Hays. Bakit ko ba iniisip na magkakarelasyon kami ni Bea? Sobrang labong mangyari yun sa ngayon. Isa pa, hindi 'to tama dahil boyfriend ko pa ang best friend niya. I feel like I'm already cheating on Thirdy just by thinking about her.

Tumagilid ako sa kama at pinikit ang mga mata ko para pilitin ang sarili kong matulog. Alam mo yung pakiramdam na pagod ka at mabigat na yung mata mo pero hindi ka dinadalaw ng antok? Buti na lang talaga Sunday bukas kundi hagardo versoza na naman ako nito.

Mga ilang minuto pa lang siguro ang nakakalipas mula ng pinikit ko ang mata ko ay biglang may ingay akong narinig mula sa labas ng bahay. Napabalikwas agad ako at tumingin mula sa bintana ng kwarto ko.

May nakita akong kotse sa harap ng bahay namin at may maingay na kumakatok sa gate namin.

Kinabahan ako bigla. Sino naman kaya yun sa ganitong oras?

"Jho!" narinig kong may tumawag sakin.

Parang nabobosesan ko na kung sino siya pero kailangan kong makasigurado. Boses kasi yun ni...

"Jhoana!"

Patakbo agad akong bumaba at lumabas ng bahay dahil nakakabulabog na sa kapitbahay yung ingay nung kung sino man yung kumakatok. Pagbukas ko ng gate, nakumpirma ang hinala ko dahil si Bea ang tumambad sa akin na halatang lasing na lasing.

"Bea?" gulat kong sabi, "Anong ginagawa mo dito?"

Sumandal siya sa may gate at ngumisi lang sakin. She looks so wasted. Hindi na nga siya makatayo ng maayos.

"I wanted to see you."

Napakunot agad yung noo ko.

"Bea, ala una na. Pano ka nakapag-drive? Lasing ka, halika nga dito."

Hinawakan ko siya sa braso dahil feeling ko tutumba na siya any minute. Ang laking tao pa naman nito. Hindi ko siya kayang buhatin pag bumagsak siya.

"I'm not drunk, okay? I'm fine."

"Ano ba–umayos ka nga. Bakit ka nagpunta dito?"

"I told you, I wanted to see you."

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko dahil inilapit niya yung mukha niya sakin. Amoy na amoy ko nga yung alak sa hininga niya. Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa braso niya dahil medyo gumegewang na siya.

"Halika nga sa loob."

Hindi naman siya nagpumiglas kaya hindi na 'ko nahirapan na ipasok siya sa loob ng bahay. Pinaupo ko lang siya agad sa may couch pagkatapos ay dumeretso ako sa kusina para ikuha siya ng tubig.

"Ikaw nakakaugalian mo nang maglasing ha." pagalit ko nung inabot ko sa kanya yung baso, "Oh uminom ka ng tubig."

Kinuha niya yun agad at ininom ng isang lagukan. Walang imik naman niyang binalik sakin yung baso pagkaubos niya at saka ako tinitigan. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ko yung titig niya sakin. Masyado kasing malalim na parang hinuhubaran na niya ako sa tingin lang niya.

Shit na malagkit naman, Bea! Huwag mo akong tignan ng ganyan please?

Umalis na 'ko sa pwesto ko sa harap niya at kunwari ay ibabalik ko yung baso sa kusina. Umakyat din ako sandali sa kwarto ko para ikuha siya ng tshirt na pamalit. Pero gusto ko lang din talagang umiwas sa mga titig niya dahil feeling ko kung ano ng masamang magawa niya sakin. Baka ma-rape pa ako nito ng wala sa oras!

My Best Friend's GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora