Chapter 47: Training Part 2

Depuis le début
                                    

"What's happening here?!"

May narinig akong pamilyar na boses. Lilingunin ko na sana ito ko nang mawalan ako ng malay.

ANTHONETTE'S POV


Nandito kami ngayon sa training ground. It's so boring here! Nandito lang naman ako para panoorin sila. Tss. Kung pwede lang lumayas dito ay kanina ko pa ginawa. Bakit ba kailangang maging guide kami?! I am the Princess of Glacias Kingdom for pete sake! Gosh! I hate this! At saka isa pa, need din namin magtraining dahil kasali din naman kami, ah?! So stupid!

"Oh, baka kumulot 'yang bangs mo!" pang-aasar ni Trina. I rolled my eyes at her.

I remembered something. "Hindi ba kayo nagtataka? Bakit laging wala si Ivory? Pabida.." Hindi naman sila laging absent, pero nawawala na lang sila na parang bula. I know there's something wrong.

Napatingin sa akin si Trina. "Napansin ko rin 'yan. Sila ni Avrelle at Chantal. Baka may secret agenda. Hmm.."

Napangisi ako. Kung ano man 'yan ay dapat kong malaman! Bwiset na bwiset ako sa impaktang 'yon! Hindi ako naniniwala na sila pa rin ni Charlie! Ni hindi ko man sila nakitang magkasamang dalawa! Psh! Mas kinaiinisan ko pa 'yang Selendria na 'yan! Bakit kasi hindi pa siya nalason! I want her to die!

"Hoy, Lei! Did you ask Airyn already?"

She sighed before answering me. "Wala rin daw siyang alam. Ni hindi niya nakakausap si Charlie tungkol sa bagay na 'yon."

Gosh! Naikuyom ko ang mga kamay ko. Matagal nang kalat ang balita na may relasyon si Ivory at Charlie. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam if it's true!

Lumingon-lingon ako sa paligid at napangisi. Kung sinuswerte ka nga naman.

"Queen, huwag kang gagawa ng gulo!" Hinigit nito ang braso ko nang akmang maglalakad na ako. Palibhasa, kampi ito kina Airyn! Tss! Mas maganda naman ako kay Airyn, ah?! Psh!

"Tss! Bitiwan mo nga ako! Huwag kang pakialamera!" singhal ko sa mukha ni Lei.

"Oo nga, Lei! Hayaan mo si Queen Thony!" natatawang sambit ni Trina. Mukhang may kutob siya sa gagawin ko.

Marahas kong binawi ang braso ko kay Lei. "Mabuti pa, Trina, pakinggan mo ang pinag-uusapan nila," sambit ko habang pinagmamasdan ang mga magkakaibigan na masayang nagkukwentuhan. Mga panget naman. Tss.

Ngumisi si Trina. "Sure!" Naglakad si Trina papalapit kina Selendria. Mukhang hindi naman siya napapansin dahil nagkunwaring tinuturuan ni Trina ang mga nasa Inceptor Section na malapit kina Selendria. Mana talaga sa 'kin! Matalino!

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Selendria?" tanong Lei. Tss. Ano ba'ng pakialam nito kina Selendria?

"Wala ka na r'on," sagot ko habang nakatingin pa rin kay Trina. Sana lang ay naririnig niya ang mga pinag-uusapan nila.

Nagulat ako nang umalis si Selendria at iniwan ang mga kaibigan niya. Where the hell is she going?! Kakalbuhin ko pa siya!

Umalis na si Trina r'on at naglakad na pabalik dito.

"Oh? Ano'ng nasagap mo? At bakit umalis ang impaktang 'yon?" nakataas na kilay na tanong ko.

Ngumisi ito. "Ang narinig ko ay may pinapagawa raw si Principal Grey sa kaniya kaya kailangan niyang pumunta sa Serria's Garden."

Kumunot ang noo ko. "What?! Serria's Garden? Bakit naman siya pupunta r'on? Matagal nang sarado 'yon, right? At ang Royalties lang ang nakakapasok d'on?!"

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant