Chapter 46: Training Part 1

En başından başla
                                    

"Ang tibay! Faye! Gisingin mo nga ang amo mong batugan! Huwag kang lamon lang nang lamon ng cookies diyan!"

Agad kong minulat ang mga mata ko at mabilis umupo. Nasa harap ko ngayon si Dara na nakapameywang pa. Teka?! Bakit nandito na agad ako?!

"Bakit ako nandito?" takang tanong ko.

Tinitigan ako ni Dara at bigla siyang humagalpak sa tawa. "Guys! Hahahaha! Patawa si Sendy! Bakit daw siya nandito! Hahaha!" Tatawa-tawa siyang naglakad paalis sa kwarto ko at iniwan na nakabukas ang pinto.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko at inalala ang nangyari. Alam ko ay nasa Ara of the Maiores kami! Kausap ko pa ang Royal Empress Dragon! Takte! Huwag mong sabihing, panaginip lang ang lahat ng 'yon?!

Ginulo ko ang buhok at sinabunutan ang sarili. "Hindi kaya nababaliw na ako?!"

Ngunit may bigla akong naalala. Nasaan ang Luminus Sword ko?! Kinapa ko naman ang leeg ko at nanlaki ang mga mata. Suot ko ang bagong Sacred Luminus Locket! Ibig sabihin ay totoo ang lahat! Napatingin din ako sa mga palad ko. Kailangan kong subukan kung totoo nga!

Nagconcentrate ako at pinakiramdaman ang enerhiya sa mga palad ko. Nagulat ako nang biglang may lumabas na puting spark sa mga daliri ko. Nawawala ito ngunit bumabalik din. Mukha silang kuryente na kulay puti! Ito ba ang Luminus Magic na sinasabi ng Royal Empress Dragon? Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam!

"Sendy! Mag-almusal ka na!"

Naitago ko agad sa likod ko ang mga kamay ko. Kinabahan pa ako dahil baka nakita ni Val 'yon na nasa harap ng pinto at kunot-noong nakatitig sa akin.

"Ang weird mo ngayon, Sendy? Bakit ganiyan ka kung kumilos? Anong nakakagulat?"

Mabilis naman akong umiling sa kaniya. "Wa-wala lang!" nauutal na sambit ko. Napailing na lang siya at naglakad paalis.

Bakit gan'on? Hindi ba nila alam na umalis ako? Napatingin ako sa wall clock at talagang nagulat sa nakita.

6:00 ng umaga akong umalis dito! Bakit 6:30 am pa lang?! At paano kami nakaalis sa Ara of the Maiores?!

"Ano'ng ginawa ng Royal Empress Dragon?!" takang tanong ko sa sarili ko. Hay! Sa daming nangyayari ngayon sa buhay ko, feeling ko ay sasabog na ang utak ko! Hays!

🔱🔱🔱

Nandito kami ni Faye at ni Panget sa harap ng gate ng Serria's Garden.. Sabi kasi ni Faye na dito na lang ako magt-training para solo ko. Nagdahilan pa ako sa mga kaibigan ko na pinapatawag ako ni Principal Grey.

Start na ng training. Ngunit ang sabi ng mga Professor ay physical training muna at bawal ang magic. Nasa ground field sila at ang mga iba naman ay mas piniling mag-isa. Ngunit mas maganda pa rin doon sa ground field dahil may mga trainer doon! Ewan ko ba sa mga guardian ko bakit dito pa nila naisipan!

"Buksan mo na, Sendy! Excited na ulit akong makapasok diyan! Hihi!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Faye. "Paano ko naman mabubuksan 'yan, na kay Charlie ang susi!"

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin