ii

179 6 0
                                    

MAXENE NICHOLE'S p.o.v

Klase naming ngayon sa General Mathemathics at hindi ko naman din maintindihan ang sinasabi ni Ma'am Bautista dahil antok na antok na ko. Uubob n asana ko ng bigla kong Makita si Theo na naglalakad papunta ata sa canteen? Di ko masyadong Makita kase nga nasa may pinakadulo ako nakaupo at ang lalaki pa ng nasa unahan ko. Dahil sa pagkakita ko bigla akong nabuhayan alam nyo 'yon? Nakatitig lang ako hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Natapos ang klase namin na hindi ko manlang alam kung ano pa yung sinasabi ni ma'am. Mukhang sabog na sabog nanaman ako ngayon, sino nga ba ang hindi e hating gabi na ko natulog para tapusin ang requirements naming para sa isang subject.

"Mukhang sabog ka ngayon Max" pansin naman sakin ni Kisses. Tanging tango lang ang nasabi ko sakanya.

"Hey Girls!" Bati sa amin ni Sab.

"Uy!" pagsagot ko naman.

"Frieeend!" tawag naman ni Cora. "Anong balak nyo sa 7?" Ha? Ano bang meron sa 7?

"Anong meron sa 7?" tanong ko naman dahil hindi ko talaga alam kung anong meron sa araw na 'yun.

"Ano kaba Max, it's our Halloween Party!" sabi naman ni Athena.

"Seryoso? Ba't hindi ko ata alam 'yon?" takang tanong ko.

"Paano mo malalaman Friend e nakatulala ka lang kanina nung sinabi sa atin 'yun ni Bb. Baria" paliwanag ni Kisses.

"God! Hindi ko alam" napasapo nalang ako sa aking noo. "Ano nga ba daw mangyayari don?"

Pinaliwanag naman nila kung ano ang mangyayari sa magaganap dawn a Halloween Party. Nalaman ko din na kailangan mong magsuot ng costume kung ano gusto mo at kailangan mo ng DATE! E san naman ako kukuha ng date e ni wala ngang may gusto sakin K

"Sino na ang kadate mo Sab?" tanong ni Cora.

"Gusto ko sana si Jaydon kaso asa naman akong piliin nya ko na maging date nya." Matamlay na sabi ni Sab.

"E ikaw Athena?"

"Ako? Wala nga akong balak na pumunta sa party. Sobrang daming gagawin" paliwanag nya.

"Ano kaba Athena! Masyado kang grade conscious. Magsaya ka naman kahit paminsan minsan. Minsan na nga lang tayo magkaroon ng ganito di ka pa aattend." Mahabang paliwanag ni Kisses.

"Ikaw Kisses? Sinong kadate mo? Meron na ba?" muli nanamang tanong ni Cora.

"Ako? Isa lang naman ang gusto kong kadate e, si Thunder kaso meron na ata syang kadate" mahinahong sabi ni Kisses at napatingin din naman kami sa direksyon na kanyang tinitingnan ngayon.

Nandun sa palaging pwesto nila sina Thunder kasama ang barkada as usual. At nakita nga namin na may kasama si Thunder na may kasamang isang babae. Oo aaminin ko na maganda yung babae pero masisigurado ko na mas maganda si Kisses. Mukha kasing make-up lang ang nagdala dun sa babaeng kasama ngayon ni Thunder at hindi ko maikakaila na paminsan minsan din na napapatingin sa direksyon naming si Thunder na nahuhuli ko na palagi itong nakatingin kay Kisses pero di ko ito masabi kay Kisses baka kase umasa sya e ayaw na ayaw ko namang masaktan ang kaibigan ko.

"E ikaw Max?" Ha? Ako? Malamang ako nga, ako lang naman ang Max ang Pangalan dito e.

"Ako? Hmmmm. Wala." Malamyang sagot ko naman. Wala naman talaga kase din a ko aasang may magtatanong kung pwede ba nila kong maging date sa party.

"E ikaw CORA?!" Malakas naman nasabi ng mga kaibigan ko.

"Ako? Ay nako, alam nyo namang wala akong hilig sa mga ganyan." Medyo boyish din kase kung kumilos itong si Cora.

"Wag nga kami Cora, alam naman naming gusto mong maka date si Troy." Mapanuksong sabi pa ni Sab.

"Tigilan mo nga ako jan Sabrina." Tapang tapangan na sabi ni Cora.

"Wag nyo nga munang atupagin yang mga date nay an total next week pa yan. Wala pa nga kayong susuotin date na agad inaalala nyo." Makahulugang sabi ni Athena at sumang-ayon naman ako ditto.

Habang kumakain at nagkukwentuhan, nakita ko namang nagsitayuan na ang barkada ni Theo at sa di inaasahang pagkakataon, nakita kong tumingin sa direksyon ko si Theo! Tss, masamang umasa Maxene! Pero kahit na, napangiti nalang ako at umiwas na agad ng tingin.

͆$

Ang Manhid Kung CrushWhere stories live. Discover now