Last Chapter

6.4K 258 14
                                    

Ally's POV

"Oh Cavill"sambit ni Kurt .Kakarating lang pala nya .Nandito kami sa bahay nila dahil magkikita kita kami .Obviously.

Nakatingin lang ako sa half sister ko at ang sama ng tingin nya sakin.Hindi pa rin talaga sya nagbabago.Sobrang sama pa rin ng ugali nya.

"Nandito na kami"sigaw ni Zeus.Kasama ni Zeus si Alexis pati na rin yung anak nila na si Sapphire .Ang ganda talaga ng anak nila pero syempre bata pa si Zeus para maging daddy pero malapit na rin naman syang mag graduate kaya pwede na.

"Hi Baby Sapphire "sambit ko.Ang cute talaga ng baby nila.Binuhat ko naman si Baby Sapphire .

"Hoy bessy"sigaw naman ni Brittany kaya lahat kami napatingin sa kanya.

"Ang ingay mo bessy"

"Wahh ang dyosa mo pa rin bessy .Hindi ka pa rin nagbabago"sambit ni Brittany.

"Nang bola pa"

"Nasaan si Cavill ?"tanong ni Joshua .Kasama ni Brittany si Joshua .Hindi pa rin sila naghihiwalay hanggang ngayon.Malapit na silang mag-one year.Parang kami lang ni Cavill o mas kilala nyo bilang Lance.Mas nasanay na kaming Cavill kaysa Lance.

"Nasa kusina pinagluto namin"sambit naman ni Ate Patt kaya nagtawanan na sila .

"Under pala"

"Tara na kumain na tayo"aya ni Ate Patt.

"Wait nandito pa kami"sigaw ni Stephanie at teka ?Kasama nya si Kuya.I smell something fishy.Hahaha

"Tara na kumain na tayo nagugutom na ako"sambit ni Zeus kaya naman binatukan sya ni Alexis.

"Ang takaw mo pa rin talaga kahit kailan"sambit ni Alexis.

Ang saya ko talaga kasi nandito sila.Siguro hindi na muna kami magkakaayos ng Half sister ko.Masyado naman kasing masama ang ugali nya.

Si Brittany hindi pa rin nagbabago ,puro pa rin sya kalokohan .Pati rin si Zeus puro din kalokohan ang alam kahit may anak na .Medyo nakilala ko na rin si Alexis dahil lagi namin syang dinadalaw simula nung ipinanganak nya si Sapphire.Si Joshua naman minsan daw masungit pero mahal na mahal sya ni Brittany .Hindi ko nga alam kung paano mag sungit si Joshua.Si Kurt naman hanggang ngayon sila pa rin ni Alexandra .Ang sweet nga nila lagi e kaya lagi nalang silang nilalanggam.Si Kuya naman wala akong balita sa lovelife nya pero may something sa kanila ni Stephanie.Nung una akala ko nangtraydor samin si Stephanie pero kakampi pala namin sya.

"Cavill ikaw ba talaga nagluto nito ?"tanong ni Kuya.

"Ako nagluto nyan.Masarap ba ?"tanong ni Cavill.

"Ikaw pala .Kaya naman pala ganito lasa e"pang-aasar ni Joshua.

"Hindi ba masarap ?Wag na nga kayong kumain"pagrereklamo ni Cavill.

"Joke lang naman"sambit nilang lahat tsaka sila nagtawanan .

Tinikman ko yung luto ni Cavill at ang sarap pala talaga.

"Ang sarap nito meady"sambit ko.

"Ikaw ang inspiration ko"

"Sigurado ka ?"tanong ko.

"Ang dyosa mo pa rin talaga"

"Ikaw pa rin talaga yung monster ng buhay ko"sambit ko.

Masaya ako dahil si Cavill ang naging boyfriend ko at sana sya na yung lalaking para sakin.Minsan sobrang corny nya talaga.

"Every love story is beautiful but ours is my favorite "sambit nya at hinalikan ako sa noo.

"I love you and i will always love you"

"A man can love a thousand girls but only a real man can love one woman in a thousand ways"sambit nya at ngumiti.

"So real man ka ?"

"Mamahalin ba kita kung hindi ?"tanong nya.

"Ang korni nyo"sigaw ni Zeus.

"Sh*t panira ng moment"sambit ni Cavill.

"Okay wag natin silang guluhin.Let's eat nalang"sambit ni Kurt.

Nagfocus nalang sila sa pagkain nila.

"Tara sa mini garden"sambit ni Cavill at hinila na ako palabas.

"Yiee sweet"

"Hoy saan kayo pupunta ?"

Pagdating namin sa mini garden nilagyan nya agad ng piring ang mata ko.

"Teka"sambit ko.

"Trust me"

Inalalayan nya ako sa lugar na hindi ko alam.

Huminto kami at tinaggal nya ang piring sa mata ko.Nakita ko naman ang mga red roses na nakaform na I LOVE YOU ALLY .Sobrang ganda kaya sa hindi ko malamang dahilan napaiyak ako.

Ang saya ko talaga kasi sa simpleng dahilan napapasaya nya ako.Kahit wala pa syang ginagawa napapasaya na nya ako.

"I love you meady and my monster"sambit ko.

"I love you so damn much meady"sambit nya at unti unting inilapit ang mukha nya sa mukha ko.Naramdaman ko nalang na unti unting dumampi sa labi ko ang labi nya.Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Simula sa Campus Loner naging girlfriend ng isa sa mga Campus King at naging Miss Campus.

Ang saya ko dahil nakilala ko ang tulad nya .Sya ang dahilan ng bawat pagngiti ko at bawat pag-iyak ko.Sana hindi na matapos ang lahat ng ito.Sa mga dadating na pagsubok sana malagpasan namin.Kung hindi man kami ang nakatadhana gagawin ko ang lahat kahit kalabanin ko pa ang tadhana.Sya na yung taong gusto at taong mamahalin ko hanggang huli.

I love you meady and my monster .I love you until forever <3

-The End

-------

A/N:Dito na natatapos ang kwento.For more info read the next part up to the last .

That story is already close.Pakihantay nalang ang Epilogue 

Me And The Campus King (Major Editing And Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon