AMOY NA AMOY ni Hyde ang alak kay Jake habang katabi niya ito. Pagkakita at pagkarating pa lang nito ay napansin na niya na may amats ito. At nang makalapit nga sa kanya ay amoy alak ang hininga nito. Ayaw naman niyang mag-usisa dahil alam niya na wala siya sa lugar. Isa pa, mukhang bad mood din ito. Magulo ang pagkakaayos ng may kahabaan nitong buhok. Ang uniporme ay magulo. Hindi nakabutones ang tatlong nauuna kaya kitang-kita ang katawan nito. Wala itong panloob.
Binalingan na lang niya si Marty na kausap si Rubius. Katatapos pa lang ng isang subject nila kaya malaya silang makipagkwentuhan sa iba. Mukhang ang gagawin ng dalawa ng pinag-uusapan ng mga ito. Wala tuloy siyang makausap.
"You can talk to me." Napabaling siya kay Jake.
"Matino ka bang kausap?"
Ngumiti ito. "Oo naman. I just look sluggish but I'm stiil sane."
"Amoy alak ka." Komento niya.
"Alam ko."
"Bakit ka pa pumasok?"
"Dahil may gagawin pa tayo." Anito saka humikab.
"Hindi ka naman makakatulong kapag ganyan ka. Mas mabuti pa na matulog ka na lang, Jake. Uwi ka na kaya."
"No. May gagawin tayo." Matigas na tanggi nito. "Kung gusto mo, I can take a nap. Gisingin mo na lang ako kapag may prof na."
"Sige. Tulog ka na. Mukhang kailangan mo 'yon eh. Iinom-iinom kasi hindi nama--"
Natigil si Hyde sa pagsasalita ng ipatong nito ang ulo sa kanyang balikat.
"Stop talking Hyde. Let me sleep. Mamaya ka na manermon."
Napailing na lang siya. Hinayaaan ito.
"Jake." Tawag niya rito.
"Hmmm."
"Pwedeng magtanong?"
"Ano 'yon?"
"Bakit ka uminom? May problema ka ba?"
Tsk. Alam ni Hyde na hindi siya dapat magtanong ng ganoon ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Alam naman niya ang sagot kung bakit uminom si Jake. Siya iyon. Hindi naman siya manhid para hindi iyon mapansin at maisip. Minsan talaga ay tanga siya sa pagtatanong. Tsk.
"Wala. Nagkayayaan lang kami nina Rubius at Dominic."
"Pero..."
"Marami akong nainom." Pamamatlang nito. "Don't worry about me Hyde. I'll be okay. Kung iniisip mo na ikaw ang dahilan, partly, yes. Pero hindi mo dapat na isipin pa iyon."
"Hindi ko kas--"
"Akala ko ba patutulugin mo ako? Bakit mo ba ako kinakausap? Let me sleep."
Napabuga na lang siya ng hangin. Pinigilan niya ang sariling magsalita pa. Para hindi na nga siya mag-usisa pa, inabala niya ang sarili sa pagtingin ng mga dapat na baguhin pa sa report nila.
Napatingin siya kay Jake nang dumulas ang ulo nito sa balikat niya. Agad niyang hinawakan ang mukha nito para hindi iyon tuluyang mahulog. Hindi sinasadyang nasagi ng kanyang daliri ang labi nito. Napatitig siya kay Jake. Napaka-inosente nitong tingnan habang nakapikit ang mata. Mahaba ang pilik-mata. At sa likod ng nakapikit nitong mata ay nagtatago ang itim na itim na mata at matiim kung tumitig. Matangos ang ilong at mapupula ang labi na ilang beses na siyang nahalikan. And the kiss..
Matigas siyang napailing sa nilalakbay ng isip. Bakit bigla-bigla nagkaroon ng siya ng hots sa lalaking ito? Bakit ba niya naiisip ang ganoon? Napepeste ang utak niya sa pag-iisip ng ganoon na bagay.
BINABASA MO ANG
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
