"OO. ALAM ko na ang gagawin ko. Hindi mo kailangang mag-alala. Makikipaglapit lang naman ako sa kanya hanggang makuha ko ang loob niya at mangyari ang dapat na mangyari."
Tinapos na niya ang tawag kay Vix.
Natutuwa si Chloe na sumang-ayon na ngayon sa kanila ang plano lalo na at pumayag na si Hyde na bigyan ng chance ang ino-offer niyang pakikipag-kaibigan dito. Siyempre, alam niya na isa si Clyde sa dahilan niyon. Ginamit niya ang pagkakagusto nito sa kanya para mabitag na nila ni Vix si Hyde at maiwan itong luhaan.
Mabilis na idinayal ni Chloe ang numero ni Clyde. Tatawagan niya ito. Gusto niyang makapagsolo sila ng kapatid ng gagantihan nila ni Vix. Mga ilang segundo bago masagot ni Clyde ang tawag niya.
"Clyde. Gusto kitang masolo." Malandi niyang sabi.
May nangyari na rin sa kanila nito. Masasabi niyang magaling magpaligaya si Clyde. Ibang-iba sa paraan ng pagpapaligaya ni Vix at sobra niyang nagugustuhan. Idagdag pa na halos mabaliw-baliw siya sa sarap na ibinibigay nito sa kanya.
"Saan naman?"
Hindi man niya ito nakikita, alam niyang nakangiti ito.
"Kahit saan. Basta gusto kitang masolo. Gusto rin kitang makausap tungkol sa kapatid mo."
"Bakit? Anong tungkol kay Hyde?"
"Pag-usapan na lang natin kapag nag-usap tayo, Clyde. Gusto kita talagang makita." Malandi niyang sabi. Sadyang may pang-aakit sa tono.
"Okay. Sige. Magkita na lang tayo."
Excited na si Chloe sa pagkikita nila. Alam niya kasi na isangdaang porsiyento ng kasiyahan ang mararamdaman niya sa piling ni Clyde. Si Clyde. She just couldn't get enough of his virility.
"I'M SORRY, Hyde."
Talagang nagsisisi si Devin na hindi siya nakasipot sa pinag-usapan nilang lugar ni Hyde kung saan sila dapat magkikita. Nawala iyon sa isipan niya dahil sa kaabalahan sa ginagawa niya sa org nila.
Bumuntung-hininga lang si Hyde. Halata ang pagkadismaya sa nagawa niya. Hindi ito nagsalita, sa halip ay sumimsim ng juice sa baso nito.
"Hyde..." tawag niya rito.
Hindi pa rin tumugon si Hyde. Alam niya na kasalanan niya. Wala na nga siyang oras para sa kanilang dalawa pagkatapos pinaghintay pa niya ito ng mahigit sa dalawang oras sa tagpuan nila. Ang laki lang niyang tanga at iresponsable.
"Sorry..."
Tinitigan lang siya ni Hyde saka walang babalang tumayo mula sa kinauupuan. Dire-diretso siya nitong iniwanan sa mesa nila sa loob ng fastfood chain. Hindi agad siya nakahuma kaya natagalan bago niya ito nasundan.
Naabutan niya si Hyde na pasakay na ng jeep.
Hinawakan niya ito sa pulsuhan bago pa makasakay saka hinila sa gilid ng daan kahit na inaalis nito ang pagkakahawak niya rito.
"Bitiwan mo nga ako, Devin." Matigas na sabi nito.
"Mag-usap tayo. Hindi kita bibitawan."
"Bitiwan mo ako." Sabi nito.
"I'm sorry. Sige. Bibitawan kita basta ipangako mo na hindi ka tatakbo palayo."
Tumango ito. Nakahinga naman siya nang maluwang saka ito binitawan.
"Ano ang sasabihin mo?"
"I'm sorry, Hyde."
"Pesteng sorry na 'yan, Devin. Paulit-ulit. Wala naman nang magagawa iyan, eh. Nangyari na ang nangyari. Naghintay ako sa 'yo ng mahigit sa dalawang oras sa loob ng lugar na pinag-usapan natin. Para akong tanga na naghintay sa 'yo doon. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. 'Tapos ang malala pa wala man lang ako nakuhang text o paliwanag sa 'yo kahapon. Hindi ka man lang nag-abala. Tapos heto tayo. Kung hindi pa kita tinawagan hindi pa tayo mag-uusap. Hindi na nga tayo nag-uusap eh. Galit ako. Galit ako sa ginagawa mo mula nang maging tayong dalawa. Pakiramdam ko iniignora mo ako. Pakiramdam ko hindi na ako mahalaga sa 'yo."
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Eight (Part 1)
Start from the beginning
