Ang Manhid Kung Crush

390 10 5
  • Dedicated to Floramel Isabedra
                                    

PROLOGUE

Hi. Ako nga pala si Maxene Nichole B. Laroza. 17 years old. Grade 11 student sa Magic Love University.

Cute ng pangalan ng school namin 'no? Alam nyo ba kung bakit ganun ang pangalan ng school namin?

Kasi sabi nung mga unang pumasok dito kaya daw "Magic Love University" ang pangalan nito, lahat ng pumapasok dito at nagkakagusto sa isang tao nagkakaroon ng happy ending, Kumbaga, sila yung nagkakatuluyan sa huli. Nagiging masaya sila, yung crush nila noon naging boyfriend nila ngayon.

Pero para sakin hindi totoo yun. Hindi totoo na lahat ng tao na nagkakagusto sa isang tao ay nagkakaroon ng happy ending. Tulad ko, 3 years ko na syang crush pero hanggang ngayon wala pa rin. Ni tingin di manlang nya magawa. Ni ngiti, kausap, lapit hindi mangyari. Lahat na ginawa ko para lang mapansin nya ko, pero waley pa din.

Ilang beses ko na ding sinabi sa sarili ko na hindi ko na sya gusto, pero kapag nakikita ko sya at nakakasalubong bumabalik na naman yung nararamdaman ko sakanya.Nagiinit yung tenga at pisngi ko kapag nakikita ko sya at mabasa lang ang pangalan nya.

Pero baliwala lang lahat yun sakanya dahil isa lang naman syang MANHID. Sya lang naman ang "Ang Manhid Kung Crush."

KUDOS! 😁
-SherlockSparkle

Ang Manhid Kung CrushWhere stories live. Discover now