"BAGAY BA 'to sa kapatid mo?"
Mula sa kanyang tinitingnan na damit. Napatingin si Hyde kay Devin na may hawak na pink na damit. Nasa loob sila ng isang boutique kung saan pulos pambata ang mga paninda. Kasalukuyan na pumipili ng regalo na magugustuhan ni Vhian na mula kay Devin.
Ang paglabas nilang ito ay wala sa ideya nila. Basta na lang silang nagyayaan kagabi na pareho naman nilang sinang-ayunan. Pagkatapos nito, hindi nila alam kung saan sila tutungo pero sa likod ng isip ni Hyde, gusto niyang magpunta sa isang arcade o kaya naman sa ibang lugar na may videoke. Isa lang kasi ang gusto niya. Ang muling marinig ang magandang boses ni Devin at kantahan din ito kahit na masasabi niyang wala siyang panama sa ganda ng boses nito.
"Bagay naman sa kanya pero sa kulay tayo magkakaroon ng problema. Ayaw n'un ng pink. Mas gusto n'un ang kulay orange, yellow o kaya naman blue."
"Talaga? Bakit naman ayaw niya sa pink? Most of the girl I know loves pink."
"Ewan. Masyado daw kasing pang-girl saka common na daw. Iyon ang sabi niya sa 'kin. "
Natawa si Devin. "Eh ikaw? Ano bang kulay ang gusto mo bukod sa sky blue?"
"Black is fine." Tipid niyang sagot. Alam ni Hyde na alam ni Devin kung ano ang kulay na gusto niya.
"Black lang?" Nakangiting sabi nito. Nagtaas-baba pa ang kilay na labis nitong ikina-cute. Peste lang! Kinikilig din siya.
"'Wag ka nga Devin. Alam ko na alam mo ang mga gusto ko."
"Hindi na eh."
Pinandilatan niya ito. "Hala ka! Bakit mo kinalimutan?" Kunwaring pagtatampo niya.
"Busy kasi. Sa dami ng information na pumapasok sa ulo ko may nakalimutan na ako."
"Ang sama mo." Aniya. Sinamaan niya ito ng tingin.
"So ano na? Bagay na ba ito kay Vhian?" Pag-iiba nito sa usapan na ikinasimangot niya pang lalo.
"Ewan." Aniya. Tinalikuran niya ito.
Tsk. Alam ni Hyde na para siyang babaeng nag-iinarte pero hindi niya maiwasan na magtampo kay Devin sa pagkalimot nito sa gusto niyang kulay. Nabubwisit lang siya.
"Uy, joke lang 'yon," anito sabay kalabit sa kanya.
Hindi niya ito pinansin. "Hyde. Joke lang naman 'yon. Alam ko na gusto mo ang lahat ng kulay, kasi sabi mo nga nagagandahan ka sa kanila. Especially 'yong sa rainbow, 'yong ROY G. BIV. Pero sa lahat ng 'yon mas gusto mo ang kulay blue saka indigo. Nagbibiro lang ako na hindi ko alam."
Hindi pa rin siya humarap. Ngunit sa loob-loob niya, natutuwa siya na alam ni Devin iyon.
"Hyde." Tawag sa kanya nito. "Hyde naman. 'Wag mo akong talikuran. Pansinin mo na ako. Nagdyo-joke lang naman ako. Kapag hindi ka sa akin humarap, I will make a scene."
Sa sinabi nitong iyon ay mabilis siyang humarap. Isang malawak na ngiti na rin ang nasa labi. "Joke din iyon." Natawa na rin siya nang makita na nakasimangot na si Devin.
Napailing na rin ito saka siya mabilis na hinalikan sa labi. "You tricked me."
"Gantihan lang iyon," aniya saka ginantihan ito ng mabilis na halik sa labi.
Para lang silang baliw. Hahayst. Ang saya lang na kasama niya si Devin. Ang kasiyahan sa puso niya ay punong-puno. Bagay na ito lang ang makapagbibigay at wala ng iba kahit na hindi pa sila tuluyang humahantong sa mas malalim na relasyon. Ngunit buong-buo na niyang nasasabi na mahal niya ang lalaking ito. Na handa siyang sagutin ito pagdating ng tamang panahon. At kung kailan ang panahon na iyon. The soonest.
PAGKATAPOS nilang makabili ng regalo para kay Vhian ay hindi muna umuwi sina Devin at Hyde. Niyaya siya ni Devin na magtungo sa inuupahan nitong apartment na malugod naman niyang tinanggap. Nasa sala na sila ng bahay nito at kasalukuyang nanginginain ng tigpi-pisong tsitsirya na binili ni Devin sa tindahan na nasa kanto.
Nanonood din sila ng palabas sa maliit na telebisyon na nandodoon. Hindi iyon ang first time ni Hyde na makapunta sa bahay ni Devin ngunit nabibilib siya rito. Paano naman kasing hindi iyon mangyayari. Mag-isa lang si Devin sa bahay nito ngunit kompleto ang gamit sa bahay. Naiisip niya tuloy kung paano ni Devin nagawa ang bagay na iyon. Hindi naman niya magawang magtanong dahil masyado itong engross sa pinapanood.
Napatingin siya rito nang isandal nito ang ulo sa kanyang balikat.
"Inaantok ka ba?" Tanong niya.
"Hindi. Gusto ko lang sumandal sa 'yo. Bakit ikaw, inaantok ka ba?"
"Hindi rin." Mabilis niyang sagot.
"You know what last week was a tiring day for me. Masyado kaming maraming ginawa."
"Alam ko naman 'yon." Ang natatawa niyang sabi. "Bakit ba sinasabi mo sa 'kin 'yan ngayon?"
"Just to open up a conversation with you. Baka kasi isipin mo na wala na akong time sa 'yo."
"'Wag ka ngang mag-alala. Naiintindihan naman kita saka kahit ako rin naman busy eh. Mas mahalaga pa rin naman ang pag-aaral."
Hindi ito nagsalita. Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila.
"Hyde..." Tawag sa kanya nito.
"Hmmm." Aniya habang nakapikit.
Nawala na ang atensyon nilang pareho ni Devin sa pinapanood kaya naman pinatay na nito iyon.
"What if I ask you for something, will you give it to me?"
"Ano ba 'yong something na 'yon? Depende naman kasi."
"Paano kung itanong ko sa 'yo kung kailan mo ako sasagutin? Magagalit ka ba?"
Natahimik siya. "Bakit naman ako magagalit? Bilang nanliligaw karapatan mo ang magtanong. Sawa ka na bang maghintay?"
"Hindi naman sa nagsasawa. Its just that I'm coming to the point of making our relationship in the next level. 'Yong masasabi ko na totally akin ka na. 'Yong malaya tayong gawin ang mga bagay na gusto natin saka 'yong iba pa."
Hindi naman slow si Hyde para hindi makuha ang gustong ipahiwatig ni Devin. Alam niya na kahit na may katiyakan na pwedeng maging sila ay natatakot ito na mawala siya dito. Iyon ang naiisip niya dahil takot din siya na mawala sa kanya si Devin. Ngunit hindi siya handa na sagutin ito ngayon. Wala siyang eksaktong dahilan pero iyon ang pakiramdam niya. Hindi pa siya handa. Lagi niyang sinasabi sa sarili na sasagutin na niya ito in the soonest possible way pero sa ngayon ay may pag-aalinlangan pa siya. Siguro nga ay kailangan ni Hyde ng taong magbibigay sa kanya ng isang malakas na hampas sa ulo para madaliin siya na sagutin si Devin. Devin just wanted to have security between the both of them. Hindi man nito sabihin alam niya na nate-threaten ito kay Jake. Matagal na.
"Sasagutin naman kita eh." Tanging nasabi niya.
Umalis ito sa pagkakasandal sa kanya. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
"Alam ko naman iyon."
"Kaso natatakot ka na baka maagaw ako sa 'yo ni Jake. Magkaibigan lang naman na kami ni Jake eh."
"Okay. Sige. Aaminin ko na natatakot ako. Kilala mo nama kung sino si Jake sa buhay ko, hindi ba?"
Tumango siya saka bumaling dito. "Oo. Pero kaibigan ko na lang siya."
"Para sa 'yo kaibigan siya pero para sa kanya hindi."
"Tumigil na si Jake sa panliligaw sa akin. He already accepted his defeat. Nagparaya na siya para sa 'yo." Sabi niya.
"Iba naman kasi ang sinabi sa ginagawa, Hyde." Bumalatay ang selos sa gwapong mukha nito. "Aaaminin ko na tuwing magkasama kayo, nag-aalala ako. Wala kasi akong panghahawakan sa 'yo. I'm only a suitor. I don't have the right to call you mine. Nagseselos ako sa kaalaman na palagi kayong magkasama, na mas nakakasama mo pa siya ng matagal kesa sa 'kin. Na mas kilala ka pa niya kesa sa 'kin. Na ma--"
Natigil ito sa anumang sasabihin nang yakapin niya nang mahigpit.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
