“Opppps, sorry!” Nag peace sign pa ito. Nangungulit kasi si Baby Cyrus ko eh, baka raw pupuwede kayong mag-usap ni Papa JC.” Hirit pa nito.

“Pag ako di mo tinigilan, Leila, hindi na kita papansinin.” Pananakot niya rito.

“Sorry, joke lang lahat, kalimutan mo na. Akin na yang kare-kare mo, bilis!” Pangungulit nito sa kanya.

*******

“Pasensiya na JC, wala pa rin update, ayaw pa rin ni Mavee na makipag-usap sayo.” Sabi ni Cyrus. Nasa condo sila ng binata at nag-iinuman. Nakakaawa man pero wala ring maitulong si Cyrus sa kaibigan kundi kulitin si Leila. Ayaw na kasi niyang maulit pa na mag-aaway sila ni Leila dahil ang hirap-hirap nitong suyuin.

“Walang problema, Cyrus. Alam mo naman, kasalanan kong lahat ito, kasalanan ko kung bakit wala na si Mavee sa akin, kung bakit yung kaisa-isang babaeng minahal ko at minamahal ko, hirap akong abutin ngayon.”

“Tama na JC, just give her some time. Mahirap yung pinagdadaanan niya.” Paulit-ulit na lang nay un ang payo ng mga kaibigan niya sa kanya. Paano kung wala na palang sapat na oras? Paano kung magising na lang siyang hindi na pala niya kayang habulin pa ang dalaga? Makakaya ba niya?

“I’m getting married soon.”

“What!” Napatayo sina Cyrus at Claude.

“So, okay na pala kayo ni Mavee? Pakakasalan mo na siya?” Si Claude, baka kasi mali lang yung intindi niya sa unang sinabi nito.

“No, I’m marrying Raima.”

“What the…”

“Are you serious about that?”

“Yes.” Walang kabuhay-buhay na sagot ni Craig.

“Whoa! Nasisisiraan ka na ba? You can’t marry her!” Si Cyrus

“The engagement party will be tomorrow. The marriage will be in new York a week after. I need to talk to Mavee, I need to settle things to her before this will happen.” Malungkot na paliwanag ni Craig sa dalawa.

“Teka! Bakit? Anong nangyari at nagkaganito?”

“Calixto’s plans.”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon