8

58.2K 768 17
                                    

8

Nakauwi na si Mavee pero nawiwindang pa rin siya sa bilis ng mga pangyayari, mula nang naging “girlfriend” siya ni Jay Craig na nalaman niyang JC pala to most of his friends (he prefers to call him Craig) ay parang nag-iba na ang mundo niya, Pamatay naman kasi ang ka sweetan nito, ganito ba talaga siya? Nakakabaliw rin ang kanyang physical aspects, minus the zeros on his bank accounts, lagi siyang naliligalig tuwing malapit ito, masyado siyang affected.

Napalundag tuloy siya  nang biglang tumunog ang telepono niya, hindi nakaregister ang number and she is sure that it’s a landline.

“Hello?”

Natuwa naman siya, pinapatawag siya ng isang kumpanyang inaaplayan niya. Tanggap na raw siya! Sa tuwa ay agad na naidial niya ang number ni Craig.

“Hello, Hon.”

Hon? Tinignan niya ang number na nakaregister sa screen, number pala ni Craig, akala niya ay kay Leila na bestfriend niya.

Napakunot-noo si Jay Craig, he is actually in the middle of a business conference when his phone rang, he doesn’t care even if somebody is about to present his proposal, he let the person stop and answered the phone call.

“Honey?” Lahat nakanganga sa kanya, sa tagal kasi ng pagkakakilala nila kay JC, ngayon lang ito sumagot nang phone in the middle of the meeting and what is shocking is the word “honey.”

“Craig, I’m hired!” Nasabi na lang niya. “I got a work.”

Napangiti siya. “That’s nice. I’m happy for you.  I’ll fetch you later ha, I’m in the middle of the meeting, you take care, Hon. Bye.” Tumingin siya sa mga ka business associates niya na shocked pa rin. Medyo nahiya naman siya but he didn’t care. “So, where are we now, Mr. Tan?”

Nakatingin pa rin si Mavee sa cell phone niya, hindi siya makapaniwalang tinawawan niya si Craig and he’s in the middle of the meeting but he answered the phone! OMG! Nakakahiya talaga. What’s happening to her?

After the meeting ay nakangiti pa rin si Craig, naalala niya kasi ang mukha ni Mavee, tuloy hindi niya namalayan na nasa tabi na niya si Raima Wong na matagal na nilang kasosyo sa negosyo, kaklase niya ito since high school.

“What’s happening to you, JC?” Nakasimangot na tanong nito.

Nilalaro pa rin ni Craig ang sign pen niya. “Why?”

“What why? Imagine, you let Mr. Tan stopped in the middle of the meeting just to answer a call from one of your girls! They even heard you calling her honey.” Nagpupuyos na ang kalooban nito.

“So? It’s my company, I can do what I want, Raima.”

“Who called?” She tried to fish some information.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now