Chapter Twenty-Three (Part 1)

1.7K 51 0
                                        


MASAYA si Vix. Kasiyahan na tila walang katumbas dahil sa wakas ay may kakampi na siya o mas tamang sabihin na may tao na gagawa ng kanyang plano para sa kanya. Kumbaga may frontman na siya at siya ang nasa likuran na tila amo na mag-uutos ng mga bagay para sa taong iyon.

Ang higit na mas nakakatuwa, ang taong kakampi niya ay may kinalaman sa nakaraan ng dalawang tao na paghihigantihan niya. Anong panama ngayon ni Hyde sa taong iyon. Mabuti pala at nagliwaliw siya sa isang bar at doon niya nakita ang taong iyon. Eksakto sa paglabas niya ang pagkakita niya sa taong iyon.

He smiled as he remembered their unexpected meeting.


Mainit ang ulo ni Vix. Ang buong akala niya kapag nagpunta siya sa bar na iyon ay mabibigyan siya ng saya at pansamantalang makakawala sa frustration na nadarama na dulot ng pagkabuhol-buhol at hindi pagsang-ayon ng kanyang mga plano sa mga inaasahan niya na mangyari.

Palabas na siya ng bar nang makuha ang kanyang atensyon ng komosyon sa hindi kalayuan. Napahinto siya. Napatingin doon at na-curious. Dala ng kuryusidad, naglakad siya patungo doon para makita ang isang babae na sumisigaw at nagwawala.

"Mga walanghiya kayo! May pambayad ako sa inyo! Hindi kayo makapaghintay! Talagang kinaladkad n'yo pa ako palabas ng bar." Anang babae. Kulang na lamang ay lumabas ang litid sa leeg nito sa lakas ng pagsigaw.

Hindi naman ito pinansin ng mga bouncer. Basta iniwan saka pumasok ulit sa bar

"Mga hinayupak talaga kayo!"

Tinitigan nang maigi ni Vix ang babae. Suddenly, familiarity rushed through him. Kilala niya ito. How come that the gal looked like that? Maganda pa rin ito ngunit tila napabayaan ang kagandahan na iyon. Payat na payat na parang hindi kumakain. Magulo ang buhok, tila pasan ang mundo. Hulas ang kolorete sa mukha na nagkalat na doon.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Singhal nito sa kanya nang makita siya.

"Kilala kita." sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito. "Bakit ibang-iba ka na?"

"Ano bang pakialam mo? Sino ka bang hinayupak ka? Hindi kita kilala kaya huwag mo akong matingnan-tingnan. Type mo ba ako?"

Sa sinabi nitong iyon, natawa siya. "Hindi ako magiging interesado sa 'yo. Yes. You are still pretty but you are not my type. I'm looking at you because I know you. Ano ba ang problema mo?"

"It's none of your business."

May ideya na si Vix kung ano ang problema nito ngunit gusto pa rin niyang magtanong. "May pera ako. Pwede kitang matulungan"

Nang marinig ang 'pera' tila naging maamong tupa ito. Nangningning ang mga mata. "Pahihiramin mo ba ako? Oo. Kailangan ko ng pera. Kailangan kong mabayaran ang mga utang ko. Kailangan ko ng pera para sa mga kailangan ko."

Sa sinabi nito, tila napakaraming utang ang dapat nitong bayaran. Oo. Maririnig sa boses nito ang pangangailangan ngunit wala sa hitsura nito na halata naman na itinatago.

"Kailangan ko ng pera. Kung bibigyan mo ako dapat ngayon na."

Lihim siyang napailing sa pagmamadali sa boses nito.


Natigil sa pagbabalik sa mga nangyari si Vix nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Napatingin siya doon, kinuha iyon at sinagot.

"Kailangan ko ng pera. Bigyan mo ako."

"Na naman? Saan mo naman gagamitin ang perang hinihingi mo ngayon?" Pangalawang beses na nitong paghingi ng pera sa kanya mula nang magkita sila at sabihin niya rito ang plano niya.

"'Wag mo nang alamin. Basta bigyan mo ako. Sulit naman ang magiging bayad mo sa 'kin. I'll do my job properly."

"Na siyang dapat naman talaga. Hindi kita binibigyan ng pera para lang sa wala Chloe. Tandaan mo 'yon."

"Alam ko, Vix. Alam ko."

"Mabuti na 'yong nagkakaunawaan tayo. Malapit na ang birthday party ng kapatid ni landi." Aniya. Ang landi na tinutukoy ay si Hyde.

String from the HeartWhere stories live. Discover now