KAHIT NA malungkot si Devin sa pagkatalo nila sa battle of the band wala na siyang magagawa. Nangyari na kasi ang nangyari. The only consolation that he had is that they have a big chance to win with it just like the previous battle of the band held.
Hindi naman niya masisisi si Brax sa pagsablay nito. Ang pagbunton ng sisi dito ay walang magagawa. Hindi naman nito iyon sinasadya saka nakita naman niya ang effort nito para makasabay sa kanila. Sadya lang talagang okupado ito sa narardamdaman nito kay Vienne. Being away with the person you love the most is painful. Hindi man niya nararamdaman, dama niya ang sitwasyon ni Brax.
Sa nangyayari sa love story ng mga ito. Devin silently praying that his relationship with Hyde will not lead to something akin with what the two were having now.
Tuwing nakikita niya si Brax ay hindi niya maiwasan ang malungkot para rito. Alam niya na malalampasan nito iyon pero kung kailan... hindi niya alam. Wala naman siyang masyadong alam sa mga nangyari dahil hindi naman ito nagkukwento sa kanya o kay Theo. Nananatili na tahimik at malungkot ang kabanda nila.
"Devin."
Napatingin si Devin kay Hyde.
"Ano?"
"Kahit hindi kayo nanalo, okay lang 'yon."
Napangiti siya saka ito inakbayan. Ilang araw na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang battle of the band. Pagkatapos ng araw na ito ay aalis siya para dumalo sa isang convention na late na nangyari kasama ang mga nasa department niya. Isa siya sa representative ng kanilang department.
"Okay lang 'yon. Nandito ka naman sa tabi ko. Nalulungkot lang ako na malalayo ako sa 'yo ng five days."
"Okay lang 'yon, Devin. Alam ko na hindi ka magsasawang tawagan ako."
"Of course. Hindi talaga ako magsasawang tawagan ka. Siyempre kapag hindi ako busy."
"Yeah. Kapag hindi ka busy. Balitaan mo na lang ako sa text."
Tumango siya.
"Sa ngayon tulungan mo na muna akong mag-empake ng ilang gamit ko."
Iyon nga ang ginawa nilang dalawa. Magkatulong sila sa pagsisilid ng ilan niyang damit para sa limang araw niyang pamamalagi sa lugar kung saan gaganapin ang convention. Hindi pa man siya nakakaalis, nalulungkot na siya na malalayo siya kay Hyde.
NABURA ANG ngiti sa labi ni Hyde nang mawala na sa kanyang paningin ang sinasakyan na coaster ni Devin kasama ang miyembro ng organization nito para magtungo sa isang convention na tatagal ng ilang araw. Aaminin niya na nalulungkot siya na hindi makikita si Devin sa loob ng limang araw. Nasanay na kasi siya na palagi itong kasama mula nang magkaroon sila ng tampuhan. Ang mga araw ay hindi natatapos na hindi sila kumakain sa labas o kaya naman magkasamang nanonood ng kung anu-anong palabas sa telebisyon sa loob ng apartment nito. Alam niya na masyado na siyang OA pero hindi niya maiwasan ang sarili na makadama ng ganito.
Napabuntung-hininga siya saka naglakad papasok sa campus. Hindi pa man siya nakakatungo sa school building tumunog na ang cellphone niya na nasa bulsa. Sinagot niya ang tawag na mula kay Chloe. Kahit na pumayag na siya sa paanyaya nito na lumabas, hindi pa rin iyon nangyayari. Through text at call lang muna ang komunikasyon nilang dalawa. Talagang desidido si Chloe na makipaglapit sa kanya at ganundin siya para sa kapatid niya.
Speaking of Clyde. Well. Hindi pa siya masyadong kinakausap ng kanyang kapatid. Parang may pader pa rin na nakaharang sa pagitan nilang dalawa.
"Kailan tayo magba-bonding?" Maririnig ang excitement sa boses nito.
"Marami tayong time, Chloe. Tapos na ang sem. Bakasyon na natin."
Tumawa ito. "Oo nga naman. Excited lang kasi talaga ako na maka-bonding ka, Hyde, eh."
"Ako rin naman. May mga plano ka na ba pupuntahan natin?"
"Meron. Marami. Pero mas gusto kitang makainuman."
"Hindi naman ako umiinom, eh."
"Tikim lang naman saka kapag medyo may tama ka na titigil na tayo."
"Okay. Sige ba." Wala namang masama kung pagbibiyan niya ito. Chloe means no harm base on their talking. Sadyang nami-misinterpet lang ito dahil sa modernang pag-uugali nito.
Tinapos na niya ang tawag nang makita si Jake na palapit sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap nito two weeks ago ay hindi na siya nito kinausap pa ng matagalan. Parang palagi may oras ito kapag kinakausap siya. Naiintindihan niya naman si Jake.
"Pwede kitang mayaya kumain?"
"Saan naman?" Curious niyang tanong.
"Kahit saan. Parang pakiramdam ko kasi, obligado ako na bumawi sa 'yo pagkatapos ng mga ginawa ko the past weeks."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Talaga? Mabuti naman at napansin mo na binalewala mo ako sa nakalipas na mga araw."
"Yeah." Nahihiyang pag-amin nito. "Well. Let me tell you why, Hyde. Nagseselos at nasasaktan pa kasi ako sa mga panahong iyon."
"So? Ngayon hindi ka na nasasaktan?"
"Nasasaktan pa rin ng kaunti pero hindi ko naman gusto na malayo ka sa 'kin."
"Magkaibigan tayo kaya sige. Labas tayong dalawa. Ikaw na ang bahala kung saan tayo kakain. Just like the old times."
"Yeah. Just like the old times."
Magkaagapay silang dalawa naglakad papunta sa parking lot.
ANG PAGYAYAYA kay Hyde lumabas at kumain ay isa sa mga plano ni Jake para mas mapalapit dito. Para mailayo niya ito kay Chloe. Hindi naman sana ngayon niya uumpisahan ang muling paglapit nito kung hindi lang niya narinig ang pakikipag-usap ni Hyde kay Chloe sa cellphone. Naisip niya na kailangan na niyang gumawa ng aksyon para mailayo ito sa plano lalo pa at wala si Devin.
Si Devin...
Desidido na ang daddy niya na kuhanin ito at idaan sa legal na proseso ang mga bagay para maging kaapelyido na nila. Iyon nga lang at hinahadlangan iyon ng tita nito na mas kilala nito bilang ina.
Para sa kanya ay okay lang ang mga bagay na ginagawa ng daddy niya. Magkasundo na sila kaya naman pabor na siya sa ginagawa nito.
Sa lahat ng taong involve sa mga nangyayari sa kanila, si Devin lang ang tila clueless at walang alam sa mga nangyayari. Hindi naman niya masisisi ito dahil sadyang abala ito sa pag-aaral at sa banda nito. Ngayon nga ay kaaalis pa lang nito para magtungo sa convention na dadaluhan.
Napabaling si Jake kay Hyde nang marinig niya ang malalim na pagbuntung-hininga nito.
"Okay ka lang?"
"Oo naman. Inaantok lang ako."
Ah. Si Hyde... ang kanyang si Hyde na sa panaginip niya lang maaangkin. Sa isang katulad niya na nagmamahal. Maituturing na siyang masokista. Masakit. Ilang beses na ba niyang sinabi sa sarili iyon? Ngunit sa kabila niyon ay masaya pa rin siya na nakikita at nakakasama ito katulad ngayon. Siyempre may motibo siya sa mga bagay na ginagawa niya ngayon. Ilalayo niya ito sa mga taong naiinggit at makakasakit dito.
"Iuwi na lang kaya kita," suhestiyon niya.
"Iuuwi mo ako? Paano naman ang libre ko kung ganoon? Okay lang 'to, Jake. Parang hindi mo naman alam na antukin ako minsan."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo nga naman pala. Sige. Sayang ang libre. Sa dati lang, hindi ba?"
Tumango ito.
Mga ilang minuto nakarating na sila sa isang fastfood chain. Ang lugar na isa sa memorable sa kanya kasama ito.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Start from the beginning
