CHAPTER 25

128K 2.7K 103
                                    

CHAPTER 25

NAPAPAILING na sinunod ko na lang si Dale. Kinabukasan kasi ng nangyaring pagdakip sakin ay nag-aya siya na pumunta daw kami dito sa Tagaytay.  Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya munang umalis ng Manila. I know this is too much for him.

"Ano namang gagawin natin dito? Horse back riding?" tanong ko kay Dale na nasa tabi ko at nakaakbay sakin habang naglalakad kami.

"Maybe. But for now bisitahin muna natin ang tutuluyan natin."

I rolled my eyes at him ng marinig ko ang kapilyuhan sa tono ng boses niya. Ngiting-ngiti naman na kinindatan niya ako.

"Mishy."

"Hmmm?"

"Kailan mo sasabihin saking birthday mo ngayon?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nilingon ko si Dale na nakataas ang kilay na tinignan ako. I sighed. Siguradong kung hindi si PJ ay si Kuya Ethan ang pinagtanungan niya. Ayoko pa namang mag celebrate ng birthday ko dahil pakiradam ko wala namang pinagkaiba yon sa ibang araw.

"At paano mo naman nalaman?" tanong ko sa kaniya.

"Secret. Basta mag ce-celebrate tayo ngayon."

Nagkibit-balikat ako. Wala naman akong magagawa kapag ginusto na ni Dale. Mas mapilit pa yan kesa sakin. Wala din naman sigurong masama kung mag celebrate ako ngayon. For a change.

Pinagtitinginan kami ng makapasok kami sa hotel. Scratch that. Pinagtitinginan kami dahil kay Dale since karamihan sa mga nandito sa lobby ay kababaihan. Kumunot ang noo ko. Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan na ni Dale ang sentido ko.

"Love you."

Napangiti ako. Hindi ko nga pala kailangan mag selos. It's a good thing Dale is always here to reassure me.

Tumuloy na kami sa elevator at pagkaraan ay nasa tapat na kami ng hotel room na tutuluyan namin. Kinindatan niya ako bago niya binuksan ang pintuan. Nagtatakang pumasok ako at tinignan ko kung anong meron doon.

Nanglaki ang mga mata ko ng makita kong may candlelight dinner sa balcony doon at pati na ang kama ay sinabuyan ng petals ng roses.

"Dale.."

"I know you're stressed out this past few days. Hindi ko alam kung ano pero alam kong marami kang iniisip. Idagdag pa ang nangyari kahapon. What I'll do might bother you more but I want to risk it. Dahil ilang araw ko narin tong pinag-iisipan."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Seryoso ang ekspresyon niya at may nakikita din akong kaba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Hinawakan niya ang kamay ko at binigyan iyon ng magaang halik.

"Dale?"

"Marry me, Mishy."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Titig na titig siya sa mga mata ko na wari bang inaarok ang nararamdaman ko. Napalunok ako ng makita kong may inilabas siya sa bulsa niya. Umatras ako pero pinigilan niya ako.

"D-Dale, kasal na tayo."

"I want to do it again."

Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. I never thought of marriage before. I don't want to be married. It's the same reason kung bakit ayokong kunin ang mission na ito noon. Dahil kailangan kong magpanggap na ikinasal na ako.

I always loved my freedom. Hindi ko gusto ang pinipigilan ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Alam ko sa sarili ko noon na baka hindi ko kayanin ang kaakibat na responsibilidad ng salitang 'kasal'. My freedom is one of the few things I love about my life.

"Hindi ba pwedeng hintayin muna natin na makatapos ako?"

"The marriage can wait but I want to be officially engage to you."

Binuksan ni Dale ang kahita at napatitig ako roon. Kinuha niya ang sing-sing na naroon at akmang isusuot na niya sa kamay ko ng ikinuyom ko iyon. Napaangat ang ulo ni Dale para tignan ako na may halong pagtataka.

"What brought this on, Dale?"

"Hindi kita maintindihan. I want to marry you, isn't that a good reason?"

"What brought this on?"

"Mishy."

Tumalikod ako sa kaniya pero pinigilan niya ako. May iba akong nararamdaman at hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. Sinalubong ko ng tingin si Dale.

"Answer me, Dale."

"I want to marry you and anyway, where living in the same roof. Hindi ba tama lang naman na magpakasal tayo?"

Dahan-dahang kinalas ko ang pagkakahawak niya sakin habang hindi makapaniwala na nakatingin ako sa kaniya. He speaks like we're not married. Like he knows we're not. And at that exact moment, alam kong may nagbago. May nagbago sa kaniya.

"Mishy-"

"Tell me Dale Edwin Night, kailan pa bumalik ang ala-ala mo?"

Pain lashed through my heart ng makita ko ang takot sa mga mata nya. Humakbang siya palapit sakin pero lumayo lang ako

"Let me explain, baby."

"I'm sorry dale...for lying to you."

"Mishy hindi ko naman iniisip yon. I love you. Hell, it's the first time I ever told anyone those words. I don't care if you lied, alam kong meron kang rason. Kung hindi ka pa handang sabihin sakin wala namang problema. Mag-iintay ako."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Naramdaman ko ang masaganang pagdaloy ng mga luha ko. Dahil alam ko, na hindi pwede. Hindi maaring maging kami.

"No, Dale. I'm not good for you. I'll never be good for you."

Tumalikod ako sa kaniya at nagmamadaling lumabas patungo sa elevator. I saw the pain in his eyes ng sumarado na ang pinto ng elevator bago niya pa iyon mapigilan. This is the right thing to do. He'll forget about me someday and he will have a safe and happy life with the woman who can give him everything. Someone who can comfort him and stay in his arms. Not someone like me.

Masasaktan lang siya at mapapahamak kapag kasama ako. I risked my heart when I learn to love him. I risked my heart despite the fact that I know, deep inside me, that I will just walk away with a broken heart.

Kinuha ko ang phone ko sa shoulder bag ko at hinanap ang number ni Boss. Sumandal ako at tumingala para pigilan ang hindi maampat na luha ko.

"Mishy?"

"My cover was blown. Nakakaalala na si Dale."

"Are you okay?"

Pagak na tumawa ako. "Why wouldn't I? Hindi naman siya mahalaga sakin. Just another client. Send someone to guard him. I'm done with him."

I can feel the pain gnawing in my heart because of the lie. Heaven knows how much I want to be with him. To be the right woman for him, but I can't change who I am. Kuntento na ako sa buhay na mayroon ako noon. But now I want more. I want something that I can easily have but I need to stop myself reaching for it.

I can't be selfish when it comes to him. I cannot keep him with me when the only way for him to be safe is to be away from me.

Lumabas na ako sa elevator at walang lingon-lingon na nilisan ko na ang hotel. This is just another chapter in my life. No matter how happy the previous chapters I had with him, I still need to keep on reading and move on.

I'm glad that Dale still loves me after everything. Kahit na nagsinungaling ako sa kaniya tinanggap niya parin ako. But like everything else in this world, he too will soon learn to forget. Someday, I will fade in his memories.

I don't want to put him between myself and what's chasing after me. I can't give him the life a woman should give to a man she loves. This is all I can do for him-to let him go.

I dreamed too much. Now it's time for me to wake up. It's time to pull myself out of his life. I will never forget him. Never.

It's better this way.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon