"Wala sa silid na ito. Ang kasunod naman..." lumabas si Linley sa unang silid at pumasok sa pangalawang silid.

Sa katunayan, may maroong maraming silid sa likurang bahagi ng courtyard. Kung tutuusin, ang harapang bahagi ng coutyard kung saan nakatira sina Linley ay kabuang sakop nito ay pangatlong bahagi lang ng buong manor. Ang likurang bahagi ng courtyard ay mas malaki. Mauubos siguro ni Linley ang buong araw bago matapos na masuyod nito ang buong courtyard.

"Ang mga dekorasyong ito ay nasira. Walang kahit isa ang may halaga." Muli ay lumabas si Linley sa walang lamanna silid.

Napatingin si Linley sa kalangitan.

"Eh, mukhang malapit na ang oras para sa aking pagsasanay. Mayroon nalang akong mga labinlimang minuto o higit pa." lumingon si Linley at napatingin sa napakalaking silid. "Titingnan ko nalang ang huling ito, yong malaki. Uubusin ko ang sampung minuto sa paghahanap. Kung wala akong makita, aalis na ako para magsanay."

Nang makabuo ng desisyon, tumakbo si Linley patungo sa malaking silid.

This ancient room was much larger than even the main hall in the front courtyard. Stepping inside, Linley carefully scrutinized the place. "I bet hundreds of years ago, this was the dinner hall for our Baruch clan." From the ornaments and furniture, Linley could tell that this was a living hall.

Itong lumang silid ay mas malaki kumpara sa main hall ng harapang courtyard. Pag-apak sa loob, masusing tingingnan ni Linley ang buong lugar. "Pupusta ako ilang daang taon na ang nakaraan, ito ang kainan ng aming Baruch clan."

Mula sa mga palamuti hanggang sa mga kagamitan, masasabi ni Linley na ito ay ang sala.

Isang engrandeng bulwagan.

"Halughugin ko muna ang buong sahig."

Gaya ng dati, nakayuko ang ulo at idinilat ni Linley ang mga mata, at isa-isang sinimulan ang maingat na paghahanap sa bawat silid. Pag may nakita itong interesante, tutuktukin nito iyon ng dalawang beses sa dalang kahoy. Kung ito ay gawa sa bato, ignorahin nito iyon. Yamang wala itong oras bago magsimula ang pagsasanay, bumilis din ang paghahanap nito.

"Oras na para siyasatin ang dingding at kurtina. Oi. Ito na ang huling pag-asa ko." napangiwi si Linley habang sinuyod ang kapaligiran. "Mga ninuno, umaasa akong may iniiwan kayo sa akin na isa o dalawang bagay makita. Kahit na ito ay maliit na bagay lang."

Maingat na siniyasat ni Linley ang dingding, pati na ang pagsilip sa likod ng mga gutay-gutay na kurtina.

Sa lumang dingding ay may mga nabubulok na mga kabinet bawat isa ay may maliliit na mga lalagyan. Hinila pabukas ni Linley ang bawat isa na mga lalagyan, pero lahat ng mga ito ay walang laman, sobrang linis niyon. Ang tanging nasa loob ng mga iyon? Mga alikabok.

"Hay!"

Pagkatapos buksan ang huling lalagyan, naramdaman ni Linley ang mapait na pagkabigo sa kanyang puso.

"Pagkatapos kong maghanap, kahit isa ay wala akong nakitang mahalagang bagay. Ang tanging nagawa ko ay tabunan ang buo kong katawan ng pawis at alikabok." Napatingin si Linley sa kanyang damit. Marumi na iyon ngayon. Hindi napigilan ni Linely ang sarili ng makaramdam ng pagkayamot.

Isang beses pang napasulyap si Linley sa silid.

"Hmp! Makaalis na nga." Galit na ginamit nito ang kahoy na nasa kamay para malakas na ihataw sa malapit na kabinet, na para bang doon nito gustong ilabas ang lahat na namumuong galit sa halos isang oras na walang silbing paghahanap.

"Tsug!" Matigas na tumama ang kahoy sa kabinet.

Ang kabinet ay sobrang luma na. Pagkatapos ngatngatin ng maraming anay sa loob ng ilang daang taon, hindi nito nakayanan ang bigat. Pagkatapos tamaan ng malakas, nagsimulang tumunog ito at lumangitngit.

Nang marinig ito, hindi napigilan ni Linley maalarma at mapalingon sa likuran. "Patay! mukhang babagsak!" Habang naghahanap sa ibang silid, marami na ring nasirang mga kagamitan si Linley, kaya sanay na ito.

Mabilis na umiwas ito sa kabilang gilid.

Sa huli, ang kabinet na mas mataas pa ng doble kay Linley ay bumagsak. Malakas ang pagbagsak nito sa sahig, nagkabali-bali iyon sa pito o walong piraso, na mas lalo pang naging sanhi na matabunan ang buong silid ng alikabok. Pero hindi nakita ni Linley na nakatago sa gitna ng alikabok ay...

Sa pagkawasak ng kabinet, isang itim na singsing na nakatago sa loob ng haligi ang nagpagulong-gulong palabas at bumagsak sa sahig.

"Ew, ew!" nandidiring sabi ni Linley at mabilis na umiwas sa papalapit na alikabok.

"Napakamalas! Ang buo kong katawan ay napuno na ngayon ng alikabok, pupusta akong malapit ng magsimula ang pagsasanay. Mas mabuti pang umalis na ako para maligo at magbihis ng malinis na damit." Itinulak ni Linley para buksan ang pinto at lumabas sa lumang silid.

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now