"Wushan. Mukhang hindi ako naliligaw." Ang mahinang sabi ng lalaking naka kulay ubeng roba.

At pagkatapos ang mahiwagang, naka kulay ubeng roba na lalaki ay hindi na nagsalita. Pagkatapos nitong pagmasdan sina Linley at ang grupo ng mga bata sa malamig nitong mga mata, ang Velocidragon ay nagpatuloy sa paglakad, dalawang linya ng usok ang lumalabas sa butas ng ilong nito. Nang makitang ang Velocidragon ay patungo sa bayan, ang ekspresyon sa mukha ni Hillman ay nagbago.

"Dito lang kayong lahat." Pagkatapos nitong magsalita, agad na humabol si Hillman ang papaalis na Velocidragon.

"Uncle Lorry, ano ba iyon? Isang 'magical beast ba iyon?" Si Linley ang unang nagtanong.

Tumikhim si Lorry, naroon pa rin ang takot sa mga mata. Pero tumango ito. "Oo. Pero isang napakalakas na '7th-rank magical beast'. Isang Velocidragon."

"Velocidragon?"

Tinandaan ni Linley ang salitang iyon, habangbuhay na inukit sa utak nito.

Ang katakot-takot na hitsura ng malaking katawan ng Velocidragon, ang matigas na kaliskis, matatalas na kuko at malakas na buntot. Naniniwala si Linley... na ang isang Velocidragon ay kayang ubusin ang buong bayan ng Wushan.

"Ang pananggang lakas (defensive power) ng kaliskis ng Velocidragon ay nakakamangha, ang lakas ng atake (offensive attack) nito ay nakakatakot din. Saka idagdag pa ang mapanirang salamangkang apoy." Napuno ng takot na ipinaliwanag ni Lorry kina Linley at ng iba. "Kung makaharap ang nakakatakot na 'magical beast gaya ng Velocidragon, kahit siguro ang isang brigada ng libo-libong sundalo ay mauubos, malibang may mga 6th-rank o 7th-rank warrior at mga magus na magkaisang butasin ang kalislis ng Velocidragon."

Nanginig ang puso ni Linley.

Kahit isang brigada ng libo-libong sundalo ay maaring mabuos lahat?

"Bagaman ang pinakanakakatakot ay hindi ang Velocidragon...kundi ang mahiwagang may kulay ubeng roba na lalaki." Huminga muna ng dalawang beses si Lorry para ikalma ang nayanig na puso.

Sa tabi nito ay tumango din si Roger. "Tama. Para mapasunod ang Velocidragon, kailangang piliting kusang loob itong sumuko para maging isang alipin. Sa madaling salita...ang may suot na kulay ubeng lalaki ay kailangang mas malakas kaysa Velocedragon. Kung pagbabasehan ang suot nito, ay isa itong magus."

"Hindi bababa sa 7th-rank magus. O baka 8th-rank magus!" Hindi mapigilan ni Roger ang panginginig din ng kamay. "Hindi ako makapaniwalang ang isang napakaimportanteng tao ay makarating sa ating lugar."

Naramdaman din ni Linley takot na nasa puso nina Roger at Lorry.

Velocidragon, isang '7th-rank magical beast'. At isang mahiwagang magus kung saan mas malakas pa sa Velocidragon? Talagang sapat na ito na maging sanhi ng sindak.

"The magus was even more powerful than the Velocidragon?" Linley found this somewhat hard to believe.

"Ang magus ay mas malakas pa sa Velocidragon?" hindi makapaniwala si Linley.

Ang malaking katawan ng Velocidragon, matigas na kaliskis, matalas na kuko at malakas na buntot...ay mukhang natatabunan ang maliit na pigura ng magus.

"Rawwwwrr!"

Bigla may malakas na atungal na umalingawngaw galing sa gitna ng bayan.

"Patay!" Natigilan si Lorry at Roggy. Sina Linley at ang iba pang mga bata ay nag-alala din. Sina Uncle Hillman kaya o mga mamayan ng Wushan ang dahilan kaya galit na umatungal ang Velocidragon?

Walang nakakaalam.

"Lahat kayo ay maghintay dito." Kahit na natatakot sina Roger at Lorry ay tumakbo ang dalawa patungo sa mismong bayan.

Napatiimbagang si Linley. "Uncle Hillman!" Sobrang nag-alala si Linley para kay Uncle Hillman, ganun din sa mga mamayan ng Wushan. Tumakbo din si Linley patungo sa parehong direksyon. Sa mga sandaling iyon sina Lorry at Roger ay parehong nag-panic ng maisip ang Velocidragon, kaya hindi napansin ng dalawa na sumusunod si Linley.

Sa loob ng ilang sandali, narating nila ang mismong bayan. Naroon si Hillman at nakatayo sa may di kalayuan at nanunood.

"Bakit kayo narito?" nahalong pangaral sa boses ni Hillman.

Pero ng makita si Linley na nakasunod sa likod nina Lorry at Roger, mas lalong napakunot noo si Hillman. "Linley, napakadelikado dito. Bumalik ka agad doon." Noon lang napuna nina Lorry at Roger na sumunod pala si Linley..

"Linley, bakit ka..." Hindi malaman nina Lorry at Roger kung ano ang sasabihin.

"Hindi ako babalik, Uncle Hillman." Ayaw ni Linley na kusang bumalik.

Walang magawang napailing si Hillman. Alam nito kung gaano ka tigas ng ulo ni Linley, at kung gaano kahirap nitong kumbinsihin. "Sige kung ganun, diyan ka lang sa likod ko at wag kang lumayo. Basta nasa likod ka lang, kampante akong mapuprotektahan kita."

"Salamat Uncle Hillman. Nakakasigurado kayong hindi ako magtatakbo." Sobrang tuwang sabi ni Linley.

Sa mga sandaling iyon, ang grupo nina Hillman ay may ilang daang metro ang layo sa Velocidragon. Tahimik na pinapanood ang kasalukuyang nangyayari sa gitna ng bayan.

Sa harapan ng malaking Velocidragon, ay makikita ang isang grupo ng mga kabataan. Apat na lalaki at tatlong babae.

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now