Chapter 8: Blunt Affect? You're Insensitive!

59 1 0
                                    

CHAPTER 8: BLUNT AFFECT? YOU'RE INSENSITIVE!

Yesha's POV:

"Ikaw ang umagaw kay Steffan, ikaw ang mas flirt! Wala kang karapatang takutin ako"  okay na sana eh. Tanggap kong mahal ko siya kahit sila noon pero, ang kasunod niyang sinabi..

"remember the pictures? Mas pa ang gagawin ko kay Steffan kumpara sa pictures. Tandaan mo iyan. Baka masira ang relasyon niyo na matagal mo ng pinapangarap" pilit kong pinatatag ang sarili ko dahil naalala ko na naman ang nasa litrato na natanggap ko kagabi. Gusto kong umiyak. Pero, nag-usap na kami ni Steffan kagabi. Kailangan kong magpakatatag. Hindi ko hahayaang masira ang relasyon namin at dito pa sa malanding haliparut! Naggawa pang makipaglandian sa harap ko!

"Huh? Hindi ako natatakot sa'yo. Huwag na huwag ka ng makipagflirt kay Steffan dahil may girlfriend na siya, maawa ka naman sa sarili mo. Napaka obsess, gagawin ang lahat para makuha si Steffan? Nababaliw ka na yata. Ikaw lang ang gumawa ng paraan samantalang ang ginawan mo ng paraan ay hindi ikaw ang mahal. How sad! Ako ang pinili niya

Parang any moment ay babagsak na ako. Ayokong umiyak. Not this time at hindi sa lugar na maraming makakakita. Ang mga sinabi kong huli bago ko bitawan si Larissa, feeling ko parang bumabalik lang sa akin lahat ng sinabi ko. Obsess? Gagawin ang lahat para makuha si Steffan? Pero, nagiging friendly lang naman ako sa kanya noon diba?

Pero, may nararamdaman ako sa kanya at may times na hindi ko nacontrol ang sariling kiligin ang mga ginawa niya sa akin noon. Pumunta ako sa upuan ko kanina at kinuha ang bag ko. Gusto kong mapag-isa.

"Bessy!" ooohhh. Not with that look. Huwag kang ganyan bessy, huwag mo akong paiyakin please.

I composed myself. Ayokong magpahalata. I looked at the ceiling to prevent me from crying. I made a weak smile at bessy. I know I'm not good at this. Lalo na kay bessy. Kilalang kilala niya ako. Siya lang ang makakapagsabi kong nasasaktan na ako kahit pa ngumingiti. Siya lang. 

Hinawakan ko siya sa kamay at pilit na ngumiti para hindi niya ako mahalatang nasasaktan na. Ayokong magsalita dahil baka mapiyok ako. Gusto kong mapag-isa. Kailangan ko ng lumabas. Naintindihan niya naman ako dahil lumayo na siya.

Sa paglalakad ko papunta sa labas ng Gym ay nakarinig ako ng tunog ng sapatos na tumatakbo papalapit sa akin. Gusto ko mang tingnan kung sino iyon pero sinasabi ko sa sarili kong lalabas ako no matter what. 

"Yesha" hindi ko iyon pinapansin. Kilala ko ang boses na 'yon. Hingal na hingal siya pero naglakad pa rin ako ng mabilis.

"We need to talk" talk? Ayoko! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong sabihin sa kanya na nakita ko ang mga litrato nila. I'm not good at lying.

"PLEASE!" nagulat ako sa lakas ng boses niya. Napalingon ang ibang estudyante sa gawi namin dahil malapit na kami sa labas. Huminto ako na hindi siya nililingon. Hinahawakan niya ako sa magkabilang braso para iharap sa kanya pero nagmatigas ako, hindi ako sumunod. I implanted my feet to where I'm standing right now.

Ayokong makita ang mga mata niya. Iyon ang weakest na parte sa kanya na hindi ko matanggihan.

"Ano ang sasabihin mo?" walang emosyon kong pagkasabi

"Yesha. Pls. Harapin mo ako" ayokong humarap!

"Please Steffan, kung may sasabihin ka, sabihin mo na" pumunta siya sa harap ko at niyakap ako. Hindi ko ginalaw ang buong katawan ko. Yumuko ako. Shet! Ano ba? Bakit mo ako niyakap? Lumambot lalo ang puso ko. Ayokong umiyak na naman na may makakakita! Please lang umalis ka na sa yakap mo oh.

EUPS: Is Love Enough? ✔ (II of SL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon