kumot. Kahapon kasi nagpa-ulan 'yon kasama 'yong iba namin na kasama."
"Hindi sa akin naikwento ni Devin." Aniya. "Alam kong makakaabala at nakakahiya 'to, pero, pwede bang pakitingnan mo si Devin."
"Okay. Kaibigan ko si Devin kaya naman aalagaan ko talaga siya. Don't worry too much, Hyde. Aalagaan ko siya para sa'yo."
"Salamat, Ate Stelle. Gusto ko sana siyang makausap pero nagpapahinga yata. Pakisabi na lang na tumawag ako. Magpagaling din siya."
Ilang minuto pa ang ginugol niya sa pakikipag-usap kay Stelle bago niya tinapos ang tawag.
Nag-aalala siya kay Devin ng sobra.
"OKAY NA ba ang pakiramdam mo?"
Iyon ang unang tanong ni Stelle kay Devin nang magising siya. Mula nang makatulog siya kanina ay ngayon pa lang ulit siya nagising. Matindi ang panlalamig na nadarama niya. Hindi sapat ang isang kumot at kapal ng jacket na suot niya.
"Hindi pa," sagot niya kay Stelle. Malat ang boses niya. Masakit din kapag lumulunok.
"
Kumain ka na muna saka inom ka ng gamot," anito. "Nagpabili ako kay Cane ng lugaw at gamot."
"Salamat Ate."
"Sus. Wala iyon. Magpahinga ka na muna. Kung hindi pa tumawag si Hyde sa 'kin, hindi ko pa malalaman na may sakit ka mula kay Cane."
Nakuha nito ang atensyon niya. "Tumawag sa 'yo si Hyde?"
Nakangiting tumango ito. "Oo. Tinawagan niya ako kanina. Nag-aalala sa 'yo ng sobra ang pag-ibig mo."
Kahit na masama ang pakiramdam, napangiti siya. Nilukob din ng init ang puso niya sa kaalamang iyon.
"Hindi ko siya natawagan. Favor, Ate, pwedeng paki-charge ng cellphone ko. Sa sama ng pakiramdam ko nakalimutan ko pati pagtsa-charge."
"Okay. Saan ba?"
Itinuro niya rito kung saan nakalagay ang cellphone niya pati ang charger.
"Sige, Devin, labas muna ako." Paalam ni Ate Stelle.
Tinanguan niya ito saka nagpasalamat. Itinutok niya ang pansin sa cellphone niya. Binuksan niya iyon. Nang bumukas ang cellphone agad niyang tinawagan si Hyde.
"Hyde."
"Kumusta ka na Devin?"
Napangiti siya sa pag-aalalang narinig sa boses nito.
"Not fine. Pasensya na. Hindi kita natawagan kanina."
"Sa totoo lang hindi sa akin okay kanina. Pero nang malaman ko mula kay Estelle na may sakit ka okay na. Tama ako na may valid kang rason. Magpagaling ka, Devin. Miss na kita. Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot mo?"
"Miss na din kita. Hindi pa ako kumakain. Hindi pa rin ako umiinom ng gamot. Kagigising ko lang."
"Sana nandyan ako para alagaan ka."
"Inaasikaso naman ako ni Cane saka ni Ate Stelle. I'll be fine, Hyde. Pero iba pa rin kung ikaw ang nag-aalaga sa 'kin."
Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "Nakokonsensya tuloy ako na nagtampo ako sa 'yo kanina na hindi ka tumawag. Iyon pala may sakit ka."
"Okay lang 'yon. Alam mo naman na may valid akong rason eh. Hyde..."
"Hmmm.."
"I love you. Kapag nakabalik ako gusto kitang yakapin ng sobrang higpit. Gusto rin kitang ikiss ng matindi."
"Magpagaling ka muna bago ka umuwi dito. Masyadong marami ang naiisip mo."
Natawa siya saka naubo.
"Devin, okay ka lang? Magpahinga ka na muna. Ako na lang ang tatawag sa 'yo mamaya."
"Okay. Sige."
"I love you, Hyde."
"I love you din."
Kahit natapos na ang tawag ay malawak pa rin ang ngiti sa labi ni Devin hanggang sa pumasok si Ate Stelle kasunod si Cane.
ESTÁS LEYENDO
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Comenzar desde el principio
