Part 4

33 2 0
                                    

Bebe Julia in the multimedia.
______

Julia's POV

Hinayaan na niya akong umuwi matapos kaming magusap. Halos magtatakbo ako pauwi sa sobrang kaba. Julia pwede mo naman siyang isumbong sa student council pero bakit nga ba hindi mo magawa?

Hindi ka naman natatakot sa kanya dba? Hindi nga ba dahil ayaw mo siyang matanggal sa trabaho. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Para bang natatakot ako na na-eexcite sa mga pwedeng mangyare sakin. Pero bakit nga ba ako matatakot sa kanya? Patuloy lamang ako sa paglalakad ng.

Makita ko ang isang lalaki sa may tapat ng poste malapit sa may palikuan ng papunta sa bahay namin. Mukha siyang pamilyar. Sa tingin ko ay nagvevape siya dahil nadin sa sobrang kapal ng usok na binubuga niya.

Kung mamalasin ka nga naman. Isa na namang pakboi. Derederetso lang ako ng

"Julia?" Napatingin naman ako sa pakboi na yun at no way!

"Ken?!" Napatitig ako sa kanya may gad isang pakboi pala to eh. Kakadismaya naman. Agad nyang itinago ang vape at lumapit sakin

"Taga dito ka din ba?" Tanong nito at tumango naman ako.

"Ikaw ba?" Tanong ko din sa kanya at umoo siya.

"Bagong lipat lang kami dito. Actually bago lang din ako sa school galing akong tondo." Kaya pala siya mukhang siga kanina. Batang tondo pala siya.

"San ka hatid na kita" sabi neto

"Naku!Ayos lang malapit na din diyan lang sa unang liko.." sabi ko. Pero kinulit parin niya ako na sasamagan niya ako pauwi. At wala akong nagawa kundi ang pumayag.

Sabay kaming naglakad at kinuwentuhan niya ako. Since daw ng pumasok sya ang marami na agad siyang naging kaibigan. At ang isa daw sa kaibigan niya ang nakapagturo sakin na naging dahilan para makilala niya ako.

Hindi ako masyadong naniwala a pinagsasasabi ng batang tondo nato dahil pakiramdam ko ay lahing bolero din siya.

"Dito na ang bahay ko kung sakaling gusto moakong dalawin.." sabi ko.

"Sige ba dalawin kita minsan.." natatawang sagot niya.

"Ingat." Kaway ko bago siya tuluyang umalis.

Haays nakakapagod ang araw nato sabay pa na iniisip ko ang mga nangyare sa office ng lalaking yun

Kumain kami ng dinner ng nanay at tatay ko.

"Julia? Tinatanong pala ng kuya James mo kung kelan ka daw bibisita sa New York at my ipapakilala daw siya" aniya ni mama bago ako makapasok sa kwarto.

"Baka sa long weekend ma! Basta usap na lang kami nung pakboi na yun" sabi ko at pumasok na sa kwarto.

"Isa rin maharot yun si kuya James" usal ko at nagheadset habang nakatitig sa notes namin ng Highways. *beep* tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko ay isang filtered message yun

Mula dun sa nag-add sakin nung kagabi na dko pinansin. Problema neto nagaaral ang tao eh.

Hindi ko na lamang yun pinansin at patuloy na nagstudy.

Hanggang sa makatulog ako. Nang kinaumagan ng sumunod na araw ay late akong nagising dahil sa hapon lang naman ang klase ko sa araw na yun.

Nagcheck ako ng phone dahil sa baka may ipapaalala ulit si Jean pero wala naman kaya naligo na ko at nagayos para pumasok sa afternoon class ko. Drawing lang ang klase ko ngayon kaya naman T-square, triangles, cannister, and pencil case lamang ang dala ko. Napakahassle talaga ng ang dami daming dala. Papasok na ako ng classroom. At nakita ko si Jean na isinave nanaman ako ng upuan sa tabi niya.

"Hi Julia" bati neto sakin.

"Hey" yan ang tangi kong bati sa kanya.

"Kumusta naman ang paghatidmo sa box ni sir?" Parang nangaasar na sabi niya sakin.

"Manahimik ka nga diyan Jean. Iniwan ko lang sa table niya at umalis agad" casual na sabi ko dahil baka kung ano pang isipin ng isang to.

"Ohh! Sayang naman moment mo na yun dba?" Sabi ni Jean. Naparoll eyes na lang ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Buto pa si julia nakakasama niya ng matagal si sir. Natititigan pa niya kasi nasa harap siya." Napatingin ako sa nagsalita si Hannah yun isa sa mga blockmates ko.

"Eh nakakainis nga parang kumukulo dugo niya sakin" sabi ko.

"Hahaha pansin nga namin" sabi naman ng iba naming kaklase. At nagsitawanan sila.

"Pero alam mo ba sabi nila ay may girlfriend daw yun si sir!" Napatingin naman ako sa kaklase namin na yun. May girlfriend yung mokong na yun? Diko alam ang mararamdaman ko sa sinabi niya

"Ou nga daw eh nakita minsan na kasama niya sa sasakyan niya nung nasa mall sila" wow! ang galing pala mangstalk ng mga to eh.

Ewan kung bakit pero tila napatahimik ako sa mga narinig ko. Pinagtitripan lang ako ng isang yun.

"Okay class this is your plate for today" buti na lamang at dumating na si ma'am at hindi na napansin ng mga kaklasr ko ang bgla kong pagtahimik.

Kapal ng isang yun para i-trip ako.

Falling Inlove With My TeacherWhere stories live. Discover now