Chapter Nine

3.3K 111 2
                                        

FIRST PLAN FAILED. Nanggagalaiti siya sa galit habang iniisip na ang unang plano niya para magawan ng masama si Hyde ay pumalpak. Nakakabwisit. Nakakataas ng presyon na nakaligtas ang lalaking iyon mula sa sinagi niya na halamanan na nakatapat dito.

Gusto niyang sumigaw sa kapalpakan na ginawa. Hindi niya napansin na may kasama pala si Hyde at ang pesteng nerd iyon. Hindi niya masasabing payat. Katamtaman ang katawan, sing-taas ni Hyde. Nakasalamin at masasabing may hitsura.

Napapadyak siya sa inis.

Nasa second floor siya ng department building. Nakita niya ito na nakatayo sa unang palapag ng gusali at nagkataon naman na nakita niya ang halamanan na nakasentro dito. Eksakto para matamaan ito. Pero..

Siguro hindi ito ang tamang pagkakataon para magawa niya ang plano. May ibang araw pa naman. Sisiguraduhin na lamang niya na mag-isa ito. Siyempre. Kung mag-iisa ito, wala nang sagabal.

Natawa siya. Parang praning lang. Katulad dati, ang isipin na may magagawa siyang makakasakit kay Hyde ay nagbibigay sa kanya ng katuwaan.

"Anong ginagawa mo dyan sa tabi?" Tanong ng kung sino na nagpatingin sa kanya dito.

Naningkit ang kanyang mata ngunit agad din naman iyong nawala. Mahirap na. Kilala siya ng lalaking ito. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. Lalo na at malapit pa siya sa kinalalagyan ng halamanan kanina.

Ngumiti siya. Isang pekeng ngiti. Isang nice na ngiti.

"Nothing. Nakatambay lang ako rito."

Nagdududang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Kasunod sa bakanteng pwesto kung saan nakalagay ang halamanan.

"Nakita mo ba kung sino ang nakahulog ng halamanan dyan?" Tanong nito.

"Hindi. Nang pumunta ako dito, nakita kong nahulog na 'yon. Siguro, tumakbo ang nakahulog. Natakot yata na baka magsumbong ang kung sino man na tao sa baba. May tao ba sa baba?"

Humalukipkip lang ito. "Meron. Kaibigan namin."

Lihim siyang nangitngit sa sinabi nito.

Kaibigan? Huh? Kakikilala niyo pa lang sa kanya. Isang buwan pa lang mula nang lumipat ang Hyde na iyon dito tapos kaibigan n'yo na kaagad. Samantalang ako na matagal n'yo ng nakakasama. Hindi n'yo man lang ikinonsidera na kaibigan! Mga talampasan na nilalang. Nakakabwisit na Ilagan!

Sa sinabi nito at sa isipin sa kanyang utak. Mas lalong nagngitngit, nagningas ang galit na nararamdaman niya para kay Hyde. Dapat mawala talaga sa landas niya ang Ilagan na iyon.

"Sino ba ang nasa ibaba? Anong pangalan ng kaibigan n'yo?"

"Si Hyde. Nagugustuhan din siya ni Jake."

"Hyde? Lalaki? Lalaki ang nagugustuhan ni Jake?"

Nakakagulat! Nakakabwisit! Ibig sabihin.. Mababaliw siya sa kaalaman na binigay nito sa kanya. Hindi lang pala kaibigan ang turing dito ni Jake kundi lalaking mamahalin. At si Devin ay ganoon din. Ano bang kalokohan ang nangyayaring ito? Paano naman siya? Ano ba ito?

"Well. Imposible pero naging posible siya. Wala na kaming magagawa dahil siya ang natipuhan ni Jake. Average looking siya kapag hindi naaayusan pero nagta-transform kapag naayusan."

"Hindi kayo galit kay Jake?" Takang tanong niya.

"Bakit naman kami magagalit sa kanya? Sinusoportahan pa nga namin siya."

Hindi niya kinakaya ang mga naririnig. Bakit hindi na lang siya? Masasabi niyang maayos naman siya tingnan. May hitsura at may pera ang pamilya niya. Bakit hindi siya mapansin-pansin ni Jake at Devin?

String from the HeartWhere stories live. Discover now