Chapter 28: My Devil Sister

Start from the beginning
                                    

Dapat di na niya i-consider pa na bahay niya rin to, anong akala niya? Na kapag lumayas siya dito anytime pwede siyang bumalik? Ano siya sinu-swerte? Kahit kelan hinding hindi na siya magiging welcome dito.

"At sino namang may sabi sayo na wala na akong karapatan sa pamamahay na 'to?"-saad nya

"Ako may problema ka?"-mabilis kong tugon

"Hay naku Claire naisip ko lang bakit hindi uli natin subukan na maglaban ang gang natin? Naiinip na kasi ako eh at gusto ko rin subukan yung iba kong mga tauhan ang lalakas na kasi nila eh."-pagyayabang pa niya

"Tsk ibang klase ka rin eh ano. Akala mo ba mauuto mo ako? Anong tingin mo sa gang ko? Laruan ng gang mo na kung kelan bored kayo saka niyo lang gagamitin? Wala akong panahon para sa katulad niyong talunan."-mariing sabi ko

"Talaga lang ah. Oh kumusta nga pala buhay may bodyguards? Hahaha."-natatawang tanong niya, teka paano niya nalaman ang tungkol dun?

"B-body guards?"-nagtatakang sabi ko

"Claire asan ka?"-napalingon naman ako sa loob at si Bricks tinatawag ako bakit kaya?

"Sige na mauuna na ako may kailangan pa akong gawin."-di mapakaling sabi ni Trexie at tumakbo ng mabilis palabas, anong problema ng demonyitang yun?

Trexie's POV


Akala niyo wala ng ibang kapatid si Claire. Nagkakamali kayo. Oh by the way gusto kong bawiin yung sinabi ko dahil hindi niya pala ako kapatid at mas lalong wala akong kapatid na gaya niya lalo na yung ampon na si Nicks.

Iisa ang nanay namin ni Claire but it doesn't mean na magkapatid kami dahil wala akong kapatid. Period.

Hinding hindi ko sila matatanggap dahil ninakaw nila ang lahat na dapat ay sakin. Dahil simula ng dumating yang kabit ni mama na tatay ni Claire at yung ampon na si Nicks nawasak na ang mundo ko. Wala na akong kakampi.

Isa pa lalong hindi ko sila mapapatawad because they are the reason why my father died. Namatay si Papa nung nalaman niyang nabuntis si Mama sa ibang lalaki at heart attack ang kinamatay niya.

Pero di nagtagal naisipan kong lumayo at mabuhay ng mag isa. Nakilala ko ang mga bago kong kaibigan at isa pa nagkasundo kaming bumuo ng isang gang (Lord High Executioner)

Humanda yan si Claire konti na lang mapapabagsak ko na siya at sisiguraduhin kong magmamakaawa siya sakin.

Aaron's POV

Bumangon na ako at inayos yung kama bago dumeretso sa dining area at nadatnan ko yung limang gunggong.

"Goodmorning! Mwa!"-bati ko sa kanila

"Yuck Aaron! Watdapak kiniss mo si Bricks!"-nandidiring sabi ni Max

"Grabe ang baho ng laway mo."-reklamo ni Bricks, eh bakit ba? Eh sa trip ko mang-kiss ngayon eh saka sa pisngi lang naman ah. Ni hindi nga lumapat labi ko eh. Naglalambing lang naman eh hmmp!

"Kadiri nakakawalang gana tuloy kumain."-Edison

"Oo nga minsan na nga lang ako uli makakain ng masarap kong luto eepal ka pa."-Dustun

YoungJi Wolves meets Lord High Executioner (#WattysAward2017)Where stories live. Discover now