My Binondo Girl After Two Years Chapter 22

7.4K 50 31
  • Dedicated kay Rowena Enriquez and Hannah Cuenca Dee Dante
                                    

Chapter 22

   "Saang mall mo gustong mamasyal today?" nakangiting tanong ni Andy.

   "Siyempre sa Shangri-La Plaza, ang favorite ko. Huwag na lang tayong manood ng movie para maisama natin ang mga kids," ani ni Jade.

   "Sure, sa tingin mo ba okay lang isama si Xian at Xander? Alam mo na pag-weekend maraming tao sa mall," medyo nag-aalalang tanong nito sa asawa.

   "Oo naman. Isama na rin natin si Lola Amor, si Nanay at Mama Menchu," mungkahi niya.

   "Paano tayong magkakasya sa van? Wait, tawagan ko lang si Mama pwede naman siyang mag-drive para dalawang sasakyan na lang tayo," sabi ni Andy habang dinadial ang number ni Menchu.

   "Teka muna, tanungin muna natin kung gustong sumama sila Nanay."

   "Saan sasama?" bungad ni Nanay Zheny na kapapasok lang sa family room kung saan sila naguusap na mag-asawa.

   "Nay, gusto po ninyong sumama ni La Amor sa mall ngayon?" tanong ni Jade.

   "Ay hindi na, may lakad din kami nila Nanay at ng Mama Menchu mo," nakangiti nitong tanggi.

   "Saan po kayo pupunta?" tanong uli ni Jade sa ina.

   "Siyempre magpapa-beauty. Pupunta kami sa salon for a new hairstyle tapos magpapa-spa. O di ba, sosyal!" natatawang wika nito.

   "Kayo talaga, Nay. Sige kami na lang po ang aalis," napangiti si Jade sa sagot ng ina.

   "Mag-ingat kayo, anak. Maraming tao sa mall," bilin nito.

   "Opo Nay, kayo rin po."

   Nawili sila sa paglalakad-lakad sa mall, karga ni Andy si Sapphire, hawak naman ni Anna at Bella ang kambal. Si Annika ay nag-day off para dumalaw sa probinsya nila.

   "Daddy, ash cleam," tinututo nito ang tindahan ng Haagen-Daazs Ice Cream.

   "Later, Sapphire. We have to eat lunch first," saway ni Jade.

   "I'll buy you one later, Princess. First let's see where we can eat?" sabi ni Andy habang nag-iisip kung saan dadalhin ang pamilya. "Jade, saan mo gustong mag-lunch?"

   "Sa Wham Burgers na lang kaya tayo, Andy."

   "Let's go then. I'm really starving! Sa bigat ba naman nitong princesa ko kailangang kumain na," yaya nito sa lahat.

   

   "Sapphire, huwag puro French fries lang, kainin mo iyang chicken littles mo," utos ni Jade.

   "Anna at Bella, baka kulang pa iyang mga burgers at spaghetti ninyo sabihin lang ninyo para maka-order pa," kaswal na sabi ni Andy sa dalawang yaya.

   "Naku po Sir Andy, ang dami nga po ninyong inorder baka hindi na kami makakain ng hapunan po," protesta ng dalawa sa amo.

   "Bella, akin na muna si Xander. Pakibili ng mga burgers at spaghetti ang mga kasama ninyong naiwan sa bahay. Ito ang pera," inabot ni Andy ang dalawng libo sa yaya ng anak.

   "Sir, ang laki po yata nito," gulat na sabi ni Bella sa ibinigay ng amo.

   "Dagdagan mo na para may snacks kayo mamayang gabi," nakangiting sabi ni Andy.

   Nang karga na nito si Xander ay biglang lumapit si Sapphire sa ama para magpakarga rin.

   "Princess, mamaya na. Sa mommy ka muna magpakarga," masuyong sabi nito.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon