My Binondo Girl After Two Years Chapter 17

7K 31 23
  • Dedicated kay Johannah Marie Montes and AkoMismoSiFaye
                                    

Chapter 17

   "Hello Trevor," tumawag si Andy sa kapatid nang makita niyang pumasok sa banyo si Jade para mag-shower.

   "Andy, anong decision mo?" balisa ang boses nito. 

   "I have to tell Jade about the whole situation para maintindihan niya.  Mas mahirap pag nalaman niya sa iba ang tungkol sa inyo ni Clara. Ipapaliwanag ko pati ang mental condition ni Amethyst."

   "Bro, paano iyong hinihingi ni Clara na pera? Paano ang iskandalong gagawin niya? Ayokong malaman ni Amethyst ang tungkol sa amin ng babaeng iyon. Andy, very insecure ang asawa ko ngayon lalo na alam niyang gusto kong magkaanak," pagsusumamo nito.

   "Trev, I will help Clara financially for the sake of your baby. We don't have to tell Amethyst yet until she's ready but I have to tell Jade. Ayokong magka-problema na naman kaming mag-asawa," matigas na sabi nito. "By the way, you have to ask Clara for DNA once the baby is born, baka nga hindi sa iyo iyon," payo nito sa kapatid.

   "Andy, salamat sa help mo," tahimik nitong sabi.

   "Trevor, please lang magbago ka na. Huwag mong niloloko ang as_____" , hindi natapos ni Andy ang sasabihin dahil narinig niya ang biglang pagsigaw ni Jade sa banyo. Kumaripas siya ng takbo sa banyo. 

   "Jade? Anong nangyari?" kumakabog ang dibdib niya sa takot nang makita niyang nakaupo sa gilid ng bath tub ang asawa.

   "Aray, Andy ang sakit ng tiyan ko!" naiiyak na sabi nito.

   "Huwag kang kikilos. Dadalhin kita sa ospital. Kumapit ka sa akin para mabuhat kita," natatarantang utos nito.

   "Ibaba mo na lang ako sa kama natin, Andy at tawagan mo si Dr. Fernandez. Medyo nag-subside ng kaunti ang pain," maluha-luha pa rin si Jade pero medyo kalmado na ang boses.

   "Jade, baka mas mabuti kung sa ospital na tayo pumunta," balisang balisa ang boses ni Andy.

     "Okay na ako. Pakitawag si Dr. Fernandez," untag nito.

   Nanginginig ang mga daliring tumawag si Andy sa OB doctor. Isinalaysay nito ang nangyari at narinig na lang ni Jade na inutusan nito ang manggagamot na pumunta sa bahay nila ngayong gabi din para masigurado ang kalagayan ng asawa niya at ng kambal. Pagkababa ng phone at dali-dali itong naupo sa gilid ng kama at hinawakan ang palad ni Jade.

   "Babe, are you really okay? Iyong totoo please," namumutlang sabi nito.

   "Andy, nakakahiya yata na pinapunta mo dito si Dr. Fernandez. Masyado ng gabi. Gusto ko lang naman tanungin mo kung ano ang dapat nating gawin" ani Jade.

   "Ayaw mong dalhin kita sa ospital di ba? Pwes, ang doktor ang pumunta sa iyo," nakakunot ang noo nito.

   Inangat ni Andy ang house phone para tawagan ang katulong sa baba. "Bebang, pakisabi sa guard na dadating si Dr. Fernandez. Hintayin mo at samahan mo dito sa kuwarto namin ng Ma'am Jade mo. Pakitawag din kay Nanay Zheny na pumunta dito," utos nito sa katulong.

  "Jade, masakit pa ba?" tanong nito ulit nang maibaba ang phone.

   "Kaunti na lang," nakapikit ang mga matang sagot niya sa asawa.

   Masuyong hinagod ni Andy ang likod niya. "Matulog ka muna habang hinintay natin si Dr. Fernandez," halos pabulong na utos nito.

   Samantalang sa bahay ni Clara ay ibang drama ang nangyayari sa kasalukuyan.

   "Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" nagtatakang tanong ni Clara sa di inaasahang panauhin.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon