Chapter 26: (Part 2)

48 1 0
                                    


"Hindi! Dapat lang na maghiwalay sila. Binigyan ko na siya ng pagkakataon na makabawi, kahit labag man sa kalooban ko dahil napahamak na siya ma. Napahamak na ang anak natin. Okay lang pero ngayon--"

Pumikit ang mama ni Yesha habang pinapakalma ang sarili, hinaakan niya ang asawa. Maski naman siya ay nagulat din sa nalaman nila. Hindi nila inakalang mangyayari ito, hindi nila naisip ito. Ang mga barkada ni Yesha ay nasa gilid lamang habang rinig na nila ang sigawan ng papa ni Yesha at nagadadasal na sana magiging okay ang lahat.

Ang binata naman sa gilid ay hindi na mapakali, kailangan niyang kausapin ang magulang ng kanyang fiancee ngunit hindi pwede. Hindi pa ito ang tamang oras.

"Huminahon ka pa" pumikit ulit ang mama ni Aiesha, iniisip ang tamang sasabihin para hindi makasakit "magulang tayo diba? Ganyan ang sitwasyon ni Yesha, anak natin. Pinagdaanan din natin ito. Please naman pa, huwag kang maging strict para sa anak natin. Maawa ka naman. Diba, you've been there"

Napatigil ang papa ni Yesha sa narinig, tila ba natapakan ang kanyang damdamin. Naalala niya ang kapatid ni Yesha sa kabila nitong ina. Sasapakin na sana niya ang ina ni Yesha pero hindi maari. He walked out. Lumabas siya sa ospital na kay lalim ng iniisip.

Kay sakit isipin na all this time ay may anak siya pero hindi niya napahalagahan, hindi man niya nadalaw ito kahit sa paglaki nito.

--- 


Kumakain ang magbarkada habang sinasaluhan si Yesha. Ang mga magulang naman nila ay nasa labas ng kwarto, tila labag sa kalooban ng ama ni Yesha na nakikita ang binata. Pilit na pinapahinahon ito ng mama ni Yesha ang kanyang papa.

"Hi" bati ni Steffan sa kanya

"Hello"

"May masakit pa ba sa iyo? May kailangan ka ba ngayon?" kumunot naman ang dalaga sa tanong ni Steffan. Naweweirduhan talaga siya sa mga tao ngayon. Ano ba ang meron? Bakit parang may alam silang hindi ko nalalaman? 

"Ahm.. Ito lang kamay ko, pwede naman sigurong tanggalin ito. Okay naman ako. At kailangan? Wala naman" ugh! Bakit nahihilo na naman ako? 

Napasapo siya sa kanyang ulo at humawak kay Steffan. 

"Steffan. Nahihilo na naman ako. May hang over pa siguro ako" kita naman niyang ngumiti ang binata sa kanya

"Bakit parang masaya ka na nahihilo ako?" umiling lang ang binata at sinubuan siya ng fruit salad

"Ang tamis. Gusto ko pa. Pero mas gusto ko iyong mas juicy, bakit ang dry?"

"Mabuti naman at nagustuhan mo ito" at hinalikan ng binata si Yesha sa noo

"Hali na kayo guys" Cairine

"Oy bessy? Saan ka pupunta oy?" maluhaluha na si Yesha sa biglang pag-iwan nila sa kanya

"Sa labas lang bessy, para naman may quality time kayo"

"Dito lang kayo. Nasaan sina Jade?" biglang nag-igting ang mga panga ni Steffan na napansin naman ito ng dalaga. Hinawakan niya ang mukha nito nang dahilan para lumambot ang mukha ni Steffan.

"Sorry"

Sila nalang dalawa sa kwarto at hindi napansin iyon ng dalaga. Parang gusto niya kantahan siya o makinig man lang ng mga kanta.

"Kantahan mo naman ako" paglalambing ng dalaga sa kasama nito. Aksyon pang lumapit siya sa binata at inaamoy ang pabango nito na gustong-gusto naman niya

"Wala akong dala eh" nalulungkot siya dahil hindi siya kakantahan ng fiancee kaya tumulo ang luha niya

"Eh! Wala kag mga kanta jan sa phone mo? Iyong acoustic ah?"

"Umiyak na naman po ang fiance ko. Huwag ka nga" hinalikan ni Steffan ang mga mata nito at humiga sa kama katabi niya. Mas lalong sumiksik si Yesha sa kanya at niyakap naman siya ng binata.

Naghahanap ng mga kanta ang binata at pinapatugtog iyon. Sa mga acoustic na narinig ni Yesha ay isa lang ang gusto niyang pakinggan ng pabalik-balik entitled "Love Alone is Worth the Fight" covered by Marielle Kraft.

Habang nakatugtog ito sa phone ng binata ay may kinuha sa bulsa ang binata at kumakanta na rin ang binata kasabay nang dalagang sinusunod ang singer. Nagduet sila at ang saya ni Yesha na nakakanta siya ulit kasama ng taong mahal niya with this song na napalapit na rin sa puso niya.

Napansin niyang lumayo ng kaunti si Steffan at lumuhod ito.

"Anong ginagawa mo?"

"Aiesha Rianne Uy, ang sweetkins ko. Gusto kong maging asawa ko, na gusto kong makasama habang-buhay, na gusto kong maging ina ng mga anak ko. Let's make a family together, a happy family? This time may I ask you, in front of your parents and friends.." 

Napasinghap ang dalaga dahil napansin niyang nasa pintuan ang mga taong mahal niya, na nakasaksi ng proposal na ito. Papa? Mama? Words that she cannot speak, this feeling that she cannot understand. Why? Ano-ng? Bakit? Are they in good terms now? 

Lumingon siya sa mga magulang nito "Sir, Ma'am, I promise to protect her, to be a deserving husband I could be. I won't promise not to hurt her but I will try my very best to be."

Tumulo na rin ang luha ng kanyang papa na kanina pa ito pinipigilan habang iyong mga babae ay kanina pang umiiyak. Hindi niya kayang mawalay ang kanyang anak, na magkakaroon na ito ng panibagong buhay. Na mag-aasawa na ito, deep in his heart ay alam niyang sincere si Steffan pero sa ngayon ay ayaw niyang saktan ang kanyang anak. Kitang-kita niya sa mata niya kung paano kamahal ni Aiesha si Steffan at pareho rin ang nararamdaman ng binata sa dalaga. It's just that na hindi pa niya tanggap. May mga bagay na hindi niya pa tanggap. Pinilit niyang ngumiti, as of now hahayaan ko sila pero hindi ko pa maibibigay kay Steffan ang buo kong tiwala. Hindi pa. Hindi ko pa maibibigay sa kanya ang "Oo" ko. Hindi pa. Pwede pang magbago ang isip ko. 


Epilogue will be the next, the last.


EUPS: Is Love Enough? ✔ (II of SL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon