CHAPTER 4

152K 3.2K 70
                                    

CHAPTER 4

"UGH! Not again." Nakangiwi pa si kuya nang sinabi iyon. Alam kong pareho lang kami ng ekspresyon. Parehong hindi maipinta ang mga mukha namin.

Na-aamuse na nakatingin samin si Boss. Nakatukod pa ang baba niya sa kamay niya habang pinagmamasdan kaming magkapatid.

We're expecting something big and dangerous. Yung tipong tataubin namin si James Bond. Like, huhulihin namin ang isang mag a-assasinate sa isang bigating politician, may magpapahanap ng golden and ancient treasure, or running after a syndicate. Not like this. Mas gusto ko pang makipaghabulan sa leon.

Our mission is to baby sit. Simple as that.

Nagkatinginan kami ni kuya. Walang thrill at siguradong mamamatay kami pareho sa boredom!

"Your missions are different but it’s connected."

Nagtatakang nilingon ko si Boss. Different tapos connected? Parang alien language ata yon. Yumukyok ako sa lamesa ni Boss.

"Ethan may maman-manan ka na babae at ang kaibigan niyang lalake. They are the suspects sa krimeng ibinabato sa kanila."

Akmang magrereklamo si kuya pero nagsasalita na si Boss at tumingin sakin. Inihahanda ko na ang sarili ko dahil for sure boring din ang ipagagawa niya sakin. Wala naman kaming magagawa. Nagkataon kasi na eto ang natapat samin.

"And you, Mishy. You need to pretend to be the wife of the client's son."

"Fine−wait. WHAT?!"

Nanglaki ang mga mata namin ni Kuya. Itinagilid ko ang ulo ko at itinaktak iyon na animo may nakabara sa tenga ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko para masiguradong si Boss nga at hindi alien ang kaharap ko.

"Gustong malaman ni Mrs. Sarah Night at Mr. Alastor Night kung aksidente lang ba talaga ang nangyari sa anak niya na ngayon ay may amnesia na. Pinaghihinalaan niya si Marga Smith na dating kasintahan ng anak niya at si Charles Brandon na kaibigan lang ang pagpapakilala ni Marga. Sila ang babantayan mo, Ethan." Inabot ni Boss ang isang itim na folder kay kuya at ang isa naman ay sa akin.

"Bossing na gwapo at super hot, baka naman pwedeng sa iba-"

"Nope. Sorry, baby Mishy. This mission is as important to me as it  is to you.” Seryoso ang tingin na ibinigay nya sa aming magkapatid. “May kinalaman sa kanila ang main suspect ko sa pagpatay sa mga magulang natin."

Napasinghap kami ni kuya sa narinig namin. Tama si Boss. This is important. I can feel the fire in my eyes and the quickening of my pulse. Matagal na naming hinihintay to. I wouldn't waste this chance para singilin ang mga dapat singilin.

"Why?" Tanong ni kuya kay Boss na napasandal sa kinauupuan niya.

"Katulad ng sinabi ko sa inyo noon, ang mga magulang natin ang dahilan kung bakit nabuwag ang BEND, isang illegal na organisasyon ng mga sindikato. Sa tagal na panahon ng imbestigasyon na ginawa ko sa nangyari noon, nakakalap ako ng iba't-ibang impormasyon. Nalaman ko din ang mga pangalan ng mga may mataas na katungkulan doon. Bernardo Smith, Emerald Smith, Noli Darlan at Decundo Darlan."

Smith?...Marga Smith! Napatingin ako kay kuya. This is news. Big news! 

Tumingin kami kay Boss."Ano pang hinihintay natin? Nasa atin na ang mga pangalan." Halos pasigaw na ang pagkakasabi ni kuya ng mga iyon. Nanatili lang akong nakatingin kay Boss.

Gusto ko na din silang puntahan. I'll take their life with my own hands at hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon katulad ng ginawa nila sa mga magulang namin. They deserve it.

"Let's not be too hasty. Alam kong matagal na natin itong iniintay pero kailangan parin nating isaalang-alang ang sitwasyon ng kliyente natin. And besides, meron man tayong mga pangalan, wala naman tayong katibayan sa mismong organisasyon. We can't mess this up."

Umangat ang bawat sulok ng  labi ko. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Abot kamay na namin ang hustisya. At para maabot iyon, kailangan namin ang bago naming kliyente.

"It's like hitting two birds with one stone. Matagal ng namayapa ang mag-asawang Darlan. Sigurado ako na lahat ng impormasyon ay nasa mga Smith." sabi ni Boss na iminuwestra saming basahin ang folder na sinunod naman namin ni kuya.

"Anong kinalaman ni Marga Smith dito? Nabuwag na ang sindikato kaya hindi siya makakasama roon. And who's this Charles?" Tanong ni Kuya na sunod-sunod ang paglilipat ng mga page.

"Walang kinalaman si Marga at iba ang sitwasyon nila ni Charles. Pinaghihinalaan silang may relasyon ni Marga at pera lang di umano ang habol nito sa anak ng kliyente natin. As for the organization, binubuo ulit yon ni Emerald at Bernardo Smith."

More  people getting killed. Kailangang mapigilan namin sila. Para magawa yon kailangan naming gawin ni kuya ang mission na to. Nagpatuloy si Boss sa pagsasalaysay.

Tinignan ako ni Boss. "Tatlong taon nang girlfriend ng batang Night si Marga Smith. She’s a trophy girlfriend. Hindi daw seryoso ang anak nila kay Marga kahit pa nagtagal sila. Gold digger ang eksaktong sinabi ng kliyente natin. Ilalayo mo si Marga sa kanya at iimbestigahan kung may iba pang storya sa likod ng aksidente niya."

"What's his name?" Sinimulan kong hanapin sa folder pero nasagot na niya ang tanong ko.

"Dale Edwin Night."

Nalaglag ang panga ko. Nabitawan ko din ang folder na hawak ko na lumikha ng ingay. Imposible. P-Paanong ang anghel na yon...

"Impossible."

"Kilala mo siya?" Si kuya ang nagtanong. Tinignan din ako ni Boss na hinihintay ang sagot ko.

"Siya yung anghel- I mean yung istorbo na gumambala sa mission ko last month sa Pazo Bar. I swear, safe siyang nakauwi sa bahay non. Paanong may amnesia siya?"

Ngumiti sakin si Boss. "Kailan lang ang aksidente na nangyari sa kaniya. Aalamin mo kung anong dahilan ng aksidente niya bukod sa iginigiit ng mga pulis. Ang mga pangyayari ng gabing iyon, hindi na niya matatandaan dahil nagsimula ang pagkabura ng ala-ala niya sa unang araw na nagkakilala sila ni Marga Smith. Fortunately, kilala mo naman pala siya kaya hindi ka na masyadong mahihirapan kahit na paniguradong hindi ka na niya naaalala."

Fortunate? Hell no!

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Where stories live. Discover now