Nawala lang ang pansin niya sa cellphone nang marinig ang pagpasok ng kung sino sa sala. Napatingin siya sa taong iyon. Si Clyde.
Tiningnan lang siya nito saka dumiretso sa kwarto nila. Hanggang ngayon talaga, sibil pa rin ang ang pakikitungo nito sa kanya. Kibuin-dili siya na pilit niyang binabalewala pero apektado naman talaga siya.
Tumayo siya mula sa kinauupuan saka sinundan si Clyde sa kwarto nila. Naabutan niya ang kakambal na nagbibihis.
"Clyde." Tawag niya sa pansin nito. Hindi ito nagsalita. "Pwede ba tayong ma-usap?"
"Tungkol saan?"
"Sa pakikitungo mo sa 'kin." Aniya. Bumuntung-hininga siya. "Hindi ako sanay na ganito tayong dalawa."
"Sabi ko naman sa 'yo na babaguhin ko ang desisyon mo na hindi magustuhan si Chloe."
"Magkikita kami ni Chloe sa susunod na araw. Magba-bonding kami."
Saka pa lang siya nito tiningnan sa sinabi niya. "So open ka na na makilala siya?"
Tumango siya. "Oo. Para sa 'yo. Ayoko naman kasi na malamig ang pakikitungo mo sa 'kin."
Malawak ang naging ngiti ni Clyde saka siya niyakap nang mahigpit. Muntik pa siyang mabuwal dahil hindi niya inaasahan iyon. Pagkatapos siya nitong yakapin, lumayo ito saka siya tiningnan.
"Mabuti naman at nagbago ang desisyon mo. You will like her, Hyde. Mabait si Chloe. Mapagbigay din siya."
"In love ka ba sa kanya?" Curious niyang tanong.
"I like her. Hindi pa naman 'yon patungo sa love yata. Hindi lang ako sure." Mabilis na sagot nito. Nagniningning pa ang mga mata.
"Ah. Para sa 'yo talagang makikipag-lapit ako sa kanya."
"That's a relief, Hyde. Salamat."
"Walang anuman. Para lang sa 'yo, huwag ka lang magtampo."
Ngumiti ito. "Malakas talaga ako sa 'yo."
"Oo." Aniya. "Sige. Labas na muna ako."
Tumango ito bilang pagsang-ayon. Malawak ang ngiti sa labi ni Hyde. It was such a relief now that he and Clyde were in good terms again.
Tiningnan niya ang cellphone niya. He smiled automatically when he heard it ring. Alam niya kasi na si Devin iyon. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone saka tiningnan kung soi Devin ba talaga ang tumatawag.
Nadismaya siya nang makita na hindi si Devin ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
"Hello."
"Hello, Hyde. Bakit ganyan ang boses mo? Parang dismayado na dismayado ka, ah."
Si Marty ang nasa kabilang linya.
"Hindi naman," sagot niya. "Napatawag ka? Balita?"
"Wala namang bago. May load lang ako kaya kita tinawagan. Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko sa college."
Napangiti siya. "Nagsasayang ka lang pala ng load."
"Hindi. Mangungumusta lang ako. Kumusta ka na ba?"
"Okay lang," natatawa niyang sagot. "Kung mangumusta ka parang ang tagal na mula nang hindi tayo magkita."
"Three days are long enough."
Yeah. Three days are long enough. Siya nga sobra na niyang nami-miss si Devin kahit tatlong araw pa lang mula nang hindi sila magkita. Kahit na may komunikasyon naman sila sa pamamagitan ng text at tawag. Sobra na niyang nami-miss si Devin.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Start from the beginning
