Malinaw na tinandaan sa utak ni Linley ang sinasabi ng ama.

Napaungol si Linley, "Mas malakas ako kaysa ibang taong kilala ko, iyon ay dahil sa dugong Dragonblood sa aking katawan. Pero dahil hindi ako maaring pagsanay ng battle qi, ang tanging pagpipilian ko ay ang magsikap, at magsikap pa ng tudo! Kung nagawa ng aking Lolo sa tuhod na maging isang 'seventh ranks warrior', ako rin...ako rin ay maabot ang '8th rank warrior! O kahit na ang '9th rank'! Walang imposible para sa akin!"

Isang '8th rank warrior'!

Ang mandirigmang nasa ika siyam na ranggo ay masasabing pinakamalakas na eksperto sa buong bansa ng Fenlai. Ang mandirigmang nasa ika walong ranggo, kahit na hindi nito maibalik ang dating katanyagan ng pamilyang Baruch, maari naman itong mabago ang kinasasadlakang sitwasyon ngayon ng kanilang angkan!

"Kailangang tiisin ko ito!" Napatiimbagang si Linley

Sa puntong ito, pakiramdam ni Lnley ay parang pinagkakagat na ng maraming langgam ang mga kalamnan. Ang kanyang buong katawan ay nangangatal, at ang bawat kalamnan sa kanyang katawan ay panginginig.

Bawat isang kalamnan ay makikitang nanginginig.

Pagkaraan ng mahabang oras, sa huli...

Thud!

Pagod na bumagsag si Linley sa lupa.

"Ang sarap sa pakiramdam." habang nakahiga sa lupa ay nagrelax ang katawan ni Linley, ramdam na ramdam nito ang pamamanhid ng buong katawan. Lahat ng kalamnan sa buong katawan nito na dumadaan sa pagsasanay ay unti-unting lumalaki. Kahit na hindi pa halata ang paglaki nito sa isa o dalawang beses na pag-ehersisyo, pagkaraan ng matagalang pag-eehersisyo, makikita din ang epekto nito.

Sa isang tabi ay kontentong tumango si Hillman.

Pagkaraay naging malamig ang mukha nito at nilingon ang mga kabataang may edad na labing-apat at labing-lima. "Lahat kayo siguraduhin ninyong magtiis! Walong taong gulang lang si Linley, gayong kayo ay halos binata na. Wag ninyong hayaan na mangyaring malampasan kayo ng isang walong taong gulang!"

................

Pagkatapos ng pang-umagang ehersisyo, nagpaalam si Linley sa kanyang mga kaibigan at umuwi sa kanilang manor. Kung may estrangherong makakita kay Linley ay akalain nitong nasa labing isa o labing dalawang taon na ito, at hindi walong taong gulang.

Ang mga inaapo ng mga Baruch ay totoong kakaiba sa ibang lalaki.

"Kuya!" pagkakita kay Linley, ang malusog na si Wharton ay nagmamadaling lumapit.

"Tama na yan Wharton. Pawisan ang buong katawan ko. Hayaan mong maligo muna ako." natatawang tapik ni Linley sa mukha ni Wharton.

Napaingos si wharton. "Alam ko naman na pagkatapos mong maligo, tuturuan ka na naman ni papa."

Bilang membro ng maharlikang angkan, bata palang ay nagsisimula na ang pag-aaral ni LInley. Ang limang libong taon na Baruch clan ay mas estrikto tungkol sa mahalagang edukasyon kaysa sa mga dugong bughaw.

"Tama na yan Wharton, makikipaglaro ako sayo mamayang tanghali." nakatawang sabi ni Linley.

Si Wharton ay isang bata, habang si Linley naman ay mas matandang mag-isip.

Pagkatapos maligo at magpalit ng malinis na damit, pumasok si Linley sa study ng ama. Sa oras na iyon, ang ama nitong si Hogg Baruch ay nakaupo sa likod ng lamesa, tuwid na tuwid ang likod nito. Sa harapan ni Hogg ay ang tatlong makakapal na libro.

"Papa!" Magalang na yumuko si Linley.

Malamig na tumango si Hogg, mabilis na naglakad palapit si Linley dito.

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now