Chapter 6 * Overnight

Începe de la început
                                    

"Itong Mac na to wala ka namang gagawin makiki-overnight ka..." sabi ni Emman.

Ngumiti si Mac. "Bad trip ako ah wag ka na ngang kontra dyan, bibigyan ko kayo ng moral support, diba Aia," tumingin siya sa akin.

Napangiti lang ako.

Bukod kay Mac may ilan pa kaming staff na nakisali sa overnight gaya ni Luigi.

Inabot ng isang linggo ang overnight namin, marami kasi kaming eksperimento na ginawa ni Emman in terms of editing softwares. Marami rin hindi nagustuhan si direk V kaya ilang beses kaming umulit.

Sabi ni Emman napagalitan na siya ng kanyang mudra dahil halos buong araw niya sa pag e-edit na nauubos. Ganun din naman ako. Pero sa kabila noon naging pursigido pa rin kami. Ganun pala talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo, kahit walang bayad, kahit nakakapagod, kahit gumagastos ka okey lang dahil sobrang kasiyahan naman ang kapalit.

At di nga nagtagal... natapos na rin ang film.

***

Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama.

Napagod ako pero sobrang masaya  dahil hindi lang yung film ang nabuo kundi pati na ang pagkakaibigan. Dati rati ang tahimik ko at yun lang mga ka branch ko ang nakakausap ko pero ngayon marami na kong nakilala, naka close ko rin yung mga nakasama ko sa overnight.

Si Emman, si Jannah, si Angel at si Mac. Naging super close kami.

*Beep...

Ang text na yon ang gumising sa akin.

 

"Hoy, may number ka ba ni Belle?"

Si Belle yung naging best friend ko sa clan na sinalihan ko dati. "Oo meron, sino ba to?" reply ko.

"Si Mac to, badtrip ako ah... nabura kasi yung mga number ko, pahinging number ni Belle, dali."

"Okey, send ko sayo."

Pag kasend ko, balik na agad ako sa pagtulog.

*Beep... Beep.*

May nagtext na naman, si Mac.

"Anong ginagawa mo ngayon?"

"Bago ka mag text, natutulog ako."

"Ano, tulog ka pa, ang batugan mo naman!"

Syempre nireplayan ko siya.

Si Belle din nakatext ko na rin.

"Hiningi sa akin ni Mac ang number mo, nabura niya raw kasi, magkatext ba kayo?"

"Ha? Hinde, hindi niya ko tinetext!" reply sa akin ni Belle.

"Kung hindi tinext ni Mac si Belle bakit hiningi niya pa yung number?" naisip ko.

Pero hinayaan ko na lang, enjoy din kasing katext itong si Mac, yung tipong hindi kami nawawalan ng usapan, dahil iba-ibang topic ang ino-open niya.

Hanggang gabi nakatext ko siya.

"Nakain ako ngayon ng siomai, ang sarap!" text niya.

"Wow siomai, paborito ko yan!" reply ko.

Romeo's First Love  (RFL #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum