"Nandyan ka pa ba?" Tanong ni Marty.
"Nandito pa ako."
"Parang ayaw mo akong makausap," kunwa'y nagtatampo sa sabi nito.
"Hindi naman. May in-expect kasi ako na tatawag sa akin."
"Si Devin ba?"
"Oo."
"Kung ganoon, sige, ibababa ko na 'to."
"Okay."
"Okay."
Nawala na ito sa kabilang linya. Napabuntung-hininga siya. Si Devin lang talaga ang hinihintay niya na tumawag sa kanya. Lampas na sa oras ang oras ng pagtawag nito. He's expecting him to call because Devin promise to him that he will call. Kung tutuusin pwede naman siyang tumawag pero sabi nito ay ito ang tatawag. Nakakatampo na baka nakalimutan na nito iyon.
Hawak ang cellphone na nagtungo siya sa kwarto. Nahiga siya sa kanyang higaan. Nakatingin siya sa kisame. Still waiting Devin to call him. Nakatulugan na niya ang paghihintay sa tawag ni Devin.
MASAMA ANG pakiramdam ni Devin. Masakit ang lalamunan niya pati ang kanyang ulo ay sobra ang sakit. Pakiramdam niya anumang oras ay magkakasakit siya. Habang nasa loob nga siya ng ginaganapan ng seminar para sa pangatlong araw ay hindi niya maituon ang buong pansin doon. Nayayakap na lang niya ang sarili sa lamig kahit na may suot naman siya na jacket.
Kanina pa tapos ang seminar nila. Nakahiga siya sa inuokupa niyang kama sa loob ng hotel room. Nakatalukbong ng kumot at balot na balot ang katawan. Lately, napansin niya na mahina ang resistensya niya. Palagi na lang siyang nagkakasakit.
"Okay ka lang ba Devin?"
"Hindi." Sagot niya sa kasalo sa kwarto na kasama.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Oo. Uminom na ako. Kanina pagising ko masama na ang pakiramdam ko."
"Epekto siguro 'yan ng pagpapa-ulan natin kahapon."
Biglaan kasi ang pag-ulan kahapon. Namamasyal silang magkakasama nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala silang pananggalang kaya naman tumakbo sila pabalik sa tinutuluyan nila.
"Siguro nga. Hindi ko akalain na tatablan ako ng sakit."
Natawa ito.
"Hindi naman talaga natin 'yan inaasahan but atleast we can prevent it." Sabi nito. "Sige, Devin, pahinga ka lang. Lalabas muna ako."
Nang makalabas ito ay napapikit siya. Mas lalo niyang isiniksik ang sarili saloob ng kumot. Napatingin siya sa cellphone niya. Kinuha niya iyon. Napapikit siya nang mariin nang makita na lowbatt iyon.
Dahil sa sakit nakalimutan na niyang i-charge iyon. Hindi na siya nag-abalang mai-charge pa iyon. Hinila na siya ng antok.
NADISMAYA SI Hyde ng wala pa rin siyang nakita na mensahe galing kay Devin pagkagising niya. Nakatulog siya ng mahigit sa tatlong oras pero wala pa ring text message si Devin. Naiisip niya na baka may ginawa ito o kaya abala kaya walang text man lang. Naiisip din niya na may valid itong rason sa hindi nito pagtupad sa pangako na ite-text siya.
Inabala na lamang niya ang sarili sa pag-aasikaso sa kapatid na pina-alaga sa kanya ng mama niya. Pagkatapos niyang maasikaso ang kapatid saka niya binalikan ang cellphone sa kanyang kwarto para siya na lang ang tumawag kay Devin.
Pumwesto si Hyde sa garden para may privacy siya. Idinayal niya ang numero ni Devin. Isang tawag ngunit walang sumasagot. Ang mga sumunod ay ang boses ng babae na laging maririnig kapag out of reach ang tinatawagan ang sumasagot sa kanya.
KAMU SEDANG MEMBACA
String from the Heart
RomansaTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Mulai dari awal
