Chapter Twenty-Nine (Part 1)

Start from the beginning
                                        

MATAGAL NG alam ni Jake na may nagbabanta sa buhay ni Hyde at si Vix nga iyon pero hindi siya gumagawa ng aksyon na nauukol doon dahil hindi sapat ang salita para ireport niya ito sa kinauukulan. Isa pa naging abala siya sa pagpapakita ng nararamdaman para kay Hyde, sa kanilang pagkakaibigan at sa kanyang kabiguan na paulit-ulit. Kaya nga siya nagbakasyon dahil doon.

At nang marinig niya ang mga sinabi ni Chloe... si Chloe na hindi niya akalaing may galit pala kay Hyde ay hindi pa siya maaalerto. Nararapat lang pala talaga na kahit nasasaktan hindi siya lumayo kay Hyde. Okay lang na masakit pero gusto niyang maprotektahan si Hyde.

INSPIRADONG-INSPIRADO si Devin sa bawat araw na dumaan dahil kay Hyde. Ngayon ang araw ng battle of the band. Alam niya na magagawa niya ng tama ang parte niya sa kanilang grupo dahil kay Hyde. Malawak ang pagkakangiti sa kanyang labi nang maalala ang eksena nilang dalawa kanina bago sila magkasabay na magtungo sa gaganapan ng BotB.


"Kinakabahan ka ba para mamaya, Devin?"

Isang ngiti saka marahang iling ang naging sagot ni Devin sa tanong ni Hyde. Nasa harap siya ng salamin, kasalukuyang inaayos ang suot niyang damit. Si Hyde naman ay nakaupo sa kama habang nakatingin sa kanya.

"Oo nga naman. Matindi ang naging practice n'yo para sa battle of the band. Sigurado ako na maiuuwi niyo ang panalo."

"'Yong mga previous namin na laban. Lumalaban ako kasi kailangan ko ng pera. I was motivated by the money that we were getting for the competition. But now, I'm fighting for the competition because of you." Hinarap niya si Hyde saka hinawakan sa kamay.

Hinila niya ito patayo. Niyakap niya ng mahigpit.

"Ikaw ang inspirasyon ko sa mga oras na 'to, Hyde. Sasabihin ko na mahalaga ang pera kasi kailangan ko naman talaga iyon pero ikaw ang inspirasyon ko. Gusto kong manalo kami ngayon para sa 'yo."

"Bakit ba ang sweet mo?" Natatawa nitong tanong sabay kurot sa pisngi niya.

Natawa siya. "Para hindi ka na magtampo. Para hindi mo ako pakawalan. Para hanap-hanapin mo ang paglalambing ko."

"Hahanapin naman talaga kita. Pero sa ngayon bilisan na natin para makapunta na tayo sa BotB."

"Mabuti pa nga. Pero bago 'yon nasaan ang kiss ko?"

Nangingiting sumunod sa kanya si Hyde. Binigyan siya nito ng isang halik sa labi. Isang mabinig halik. Hindi siya tumugon. Hinayaan niyang gumalaw ang mga labi ni Hyde sa labi niya. Hyde gently sucked his lips. Urging him to respond to his kisses. Ang mabinig halik nito ay naging marubdob hanggang hindi na niya kayang magtimpi. Hinawakan niya ito sa likuran ng ulo upang maglapat pa ang kanilang labi. Mas lalong uminit ang kanilang halikan sa kanyang pagganti. Nagduwelo ang kanilang labi. Sinipsip niya ang dila nito. Ganoon din ang ginawa ni Hyde. Natigil lang silang dalawa nang kapusin sila ng hangin.

Idinikit niya ang noo sa noo nito. Nagkangitian sila.

"I love you, Hyde."

"I love you too."

Kung hindi siya nakapagpigil baka tuluyan na talaga silang humantong ni Hyde sa kama at doon magpalipas ng isang araw.

"Kaya mo 'yan, Devin." Ani Hyde.

Awtomatiko siyang napangiti. Talagang bumalik pa ito sa backstage para ipakita ang suporta nito.

"Kaya ko talaga. Nandyan ka eh."

"Bola. Galingan mo kahit alam ko na magaling ka naman talaga."

"Ikaw ang nambobola." Tudyo niya rito.

"Hindi kaya. Talaga namang magaling ka saka alam ko na alam mo 'yon."

"Alam na alam. Pero mas gagalingan ko para sa 'yo."

"Okay." Anito. "Pabaon para mas galingan mo pang lalo." Sabi nito saka siya hinalikan ng mabilis sa labi.

Hindi tuloy nawala ang ngiti sa labi niya kahit na medyo namroblema sila kay Brax na may problema sa pag-ibig.

String from the HeartWhere stories live. Discover now