vi

9 2 0
                                    


MAXENE NICHOLE'S p.o.v

Andito na nga kami sa venue. Agad namang bumungad ang mga kaibigan ko na nag gagandahan sa kanilang costume.

Si Kisses na naka costume ng favorite cartoon character nya na si Alice, yung Alice in the wonderland. Tss si Sabrina na naka costume ng Bat Girl, ang cute cute ni Sab. Si Cora naman na may pagka Harley Quinn ang dating. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang costume dahil matangkad sya tss ang ganda ng katawan. At si Athena na hindi magpapahuli, nakasuot sya ng costume na parang isang Wizard, ang cool nyang tingnan.

"Hi Fire Princess!" bati agad sakin ni Kisses.

"Hi Alice ;)" sabi ko naman sa kanya. "Bagay na bagay talaga sayo yan."

"Oh, nandito na pala ang Fire Princess natin guys" masiglang sabi ni Sab at dahlan para mapatingin ang aking mga kaibigan.

"Hi Max!" sabay sabay nilang sabi sakin.

"Hello guys. Ang gaganda nyo!" nakangiting sabi ko.

"Sus, ikaw rin naman ang ganda ganda mo jan sa costume mo." Sabi ni Cora.

"Thank you" sabi ko naman.

"So guys, punta lang ako sa date ko a?" nakangiting sabi ni Sab at lahat naman sila ay nagsipuntahan na din sa mga date nila.

Nakakatuwang Makita ang mga kaibigan ko na ang sasaya. Nagsimula na ang party at nagumpisang magsalita ang host. Hindi na ko masyadong nakinig kase bigla nalang akong napadako sa entrance at nakita ko ang isang lalaking naka costume ng Finn, yung nasa adventure time na kaibigan ni Jake! Hindi ko Makita ang mukha nya kase may suot pa syang mask.

Nakita ko naman na lahat ay napatingin na din ang lahat. Ang kisig siguro ng lalaking 'yun. Ang swerte siguro ng date nun. Isip isip ko.

"So, let the party begin!" makahulugang sabi ng host at nagsigawan ang mga ka schoolmate ko.

"Max" tawag sakin ni James. "Let's dance" sabi nya at sino ba naman ako para tumanggi e ako nga ang date nya e.

Nag punta nga kami sa gitna at nakita ko rin naman ang mga kaibigan ko na nagsasayaw. Si kisses na medyo nahihiya pa sa kadate nya pero maya mayay nakita kong nagtatawanan na sila. Si Sab na nagiging comportable na din na kausap si Jaydon. Si Athena na ngumi-ngiti ngit na kasama si Tanner at si Cora na medyo nakabusangot kasama ang kanyang date na si Troy at alam kong naiinis nanaman it okay Troy na palagi syang niloloko.

Habang nagsasayaw kami ni James nakatingin lang ako sa paligid at makikita mo sa mga mukha nila na sobrang saya nila. Si Theo hindi ko pa nakikita. Siguro hindi yun aattend ngayon hayy.

"Max, ang lalim ata ng iniisip mo" sabi sakin ni James

"Sus wala 'to." Sabi ko nalang.

"Just enjoy the night Max ;) Sayang ang ganda mo kung sisimangot ka lang jan."

"Wag ka nga jan James! Akoy niloloko mo nanaman."

"Hindi kita niloloko Max, ang ganda mo. Kaya naman gusto kita e." sabi nya at hindi ko narinig ang huling sinabi nya kase bigla nabago ang tugtog kaya di ko na masyadong napakinggan.

"Ano uli yun James?" tanong ko

"Ah wala wala. Sabi ko ang ganda mo kaso bingi."

"Tse! Nakakasura ka talaga!"

At nagikutan na ng partner hanggang sa nakapartner ko yung lalaking naka costume ng Finn. Hindi sya naimik at nakatitig lang sakin.

"H-hi" naiilang na sabi ko. "Ahm, anong pangalan mo?" tanong ko naman at naghihintay ng isasagot nya.

"Just call me Finn." Sabi nya.

"Finn. Nice ha. Partner pa tayo ngayon, BTW ako nga pala si Fire Princess ;)" tuloy tuloy ko pa at tila hindi nahihiya sa aking kaharap.

"Nice to meet you fire princess." Sabi nya at parang may kaboses nya. Tss, aasa pa ba kong sya 'to. Malabong Malabo naman. "Ang ganda mo." Sabi nya at tila namula ako dahil sa sinabi nya.

"Ay, n-nako hindi naman. Sakto lang" matawa tawa at tila nahihiyang sabi ko.

"You're so bluntness Princess. I like you" sabi nya at napatigil naman ako sa sinabi nya.

"A-ano?"

"W-wala." At dahilan para mapatingin sya sa iba. "Take care of yourself Fire Princess ;) Babalikan ka pa ni Finn." Tila makahulugang sabi nya at bigla nalang nagpalit nalang uli ng partner.

Anong ibig sabihin ng mystery guy na 'yun? Tss

kȲ|IaX

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Manhid Kung CrushWhere stories live. Discover now