iii

129 5 0
                                    

MAXENE NICHOLE'S p.o.v

TGIF. Nasabi ko nalang io sa aking utak at 2 araw nalang ay Halloween party na. Yung costume ko? Ayun si mama na daw ang bahala. Mas excited pa nga sya nung sinabi ko sakanya at dapat daw sumali ako kasi minsan lang 'yun. Isang vampire costume naman ang pinagawa nya sa akin para daw Halloween na Halloween.

Nag fb lang ako ngayon wala kaseng klase at wala ang teacher naming, sa pagkakaalam ko may sakit daw kaya hindi makakapasok ngayon. Habang nag scroll ako hindi sinasadyang makita ko ang post ni Theo, picture nya lang naman ito at grabee! Ba't ba ang gwapo gwapo nya? Tss may caption pa itong Can you be my Date? Tss aasa nanaman ako.

Madami akong nakita na nag comment. Sino nga ba namang hihindi na makadate ang isang Ace Theodor Blake. Sobrang gwapo at masasabi mong perfect kumbaga pero sabi nga nila nobody's perfect.

"Maxene! Tawag sakin ni Kisses." Magkaklase kami ni Kisses at yung tatlo naman ang magkakaklase.

"O?" tanong ko ng di tumitingin sa kanya.

"May naghahanap sayo!" kinikilig at masayang sabi nya. At sino naman ang maghahanap sa akin? "dali ka!" sabi pa nya.

Pagkatingin ko sa may pintuan ay nakit ko si James na nakangiting nakatingin sa akin. Sya nga pala si Jameson Natividad. Masasabi kong kaibigan ko na din. Gwapo sya at mabait. Matangkad at madami ring nagkakagusto sakanya pero mas gwapo pa rin talaga si Theo.

"O James! Naparito ka ata?" nakangiting sabi ko at lumapit na din sa kanya.

"May itatanong sana ako." At lumabas nanaman ang maganda nyang ngiti at ang kanyang singkit na mata at yung biloy na gusting gusto ng mga kababaihan.

"Ano yon?"

"Hmmm." Tila nahihiya pa sya at napakamot pa sya sa kanyang batok. "Ahmm, may d-date kana ba sa party?" Napaisip naman ako at makatotohanang sumagot.

"Wala pa." para naman syang nanalo sa kung ano at napahampas pa sa hangin.

"Ahmm, p-pwede ba kitang maging date?" nakangiting tanong nya at hindi ko inaasahan nay un ang itatanong nya.

"A-ako?" hindi makapaniwalang sumagot. Hindi ko alam ang isasagot kase isa lang naman talaga ang gusto kong makadate at Malabo namang maging date ko sya.

"Oo" Masaya at tila nag hihintay ng aking isasagot.

"O-okay" hindi ko pa siguradong sagot at ayoko namang ireject sya kase sya lang ang nagtangka magtanong at mag aya na maging date sya. At hindi ko maikakailang Masaya ako kase akala ko wala ng magtatangkang mag tanong sakin kahit na hindi si Theo atleast hindi na ko mag isa sa party.

"Ayos! So, kita nalang tayo sa Monday a ;) Thanks" at tsaka naman sya umalis.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa aking kanan at nakita ko doon si Theo na nakatingin saakin at bigla nalang sya umalikod. Hindi ko alam kung bakit sya nandon at hindi ko alam kung bakit ganon ang naging itsura nya nung nakita nya ko at kanina pa bas yang nandun? Nakita nya kaya ang pagpunta ni James dito. Haaaaay, masamang umasa Maxene. Sabi ko pa sa sarili ko.

"Oy! Friend! ANong sabi ha?"

"Nagtanong lang naman kung pede ba daw na maging date ako sa party." Matamlay na sagot ko.

"Aong sabi mo?" masiglang tanong ni Kisses.

"Okay."

"Yieee <3 e bat ganan ang mukha mo? Parang nalugi. Buti nga ikaw may date na pero ako wala pa :3"

"Nakita ko kasi si Theo kanina."

"E anong meron sakanya?"

"Ewan ko. Mukhang di maganda ang araw nya ngayon." Matamlay kong sabi.

"Sus! Wag mo na syang problemahin at hayaan mo na sya. Pasalamat ka at may date ka."

Ang Manhid Kung CrushWhere stories live. Discover now