Chapter One

11 0 0
                                    


"Ang saklap talaga ng love story mo sammeh!"
Kainis ha! Lagi na lang akong bigo. Bigo saan? Edi saan pa nga ba, edi sa "love life".
Oo, pwede niyo sabihin medyo Hopeless romantic ako, masisisi niyo ba ang isang katulad ko? Eh no boyfriend since birth ako.
"Alam mo sammeh, mas mabuting magwait ka na lang sa miracles, kasi parang dun ka na lang may pagasa eh!"
Minsan talaga nagtataka ako kung kaibigan ko talaga tong si Camille. Kung magsalita kala ata sakin wala puso. Nakakahurt rin kasi minsan yung mga tukso niya sa akin pero shhh.. ka lang secret lang natin ayokong malaman niya, baka mamaya biglang maging mabait na anghel siya sa akin at magpakaplastik sa sarili yan, okay na pala sakin malait-lait at matukso ako sakanya. Tutal siya naman ang first friend ko dito.
Ayssshh, nga pala! Sorry ha di pa ako nagpapakilala nagkwento na ako ng mga kadramahan ko. Ako nga pala si Sophie Ann Marie Mendes, but you can call me sammeh, 16 years old at 4th year high school sa St. Nicholas Academy, isang exclusive school sa Marikina. Sinuggest ni Tita Jane yung school samin, kakalipat lang kasi naming dito, kaya nagtanong si mom ko ng school na maayos at high standard ang pagtuturo.
"Tss. Wala na ba talaga akong pagaasa camz?" tanong ko kay Camille.
"Ano ka ba sammeh! May pagaasa ka naman kaya lang.. Alam mo na may mga bagay na kailangan mo ibahin ay este baguhin."
"Can't they love me as who I am?" naiiyak kong sabi.
"Oy! Wag ka umiyak walang hiya ka. Sampalin kaya kita jan noh? Umayos ka nga batuhin kita sa labas eh, alam mo kasi ganito yan sa bakasyon itry ko i-makeover o fully transformation kita. Basta libre mo ako lunch."
Hindi sadista ang kaibigan ko ha. Hindi Siya Sadista! Tama ba naman yan? Iiyak na nga ako sasampalin pa daw ba naman ako at itatapon sa labas? Grabe nagdadalawang isip na talaga ako ngayon ha.
"Bakit itsura ko ba yung problema? Panget ba ako? Cute naman daw ako sabi ni Mommy!"
"Nako! 'yan kasi problema e. Wag masyado magpaniwala sa mga sinsasabi ng mom mo." Sabi niya habang tumatawa, pinapainit talaga neto ulo ko, ako ata ang mananampal eh.
"Tss. Salamat ha. Sige mamaya na lang ha may class pa ako kay Sir Steve eh." Sabay walk out sa cafeteria.
Bakit sila nagtitinginan sakin? Hala?! May dumi ba ako sa damit? Madumi ba mukha ko? May mali ba sa akin? Alam ko naman nag double check ako sa comfort room kanina. Wala naman ah, ano kaya tinitingin ng mga toh?
"Ehem. Excuse me miss." Sabi nung nasa likod ko.
"Ha?" humarap ako dun sa nasa likod ko, bigla ba naman ako binangga nung nagmamadali kong classmate si Jake Cruz, napaupo ako tuloy sa sahig.
"Aray ko! Putik naman eh." Sigaw ko.
Biglang patingin ko may nagooffer ng kamay, pagtingin ko sakanya, yung transferee nga pala. Wow infairness mabait ah. Syempre nagpatulong akong magpatayo, aarte pa ba ako? Ako na itong tinutulungan?
"Miss okay ka lang ba?" tanong niya, ang emo ng itsura pero okay na rin.
"Ahh ako? Oo naman. Napaupo lang naman." Sabi ko with matching medyo fake smile.
Biglang pumasok na si Sir Steve, Nagsi-upuan na kami. Hay nako! Boring to', History na bulok. Si Transferee naman umupo katabi ko, aba'y matinde to'. Tumingin ako sakanya, aba lumingon ang monggoloid at nginitian pa ako. Ikaw na! Bigyan ng panot na boy abunda to.
"Okay class, bago tayo magsimula. Magpapakilala muna ang transferee natin. Halika dito sa harap." Naglakad papunta ka sir si Transferee, aba'y confident ang loko.  Nag killer smile pa, yabang ha!
"You may introduce yourself now mister."
"Hi guys. By the way, I'm Jensen White. Yes, I am Half American and Half Filipino, Born in America and lived here. I'm 16 years old. There's nothing much about me. So that's all thank you."
Grabe. English. Wow. Siya na talaga. Jensen pala pangalan niya, ang cutie ng name. Like me, Sorry na mga beh medyo high lang ateng niyo. Pero he has the looks naman kaya lang, magkakasundo ba kami neto?
"Miss Mendes, Are you listening? Kanina ka pa tulala jan? Nasakop ka na rin ba?"
What the! Pano' to, Hala patay na. "Ahh po? Sir?"
"I knew it. Nako Ms. Mendes. Ang unfair naman kung di kita tatanungin so, Ano yung country na kakasabi ko lang?"
Patay na! Kamoteng kahoy nga naman oh.  Sino ba yang nag-pst sakin kanina pa nakakainis ah.
"Pst. Uy!"
Aba'y si Jensen pala, tinignan ko na parang "Ano-ba-yun-look".  "Miss Mendes, we're waiting.." Aba! Demanding pa to!
"Europe Ms. Mendes." Bulong sakin ni Jensen.
"Sir. Europe?"
Sana po tama sinasabi ni Jensen sakin kundi diretsyo ako niyan sa canteen, maghuhugas ng mga plato for a punishment. Sana po hindi please!
"Nice guess Ms. Mendes. You may sit now, at makinIg ka na or else."
Pagupo ko, nakahinga na rin ako ng maluwag. Putik muntik na yun aba! Salamat dun sa... Ay oo nga pala! Di pa ako nagpapasalamat sa kanya, napalingon ako sa kanya. Tinde nakatingin na agad sakin, nagsmile pa. Syempre ng smile rin ako at nagsabi ng thank you ng pabulong.
Buti mabait tong katabi kong to'.
"Okay class dismiss."
Salamat naman at tapos na rin ang boring na class ni sir. Ligpit ligpit ng gamit muna. Finally, break naming ngayon wala si Miss Rose, walang Math. Walang MATH! Palabas na sana ako may tumatawag na naman sakin.
"Soph!"
Aba feeling close tong mokong na to'.
"Bakit Jenken?"
"Anong jenken?" sabi niya habang tumatawa.
"Eh ano ba yun?" inis kong sabi.
"Sungit mo naman. Its Jensen."
Hala masungit daw ako, nga pala may mga atraso pa ako dito. Kailangan di ko ginaganto to', new student pa hays.
"Sorry na. Bakit mo ba ako tawag?"
"Kasi umm... You're the only student I know. And obviously I'm new here, I don't know where my classes are..."
"For short, you're asking for my help?"
"Yes, oo finally."
Aba'y inienglish ako, na nosebleed ako. Napasubo pa ako sa English. Kaloka naman to. Pero sige mabait e. Kaya lang...
"Jensen, uhmmm..."
"What?"
"Nagugutom yung bakulaw kong tiyan."
"Don't worry, ako rin e. San ba cafeteria niyo?"
"Tara na nga libre mo!"
Hinila ko na siya gutom na gutom na talaga ako. Ang daldal pa naman ng lokong to, pero pareho rin pala kaming gutom kaya nice magpapalibre ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopeless LoverWhere stories live. Discover now