BAGO PA makapasok ng bahay ay agad na naharang sina Devin at Hyde ni Vhian. Makikita sa mukha ni Vhian ang disgusto sa pagtingin sa magkahawak nilang kamay ni Hyde bago sa kabuuan niya. Pakiramdam tuloy ni Devin para siyang specimen kung titigan ni Vhian. Tila pinag-aaralan ang hitsura niya. Mula sa kanya bumaling ito kay Hyde. Nagtatanong naman ang tingin na ibinigay nito sa kapatid.
"Sino siya kuya?"
"Si Kuya Devin mo." Ani Hyde. Nasa boses nito ang pagiging proud.
Nginitian niya si Vhian na hindi nito ginantihan. Hindi manhid si Devin para hindi maramdaman na ayaw sa kanya nito. Sa tingin at sa pagsasalita nito, makikita na iyon.
"Pupunta ba dito si Kuya Jake, Kuya Hyde?"
Nasaktan si Devin sa ginawang pamababalewala ni Vhian sa kanya. Tila wala itong balak na pansinin siya. Pagkatapos siyang tingnan kanina, hindi na siya tinapunan nito ng tingin.
Tiningnan siya ni Hyde. Apologetic ang anyo nito. Nakakaunawang tinanguan niya ito.
"Mauuna na kami Vhian." Ani Hyde. Kahit hindi nito ipahalata, alam niya na nagtitimpi ito na hindi mabulyawan ang kapatid sa naging asal.
Nilampasan nila ito. Nang mawala si Vhian. Huminto si Hyde saka siya hinarap.
"Pasensya na sa asal ni Vhian."
"Okay lang." Sabi niya.
"Hindi iyon okay." Nakukunsuming sabi nito. "Lagot talaga sa 'kin 'yon. Porke't birthday niya ang sama ng ugali. Isusumbong ko iyon kay mama."
Napangiti siya saka ito kinabig at niyakap. Masaya siya sa inaakto nito. Hyde's concern for him gave him so much warmth. Maliit o malaking bagay na ginagawa nito para sa kanya ay may init na dulot sa pagkatao niya, lalo na sa kanyang puso.
He cupped his face and look intently in his eyes.
"Aaminin ko, hindi nga siya okay. Pero okay lang naman sa 'kin. Your concern ease the little pain I felt earlier. Sapat na ang aktuwasyon mo para mawala ang negative feeling."
"Devin..."
"Salamat ulit sa concern." Aniya.
Magsasalita sana si Hyde nang bigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa labi. Kung wala lang makakakita sa kanila baka binigyan na niya ito ng matagal na halik sa labi.
KUNG WALA sa tabi ni Hyde si Devin baka nabulyawan na niya si Vhian sa naging asal nito. Hindi niya akalain na magiging ganoon ka-hostile ang pakikitungo ng kapatid kay Devin. Lihim na lang siyang napabuntung-hininga sa asal ng kapatid. Kahit na sinabi ni Devin na 'okay lang' at 'nabawasan ang sakit na nadarama nito sa concern na pinapakita niya', alam niya na hindi pa rin iyon okay. Walang ginawa si Devin para bastusin ito ng ganoon ni Vhian.
Napapalatak siya sa isipan niya. Alam niya na ginawa iyon ni Vhian para ipakita kay Devin na ayaw nito sa lalaki. Masyado kasing panatiko ng kapatid niya si Jake. Simula nang makita nito si Jake ay naging vocal na ang kanyang kapatid sa kagustuhan nito na mas gusto nito si Jake para sa kanya, na sana silang dalawa ang magkatuluyan nito. Ngunit kahit na ganoon, hindi dapat nito ginawa iyon. Nakakaasar lang talaga.
"Nasaan ba ang mama mo, Hyde?"
"Nasa bahay ang mga 'yon," aniya. Kahit siya hindi sigurado kung saan na ba ang mama at lola niya.
Dapat kanina pa niya ito naipakilala sa mama at lola niya, ang kaso naharang sila ni Vhian. Pagkatapos naharang pa sila ng dalawa niyang kapatid. Pinalitan pa nila ang maruruming damit ng mga ito.
Doon nakita niya ang fondness ni Devin sa mga kapatid niya habang pinapalitan nito ng damit ang isa. Ang sabi pa nito, naaalala nito ang mga kapatid sa mga kapatid niya.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
