Chapter 20: Abduct, It's worse!

65 1 0
                                    

 

CHAPTER 20: ABDUCT, IT'S WORSE!

        I cannot contain my emotions, hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak habang siya naman ay nakaluhod pa rin at hinihintay ang sagot ko. Without a word ay niyakap ko siya. Nang sa tumagal ay tumingin ako sa kanya habang pinahid ko agad iyong mga luha ko.

"Dalawang linggo kang wala tapos ganito" tumulo na naman ang luha ko. Ngumiti lang siya at pinahid ang luha kong hindi ko na naman mapigilan.

        Ngumiti ako sa kanya dahil sa galak na nadarama ko "papaaralin mo pa naman siguro ako, may isa pa akong taon" I smiled at iyon ay inilagay na niya ang singsing sa daliri ko

"Yes, I will marry you Ry Steffan Chui" niyakap ko siya ng napakahigpit at tumayo na kami

        Narinig kong may nagpalakpakan. Hindi ko napansin na narito pala ang pamilya ni Steffan. He kissed me lightly on the lips at tumingin sa pamilya niya.

"Kanina pa po kayo nandito?" sa tingin ko ay nahiya siya sa tonong na iyan

        Tumango lang sila at ngumiti.

"Timing naman pala ang inihanda ko!" sigaw ng mama niya

        I could never been this happy in my whole life. Noon ay pangarap ko lang itong ganitong pagkakataon pero hindi ko inaakalang mangyayari pala ito. Pumikit ako at sinasabi ko sa sarili kong na sana hindi ito panaginip, sana totoo ito at kung panaginip lang ito ay sana hindi na ako magigising pa. I wanna be Mrs. Ry Steffan Chui. 

        Naggising ako na nakangiti kahit masakit ang ulo ko dahil matagal akong nakauwi kagabi at nakainom pa ako ng alak. Hindi naman sa mahilig akong uminom ng alak. Nang dahil sa saya ko kahapon ay hindi ko na mapigilang makikipag-inoman sa pamilya ni Steffan.

        Bumangon ako para gawin ang morning routine ko. Ang saya lang sa pakiramdam eh, iyong feeling na hindi na mapigilan ang mapangiti. I'm so glooming when I have seen my reflection in the mirror. 

"Kailan natin 'to sasabihin sa mga magulang ko?" tanong ko

"Sasabihin din natin kapag okay na ang lahat" he smiled answering me

        Hindi ko malaman kung ang ibig sabihin niya na kapag wala ng komplikasyon sa relasyon namin o iyong naganap noong kay mama- Oh my ghad! Sana manahimik na sila, sana wala na silang gagawin pang masama. 

        Biglang nawala iyong ngiti ko sa isipang iyon. Nandito na si papa at nalaman naman niya na magkarelasyon na kami ni Steffan. Siguro naman ay wala ng susunod pa na mangyayari. Mga ilang linggo na rin na matiwasay ang pamumuhay namin at sa nakikita ko sa tuwing lumalabas ako ay wala namang problema.

        Sumilip ako sa bintana at nandito pa rin ang mga gwardya kaso lang ay nabawasan sila para hindi makahalata si papa. I sighed.

        Naisipan kong lumabas na ng kwarto ko at tiningnan kung ano ang niluto ni mama. Pinagmasdan ko si mama na masayang nagluluto habang tinutulungan siya ni papa. I smelled a new breakfast.

"Gising ka na pala. Gatas mo" napangiti ako at inabot ang gatas na timpla ni mama

"Ginawa mo namang baby ang prinsesa natin. Hayaan mo na siyang magtimpla ng gatas" I frowned. Si papa talaga kontrabida.

"Hayaan mo na. Kapag tapos na iyang mag-aral magiging independent na iyan" 

"Fourth year na iyan sa susunod na pasukan, kailangang matuto na iyan. Kung wala pa siguro ako rito palagi na iyang late" papa hissed

"Pa naman!"ang kill joy talaga ng papa ko

        Army ba ito ay seaman? Tss! Kasi may training iyan, panigurado na pang-army na rin ang kilos niyan. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Ang ganda ng umaga ko eh.

"Tingnan mo umagang-umaga nakabusangot na iyang anak mo, ang sarap ng ngiti niyan kanina eh"

"Nga pala, kumusta ang date niyo anak?" nakatalikod si mama pero alam kung nakikinig si papa

        Ma naman! Nandito si papa. Ang awkward! Pakiramdam ko ay namumula ako at napapangiti na naman ako. Yumuko nalang ako para maitago itong nararamdaman ko.

"Masaya ma" shet! Bakit iyon ang lumalabas sa bibig ko. Itinikom ko ang bibig ko at uminom nalang ng gatas para hindi mahalata. Act normal Aiesha, huwag kang magpapahalata.

"Asus! Inlove ha" si mama talaga eh walanghiya! Hindi ko na napigilang tumawa. Ugh! Kinikilig ako.

        Oh my ghad! Floor, please bury me now!

"Hindi ko pa nakikita kung saan nagmomodel ang batang iyon. Imbitahin mo naman iyon Rianne pa minsan-minsan para mas makilala ko pa iyon ng lubos"

"Opo papa"

         Hangga't sa nag-almusal na kami. Wala kaming ginagawa buong araw kundi magkulitan at natatawa pa ako sa kwento ng mga magulang ko sa love story nila. Kinikilig ako eh. Hahaha.

        Gabi na at tulog na ang mga tao sa bahay. Ako nalang siguro ang hindi natutulog. Nang dahil sa pagiging estudyante ko ay hindi na ako nasanay pang matulog ng maaga. Alas dyes na at para sa akin ay ito ang pinakamaagang oras na makatulog ako.

        Narinig kong parang may nahulog na gamit sa baba. Dahil sa may natutunan ako sa Agency na iyon ay bumaba ako para tingnan iyon. Baka may magnanakaw pa, ito na ang panahong magamit ko ang naituro sa akin ni Shien.

        Pero imposible namang makapasok iyon dahil may guwardya naman sa labas. Naglalakad ako sa hagdan ng mabagal at pinilit kong walang makakarinig. Nang nasa baba na ako ay tumingin-tingin ako sa sala. 

       Nang biglang may tumakip sa mukha ko. Nagpupumiglas ako, kailangan kong makawala sa kanya pero papaano? Inaalala ko ang mga pinag-aralan ko na hindi tinuro sa akin ni Shien. Shit! Ganito rin ang pagkakidnap niya sa akin. I must do something. Now, I remember.

        Ginamit ko ang kanan kong kamay para mapalayo sa kanyang yakap at umikot. Binugbog ko siya. Mabuti naman at gumana ang technique ko. Kailangan ko na sigurong tawagin si papa dahil tumayo pa rin ang kalaban. Hinanda ko ang sarili ko. Kinaya ko naman siya pero nanghihina ako dahil sa panyong natakip kanina sa ilong ko.

        Hinila niya ang palapulsuhan ko at ginamit ko naman ang kamay ko para maiwasan iyon. Nanghihina na talaga ako dahil sa amoy na iyon. Hinila ko siya pababa at sinunod na nilagay ko ang tuhod ko sa ulo niya para hindi siya makakilos. Tatawagin ko na sana si papa nang bigla nalang siyang nakaiwas sa suntok ko at nanghihina na ako kaya nararamdaman kong natumba na pala ako sa sahig.

        Ang huling narinig ko ay ang putok ng baril at ang pangngalan ko. Shit!

EUPS: Is Love Enough? ✔ (II of SL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon