Itetext ko na dapat si Wendy na masama ang pakiramdam ko ng biglang may nagtext.

From:09*********

Try not to come Seulgi and I'll make sure you'll gonna spend your whole night with me.

Nanlusok ang mga mata ko ng basahin ko iyon. Magtetext pa nga lang ako na hindi ako makakapunta tas matatanggap ko agad iyon. Aish! Ang sakit mo sa ulo Kai Kim.

Padabog akong pumasok sa couture center kung saan magsusukat ng mga gowns ang kasama sa entourage. Nakita ko naman agad sina Irene, Joy at Yeri. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita kami after how many years. Actually, nagkita kami nung pagkatapos ng pagkikita din naman ni Kai. Naikwento ko din sa kanila ang sinabi ni Kai. At alam niyo ba kung anong sabi nila?








"GOODLUCK! "



Isang malaking goodluck lang ang sinabi nila sakin. Oh diba? Ang supportive.

Nilingon ko naman ang nasa kabilang side at nakita dun ang exo. Lahat sila nginitian ko maliban nalang sa isa. Iniwas ko ang mga tingin sa kanya at dumiretso sa pwesto nila Irene which is kaharap ng exo.

"Mabuti naman at nakapunta ka. Akala namin di ka pupunta kasi baka iniiwasan mo si ano."Yeri.

"Ha? Sinong iniiwasan?"taas-kilay kung tanong.

"Alam mo na yun si..."ngumuso si Yeri sa direkyon ni Kai kaya tumingin ako dun at laking gulat ko ng mahuli siyang nakatingin din sakin.

Boom! Iwas tingin agad ang peg ko.

"Bakit ko naman siya iiwasan?"saad ko.

"Kasi you know..."

"That was before Yeri. Yun nangyari noon tapos na yun. Wala na akong dahilan para iwasan siya. Maybe I'll avoid him not because I haven't moved on yet but because I want to live peacefully. Ayaw ko ng magkagulo."

"By the way, di ba aattend si Jimin sa kasal ni Wendy?"tanong ni Irene.

"Kung makaya daw ng schedule niya eh susunod siya. Ayaw niya ding mamiss ang kasal ng mga kaibigan niya."

"Tsk. Tsk. Tsk malaking trouble to."bulong ni Joy.

Nauna ng sinukatan ang mga bride's maid at iba pang kasama sa entourage. Si Wendy hindi siya magsusukat ngayon kasi naniniwala sila sa pamahiin na kapag nakita ng groom ang bride na suot-suot ang wedding gown nito bago ang araw ng kasal ay hindi na matutuloy ang kasal. Syempre, natrauma na sila sa nangyari dati kaya nag-iingat na sila. Nagpaschedule nalang si Wendy ng ibang araw para magsukat.

Atsaka hindi pa naman ganun kalapit ang araw ng kasal eh may tatlong linggo pang natitira. Pero susukatin namin ngayon kasi para makita kung kasya ba samin or kung hindi uulitin ito ng gumawa.

"Seulgi. It's your turn."Wendy said.

Pumasok ako sa fitting room at dun sinukat ang gown ko. It was a royal blue colored gown. Yun kasi ang motif ng wedding eh. Wendy's favorite color is blue kaya naman siya ang nasunod sa pagpili ng kulay. Kasyang kasya ito sakin. Kahit di ako nasukatan ng designer ay parang alam niya kung anong sukat ng katawan ko. As if he knows everything about me.

Ayaw ko sanang lumabas kasi satisfied na ako sa nakita ko pero nagpumilit si Wendy kasi gusto niyang makita ako na nakasuot nito.

Bish please...

Wala akong nagawa kundi lumabas sa fitting room. The moment I went outside, I saw their eyes flashing towards my dorection. Lahat ng mga mata nila ay nakatingin sakin.

"It looks so good on her. Saktong-sakto ang sukat. Thanks Kai for the details."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng designer. Kai?

You mean si Kai ang nagbigay ng sukat ko sa designer ng gown? Kaya pala parang alam na alam ng designer kung ano talaga ang sukat ko yun pala si Kai ang may sabi.

Bahagya kong nilingon ang direkyon ni Kai at nakita kong nakatingin siya sakin. Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero may kung anong pumigil sakin na gawin iyon. I remained looking at him. I saw him bit his lower lips. Kung hindi lang dahil sa tumawag sa kanyang ellphone ay malamang magdamag na kaming nagtitigan kanina.

Ano ba yung ginawa ko? Why did I look at him?

Matapos naming magsukat ay napagdesisyunan namin na umuwi na. May kanya-kanya kasi kaming pupuntahan. Si Irene pupunta sa hospital. Kung tinatanong niyo si Irene ay hindi pa kinakasal. Wala pa daw yun sa plano nila Bogum. Masyado pa silang busy. Si Yeri naman ayun chill chill lang sa relationship with Jaehyun na kasalukuyang nasa Korea para sa business trip nila. Habang si Joy naman nagdadalang tao para sa ikalawang baby nila ni Sungjae. May isang anak na sila at lalaki ito. Isa ako sa ninang kaso nagpaproxy lang ako kasi di ako nakattend. Magto-two years old na ito.

Nang makalabas na kami ng couture center ay agad nahagip ng mga mata ko si Kai na may kausap na babae. Sunod ko nalang nakita ay niyakap ng babaeng nakashades si Kai. They seems to be close...really close.

"Sino yung babae?"I asked Wendy.

"Si Krystal..."
























"...girlfriend ni Kai."

----
[A/N] So ayun pinasok ko si Krystal sa kwento AHAHHAA! No hate tayong lahat guys, FAN FICTION lang po ito. Dont forget to vote and comment :))

Only For You [FYIW 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon