Napayuko siya sa sinabi nito.
"Aminado ako na kasalanan ko, Hyde. Iyon din naman kasi ang pakiramdam ko. Mula nang maging tayo naging abala na ako. Hindi na kita nabibigyan ng sapat na oras. And what happened five days ago. You were the one making so much effort and I declined it. I'm sorry kasi hindi ko naman na maibabalik ang nangyari. I'm admitting what was happening between us is entirely my fault. Hindi ko na iyon maibabalik."
"Hindi na talaga maibabalik. Pero may oras ka para mabago iyon pero hindi mo naman ginagawa, eh. All my effort, it's just gone because of your doings. Sabihin mo sa akin, Devin, kung ayaw mo na pwede na tayong maghiwalay. Unahin mo ang priority mo sa buhay."
Nag-angat siya ng tingin.
Naluluha na si Hyde. Pero pilit lang nitong pinipigilan iyon.
Devin felt so much guilt.
"Hindi ako makikipaghiwalay sa 'yo, Hyde. I'm sorry. Let me make it up everything between us."
"Ewan ko. Bahala ka kung ano ang gagawin mo. Sa tingin mo, gusto ko rin makipag-hiwalay sa 'yo? Hindi. Mahal kita pero handa akong makipag-hiwalay sa yo para hindi na ako makadagdag pa sa mga priority mo kahit na hindi ko alam kung saan ba ako dyan sa priority na 'yan."
Niyakap niya si Hyde. Hindi ito gumanti.
"I'll make it up to you, Hyde. I'm sorry."
Nagsisisi siya. Hindi siya nangakong hindi niya masasaktan si Hyde pero sa mga nangyayari. Masyado niya itong nasasaktan.
This soon...
HINDI MAIWASAN ni Hyde ang magtampo kay Devin, mali, hindi nga iyon pagtatampo kundi galit, kaya naman sumabog na siya. Noong isang hapon, pinaghintay siya nito ng halos dalawang oras sa loob ng fastfood. Sabi niya sa sarili okay lang dahil abala ito. Baka nakalimutan sa sobrang pagkaabala. Pero nang hindi pa ito tumawag at siya pa ang gumawa ng paraan para mag-usap silang dalawa kahapon ay tuluyan nang napatid ang pisi ng pag-unawa para kay Devin.
Pakiramdam niya nga nitong nakaraang araw ay nababalewala na siya rito. Siya ang gumagawa ng effort para magkaroon sila ng oras sa isa't-isa pero nauwi lang sa wala ang effort na iyon dahil dito.
At ngayon na magkasama sila. Kahit na sa tabi niya rito ay hindi pa rin niya maiwasan ang magtampo. Sorry. Ilang beses na niyang narinig iyon mula dito. Halos kanina pa mula nang dumating ito at late pa nga. Sa paglabas nilang ito ay si Devin na ang nag-effort at nag-set ng lahat. Iyon nga lang at na-late na naman ito. Nauna pa siya rito ng ilang minuto bago dumating.
Para nga siyang nakiki-ayon lang sa mga nangyayari.
"Kain ka na, Hyde." Ani Devin.
Inilapit nito sa kanya ang plato na may lamang spaghetti at fried chicken. Iniumang din nito sa kanya ang burger pero tinanggihan niya.
"Busog pa ako. Mas gusto kong umuwi muna."
Bumuntung-hininga si Devin. "Okay. Sige. Uwi na tayo. Hatid na kita sa inyo, ah."
Tumango lang siya.
Habang nasa daan pauwi sa kanilang bahay ay wala silang kibuan ni Devin. Hindi katulad ng dati na wala siyang tigil sa pagkukwento dito ng kung anu-ano. Hindi tulad ng dati na magkadikit sila habang naglalakad at magkahawak ng kamay. May distansya sa pagitan nilang dalawa. Sa totoo, mas nauuna pa siya ritong maglakad. Nakasunod lang ito sa kanya.
"Hyde, hanggang ngayon ba hindi mo pa ako napapatawad sa nagawa ko?" Tanong nito.
Hindi siya tumugon. Makikita naman sa pakikitungo at pananahimik niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.
"I'm sorry. Nangyari na ang nangyari. Hindi ko na iyon maibabalik pero willing ako na mabalik sa atin ang dati. Hindi ako sanay na ganito tayong dalawa. Magto-two weeks pa lang tayong dalawa."
"Hindi ko nga dama na two weeks na tayo, Devin, sa totoo lang." Sabi niya na nagpatigil kay Devin.
Tumigil na rin siya sa paglalakad saka hinarap ito.
"Hyde naman..."
"Pasensya na, Devin, pero iyon ang nararamdaman ko. Oo, nag-uusap tayong dalawa sa cellphone. Nagpapalitan ng mensahe pero wala pa ring kwenta. Iyong nasa iisang school tayo pero hindi man lang tayo dalawa magkita." Napailing-iling siya. "Hindi naman ako humihingi ng sobra sa oras mo. 'Yung akin lang naman sana kahit papaano mag-effort ka katulad ng ginagawa ko sa relasyon nating dalawa. Alam mo ba na simula nang maging tayo, nag-iba ka na. Pakiramdam ko nga tini-take for granted mo na lang ako."
"Hyde. Hindi 'yon totoo. Talaga namang busy ako sa school pati sa banda. Pareho tayong busy."
"Pareho tayong busy. Alam ko na busy ka. Pero ang pagkakaiba natin, ako gumagawa ng effort."
"Hindi ako nagbago. May dahilan ako kung bakit ganoon ang aksyon ko. Saka gumagawa naman ako ng paraan ngayon para mapunan ang pagkukulang ko sa 'yo."
"Bakit hindi mo sabihin sa 'kin? Sabihin mo para malinawan naman ako. Ayoko 'yong katulad ng ganitong pakiramdam. Distraction ba ako sa 'yo, Devin?"
"Hindi ka distraction. I'm not thinking that you are, Hyde. It's that... pakiramdam ko kapag malapit tayo sa isa't-isa may magagawa ako sa 'yo na hindi naman natin dapat giawin kahit na alam kong may gumagawa na noon. Gusto kitang irespeto at ayokong iparamdam sa 'yo na kaya naging tayo dahil lang doon. You are doing something to me that I like but I don't like to do, not yet."
"Hindi ako ganoon at alam kong nire-respeto mo ako, Devin. Alam ko na hindi ka gagawa ng bagay na hindi mo gusto. At sana alam mo rin na kahit na gawin natin 'yon, willing ako dahil mahal kita."
"Natatakot ako na iba ang ipakahulugan mo kung sakali na gawin natin iyon."
"Devin, hindi ako babae. Walang mawawala sa akin kahit na gawin natin iyon. Kahit na magsawa tayo sa paggawa niyon. Alam ko na nirerespeto mo ako. Alam ko na mahal mo ako dahil mahal mo ako."
"Hyde... I'm sorry. Alam kong nagkulang ako sa 'ting dalawa."
"I'm sorry din," aniya saka lumapit dito. Niyakap niya nang mahigpit si Devin.
Ngayon nawala ang pag-aalinlangan at pagtatampo niya kay Devin. Magsisimula silang dalawa ulit. In good slate and more open to each other.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Eight (Part 1)
Start from the beginning
