Chapter Twenty-Eight (Part 1)

Start from the beginning
                                        

HINDI AKO OKAY, Hyde. Hinding-hindi magiging okay.

Iyon ang nais isagot ni Jake sa tanong ni Hyde ngunit sa halip na iyon ay iba ang naging sagot niya. Hanggang sa isipan niya lang naman kasi niya kayang sabihin ang ganoon kahit na mula sa umpisa ay alam na ni Hyde na hindi siya okay.

Nang malaman ni Jake ang tungkol sa pagiging opisyal ng relasyon ni Hyde at Devin ay tila pinagbagsakan ang pakiramdam ni Jake. Pakiramdam niya ay naipit siya sa pagitan ng langit at lupa sa relasyon ng mga ito. Hindi niya kayang makita na sa piling ng iba si Hyde kahit na matagal na niyang tinanggap na doon naman hahantong ang dalawa. Sadyang masakit lang talaga. Para na siyang tanga na paulit-ulit. Actually. Matagal ng tanga. Siguro nga binabatukan na siya ng ibang tao sa ginagawa niya sa sarili.

Ang limang araw na bakasyon niya kasama ang mga magulang ay nauwi lang sa wala. Sumama nga siya sa magulang para makaiwas sa sakit pero hindi naman siya nagtagumpay dahil si Hyde ang laging laman ng isip at puso niya.

Nakakuha ba siya ng peace of mind sa lugar na pinuntahan nila? Malaking hindi dahil nga si Hyde pa rin ang laman niyon. May mga gabi at maski araw na si Hyde ang laman ng isip niya. May mga pagkakataon din na natatagpuan niya ang sariling umiiyak. Sa limang araw na pananatili niya sa bakasyon ay bilang sa kamay na naging masaya siya at pansamantalang hindi naisip si Hyde. At ang mga oras pang iyon ay tuwing may alak sa sistema niya.

Hinayaan na nga lang siya ng mga magulang. Inunawa siya nito sa nararamdaman niya. Alam niya na naaawa ang mga ito sa kanya pero sa hiling na rin niya na gusto niyang mag-isa, pinagbigyan siya ng mga ito.

Nabaling ang atensyon niya sa katabing si Hyde nang bumahing ito.

"Excuse me. I'm sorry."

Hindi siya tumugon. Tinitigan niya lamang ito.

"Ang seryoso mo naman. Parang bumalik ka na naman sa dati, ah." Puna nito.

Iniiwas niya bang tingin dito.

Hindi na ako babalik sa dati, Hyde. You changed me a lot.

"Kumusta naman ang bakasyon mo? Magkwento ka naman. Dali."

He loved seeing him like that. Ito naman kasi ang gusto niya, ang hindi ito lumayo sa kanya sa kabila ng lahat na pinagdaanan nila. Gustong-gusto niya na manatili ito sa tabi niya. Kahit... kaibigan man lang.

Marami. Maraming araw na hindi ka mawala sa isipan ko. Palagi kitang iniisip. Nagtatanong din ako sa sarili ko kung paano tayo? Paano ako ngayon na kayo na ni Devin.

"Para lang akong nakikipag-usap sa hangin." Kunot ang noong sabi nito.

Nag-iwas na lamang siya ng tingin saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Walang babalang umalis siya. Basta na lang niyang iniwanan si Hyde. Hindi niya kayang layuan si Hyde. Kahit nga ang magbigay ng distansya sa sarili para dito ay hindi niya magawa. Pero sa ngayon...

Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. Lalayo na muna siya.

Mula sa kanilang classroom, nagtungo si Jake sa pinakamalapit na parke sa URS. Umupo siya sa sementadong upuan na nandodoon. Sa totoo lang, dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman, hindi niya napansin na medyo may kalayuan din ang kanyang nilakad.

Tiningnan niya ang paligid. Wala pang bata ang naglalaro sa playground. Mainit at masakit pa kasi sa balat ang sikat ng araw.

Naagaw ang atensyon niya nang makarinig siya ng ingay mula sa kanyang likuran. Nang bumaling siya doon, nakita niya si Chloe. May kausap ito sa cellphone. Tutok na tutok ang sarili sa kausap.

Naghari ang takot sa puso niya sa sunod na narinig. Patungkol iyon kay Hyde.

Nagmamadali siyang tumayo mula sa kinauupuan. Mahirap na. Baka makita pa siya nito at malaman na narinig niya ang mga plano nito.

String from the HeartWhere stories live. Discover now