Chapter 18

450 76 0
                                    

Joemarie's POV

"Let's eat." sabi ni Mc John pagkatapos kong magbihis galing school. Cold ang pagkakasabi niya nun nawala na yung 'wife' na term bumalik na naman siya sa pagiging kung ano ang approach niya saken noon.

Tumango nalang ako at umupo sa upuan kaharap niya.

"Ah, John, may sasabihin sana ako." nagdadalwang isip pa ako habang sinsabi yun. Nalaman na nga kasi ng mga kaibigan ko ang tungkol samen.

"What is it?" kunot noong tanong niya. Siguro nabigla siya dahil hindi naman ako nag-oopen o sinasabi ang mga bagay- bagay na nangyayari sa buhay ko. Walang pakialaman di ba?


"Ah..eh.." sabi ko. Sa totoo lang natatakot talaga ako if ever malaman niya na sinsabi ko sa mga kaibigan ko ang tungkol samen.

"Say it." mukhang iritado na agad ang boses niya.

"Eh, k-kasi n-nasabi ko sa m-mga kaibigan k-ko  ang t-tungkol sa atin." bumuntong hininga ako habang nakayuko.



"What?! I told you not to mention it to anyone!" bulyaw niya. Alam ko naman na mali ang ginawa ko pero dapat bang sigawan niya ako ng ganito?


"Sorry." mahina kong sambit, sapat lang para marinig niya. Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan, di ko alam kung sa takot ba o dahil sa nasasaktan ako.




"Tss. Your sorry cannot change everything." Bakit ba galit na galit siya? Hindi ko na talaga siya maintindihan, mga kaibigan ko yun kaya di ako pwedeng maglihim sa kanila.



Tumayo na siya na hindi man lang tinatapos ang pagkain, binuksan niya ang cabinet at kinuha ang baril na nakatago dun. Nasanay na ako na may baril siyang dala , sabi niya for protection daw yun. Lumabas siya sa pinto without saying a word, hay! mag-isa na naman ako.




Kinain ko nalang ang pagkaing inorder niya sa isang mamahaling restaurant, sayang naman kung hindi ko gagalawin di ba?


Nakatulala ako habang sinusubo isa-isa ang nasa harap ko. Iniisip ko kung bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon, ano kayang kasalanan ang nagawa para mangyari saken toh?


Napatigil ako sa pagkain ng marinig kong may tumunog na cellphone, alam kong hindi saken yun dahil iba ang ringtone.


Sinundan ko kung saan galing ang ingay at nandun ito sa kwarto ni Mc John.




'Papasok ba ako?' tanong ko sa isip ko, pinagbabawalan niya kasi ako na pumasok sa kwarto niya.

"And one more thing, don't ever enter in my room. If you'll do that I might kill you."

Pero baka kasi importante yun eh, patuloy lang kasi sa pagring.


Pero paano naman ako makakapasok eh palagi na niyang nilolock kapag umaalis siya.

Napihit ko na yung door knob habang iniisip yun, ewan ko ba parang may  buhay ang mga kamay ko at bigla nalang  napahawak rito.

Laking gulat ko na nang hindi ito nakalock, nakalimutan niya siguro. Binuksan ko yung pinto, dahan-dahan akong pumasok at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon.


Hindi ko akalain na ang laki pala ng kwarto niya. Ni hindi ito ordinaryong kwarto.

Kinakabahan kong pinagmasdan ang nasa loob. Maraming klase ng baril na nakasabit sa wall. May marami ring monitors na may video siguro ng iba't ibang CCTV cameras, pinanood ko ito at ang nasa video ay mga lalaking puro armado na nagbabantay sa isang lugar.

Pinuntahan ko naman ang iba pang monitors at may nakita ako na map lang siya tapos may red dot na nag-iiba ng pwesto, sa tingin ko connected ito sa mga tracking devices.


Nawala na yung isip  ko sa cellphone na pinunta ko rito dahil hindi na naman ito tumutunog. Lumapit ako sa isang cabinet at binuksan ang mga drawers. Maraming folder ang laman nito kaya naman binasa ko nalang yung mga nakasulat na nasa front ng folders.


Dandelion Organization's Background and Leaders

Underground Transactions of Illegal Drugs

Cassiopeia University's Hidden Transactions

Teka bakit may folder ng Cassiopeia University dito?


"What are you doing here?!" napatalon ako sa gulat nang may nagsalita st alam ko kung kaninong boses yun. Lumingon ako sa kanya habang hindi na mapakali ang puso ko sa kaba.

"N-nag-" bago pa ako makapagsalita ng tapos at maipaliwanag ang lahat sa kanya ay agad naman siyang nagsalita na mas ikinatakot ko pa.

'Then I should kill you!" itinutok niya ang baril saken at pinikit ko nalang ang mata dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin.

-------

Faith's POV

"Ano yang sinusulat mo, Mel?" tanong ko sa kanya na bigla naman niyang tinikop.

"How to fall in love?" dagdag ko  pagkakita ko sa parang librong sinulatan niya kanina.

"Uh, nothing." sabi niya na namumutla.

"Anong nothing, hoy mga bruha change is coming na! dalaga na si Carmel!" sigaw ko sa dalawa, sayang wala si Marie dito, hindi kasi siya pumasok kanina.

"Ano?" bumangon sila sa kama at lumapit samen. Actually nandito kami sa bahay ni Carmel. Naisipan namin na mag-overnight sa kanila.

"Si Carmel may iba ng pinagkakaabalahan." masaya kong ibinalita sa kanila ang natukalasan ko. Aba! ngayon lang kaya na hindi subject sa school ang binabasa niya, may pa 'how to fall in love' na.

"Ah wala toh." agad niyang  tinago sa drawer ang nakita ko at nilock agad.

--------

Carmel's POV

(Fast forward po tayo)

"Queen, ito na po ang latest transactions na pinapareview nyo sa akin." inabot niya saken ang folder na naglalaman ang mga kailangan ko.

"Good." sagot ko.

"Ang 7 babae na pinaspy nyo ay nagbigay na rin ng update tungkol sa Cassiopeia University at guess what?"


"What?"

"May mga mafias na nag-aaral din dun."


"I know."

"What about the other queens, kailan niyo sasabihin sa kanila ang tungkol sa organization natin?"

"In the right time."

Siguro nagtataka kayo kung ano ang tunay na pagkatao ko. Para sa kanila ako yung mabait sa lahat ng bagay.

Pero hindi nila alam kung ano talaga ang totoo.

Technically I'm an evil pretending to be a good one.









I am Carmel Park and I am a ....

















Mafia Queen





--------

A/N

Unedited

Binago ko na po talaga ang title ng story.

Ngayon alam nyo kung sino yung isang Someone's POV, si Carmel pala, grabe ang bait pa naman niya.

More revelations to come.


Vote and Comment

See you next chapter

-Ella Monique Matugas












Cassiopeia : University of MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon