The Meet-Up

80 2 0
                                        

Xeylsky's POV (/Saykeeh/)

Matagal tagal na rin simula nung naka move on  kanya. Oo, aaminin ko. Nahirapan ako.  Hindi naman kasi basta basta nawawala ang feelings mo kapag minahal mo talaga ng todo ang isang tao. Kaya ganun katindi ang tinagal ng pagmomove on ko.

"Hey Holly! It's been awhile ha" angas niyang sabi

"Hey."sagot ko tsaka ngumiti. Isang pekeng ngiti.

Isa siya sa mga kinaiinisan ko sa buong buhay ko. Paano ba naman siya yung kabit ng ex ko na pinalit sakin, ang  naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. But whatever past is past. Basta para sakin siya parin ang bes na kinaawayan ng lahat.

"Tulala ka ata Holly? May problema ba?"Tsk. Lul. Ako pa niloko mo.

"Ah, wala naman. Iniisip ko lang kasi yung project namin sa Science at ayaw ko namang madisappoint si Ma'm samin." Sabi ko tsaka uminom ng coke. Nasa cafeteria kasi ako kumakain ng lunch ng bigla itong dumating.

"Ah, sabihin mo kung tungkol ba ito kay Timothy. Di ka pa ba nakakamove on?" Wow naman. Lakas ng loob makapagsalita, ikaw ba nasaktan ate? Ikaw?

"Ah, hindi noh. Tsaka matagal na ako nakamove on sa kanya. Huwag ka ng mag-alala yung project talaga namin ang iniisip ko. Ang hirap kasi at gusto ko perfect ang kakalabasan." Sambit ko sabay ngiti. Sana naman naisipan na niyang umalis kasi pag di ko nakayanan nako. Ewan ko nalang kung ano ang magagawa ko dito. Pigilan niyo ko.

Tinignan niya lang ako ng may halong pag-aalala. Ano? Siya? Nag-aalala sakin? Patawa.

Magsasalita pa sana siya nang biglang nagring ng bell. Late na kasi ako nakakain ng lunch kasi nirush ko yung assignment ko sa English. Na ipapasa na pagkatapos ng time. Natulugan ko kasi kagabi.

Sasabay pa sana siya sakin kaso sabi ko huwag nalang. Pupunta pa akong banyo para alam niyo na. Magpapalit ng diaper, tinapay. Alam niyo na, girl things.

Bahala nalang akong magdahilan mamaya. Ako ata ang dakilang Holly noh. Ang pinakamaganda sa lahat.

Pero bago ako makapunta sa Girl's restroom......

May....





May....




Lalaking...








Humalik sakin. Papalag pa sana ako nung nakita ko si Timothy sa harap ko at halatang gulat na gulat sa nakikita niya. Kaya nakisakay na rin ako sa trip ng lalaking ito. Pumikit ako at hinalikan ko siya pabalik.
Gusto kong ipamukha sa kanya na di lang siya ang lalakeng makakapag paibig sakin. Na nakamove on na ako sa kanya.

Bigla namang tumakbo si Timothy papalayo samin. Ewan ko ba pero parang umiiyak siya. Matutuwa ba ako o maaawa? Ha ewan.
Pake ko ba ha?

Agad naman akong kumalas sa lalaking nanghalik sakin at sinampal ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Baka naman inisip nito nasarapan ako? Duh. Nandidiri nga ako eh.

"Who you?" Tanong niya. Wow lang ha. Ikaw na nga ang nanghalik sakin ikaw pa may balak magsungit?

"Ako? Ako lang naman ang babaeng hinalikan mo. See? Diring diri nga ako e. Di ba obvious?" Sambit ko sabay taas ng kilay. Aba sinusubukan ako e.

"Kaya pala hinalikan mo rin ako pabalik." Sabi niya tsaka siya ngumisi.

"A..ano? An--ang k-k-kapal ng mukha mo-- ah!" Palag ko na akmang sasampalin siya ulit. The f? Nauutal talaga ako?

"Sige. One slap three kissess."sabi tsaka niya hinawakan ang kanang kamay ko. Ang bilis niyang pumalag ha. Kumikindat kindat pa siya niyan. Eww lang.

Sisipain ko pa sana siya kaso naalala ko late na nga pala ako. Tumingin ako sa relo ko at sht. 30 minutes na akong late. Wtflower? Ganun kabilis?

Agad agad kong kinuha ang mga gamit ko na nahulog kanina tska tumakbo papuntang room. Wala na akong pakialam sa kanya basta sa susunod makakatikim na yun sakin.

Good thing wala pala kaming teacher nun kaya ang gulo ng room. Buhay istudyante nga naman talaga. Tinignan ko yung class attendance at buti nalang talaga hindi nagcheck si Secretary ng mga late o absent ngayong hapon. Kahit papano naman good girl ako noh.

Umupo ako sa upuan ko at nilapag ko dun ang mga gamit ko. Hinanap ko si Timothy kaso di ko siya nakita. Hmmp mas mabuti na rin yun.
Sana di ko na talaga siya makita.

Matutulog na sana ako nang biglang....sumigaw ang mga kaklase ko.

"ANDYAAAAN NA SI MAAAAAAAAAM!!!"

Agad naman silang nag ala ninja moves na akala mo naman walang nangyari.

Napatawa nalang ako. Kahit minsan naeenjoy ko din ang highschool life ko.

--
Sa wakas natapos na din ang klase at handa na akong umuwi. Habang naglalakad ako sa may school corridor ay may mga nakita akong mga taong tumatawa sakin. Di ko lang alam kung bakit. Mukha ba akong clown? Sa ganda kong ito? The hell.

"Babes!"
"Babes!" Di ko alam pero napalingon ako sa likuran ko. Siya yung lalaking humalik sakin kanina ah? Nako talaga humanda siya sakin!

"HOY IKAW!!" sasabunutan ko sana siya nang makalapit ako kami sa isa't isa kaso naramdaman kong nakayakap siya sakin na may parang nilalagay siya sa may bewang ko.

"Oh ayan Ms. Pangit pantakip sa tagos mo."Bigla nalang akong namula. Nilagyan niya ako ng jacket para lang pantakip ng tagos ko?

Oo nga pala nakalimutan kong magpalit ng napkin kanina. Aish! Ito kasing lalaking ito e!

Agad naman niya akong hinila papuntang Girl's Restroom at tinanong niya kung may extra damit at napkin ba ako sa locker ko. Papalag pa sana ako na ako na yung kukuha kasi naman diba lalaki yun! Kaso nahihiya na akong lumabas ngayon dahil lang sa natagusan ako tsaka mukha namang mabait siya. Teka, anong sabi ko? Mabait? Ha! No.

Wala pang 10 minutes ay nandiyan na siya. Aba dapat lang! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito e! Kakabulhin ko na talaga to mamaya.

Binilisan kong magpalit para naman makauwi na ako agad. Gosh. May mukha pa ba akong maipapakita nito? Lupa kainin mo na ako please. I kennet.

"Aish! Nang dahil sayo kaya nangyari to sayo e! Pupunta dapat--" di na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla niyang lagyan ng pagkain ang bunganga ko.

"Nako. Imbes na magpasalamat inaway pa ako. Thank you ha." Sambit niya tsaka nauna ng naglakad.

Hahabulin ko pa sana siya ng.. May nakita akong I.D sa sahig. Pinulot ko iyon at nalaman ko na ang pangalan niya...

Saito Sylvester San Diego..

Di ko alam pero biglang sumakit ang ulo ko at unti-unti na akong nawalan ng malay.

Wishing On A StarStories to obsess over. Discover now