Chapter 54:Taking care of you

5.7K 283 3
                                    

Ally's POV

Pagkagising ko pa lang bumaba na agad ako.Nagugutom na talaga ako.Magdamag kasi nagkwento ang monster lance na yon kaya napuyat ako.

"Oh anak kumain ka na"sambit ni Mommy.

Nandito na rin pala ang Monster na to pati si Kuya.Kumakain na sila at hindi talaga nila ako hinintay .Bait talaga nila.

Umupo na ako at kumain na rin .May pasok ako ngayon .Hay !Nakakapagod talaga .

"May problema ba baby ?"tanong ni Mommy.

Umiling naman ako.Feeling ko ang sama ng pakiramdam ko.Hinawakan naman ni Mommy ang noo ko.

"Nilalagnat ka anak"sambit ni Mommy.

"Mommy papasok ako"sambit ko.

"Hoy wag ka nang pumasok .Hindi na rin ako papasok"napatingin kaming lahat kay Lance.Seryoso ba talaga sya ?Hindi sya papasok .

"Okay lang ba sayo Lance ?"tanong ni Kuya.

Tumango naman si Lance at ngumiti lang samin  .

"By the way .Aalis ako kayo muna ang bahala dito sa bahay"paalam ni Mommy .

Tumango naman ako kaya umalis na si Mommy.Nakatingin naman ako kay Lance habang kumakain sya.Sasanayin ko na ang sarili ko na Cavill ang tawag ko sa kanya.

"Ally may bisita ka"sigaw ni Mommy mula sa labas kaya lumabas na ako.

"Kurt ?"tanong ko.

"Good morning"sambit nya.

"Good morning din"sambit ko at ngumiti.

"May sakit ka pala .Magpagaling ka huh ?"sambit ni Kurt kaya tumango naman ako.

"Sige mauna na ako.May pasok pa ako.Bye !"sambit ni Kurt at nag-wave.

Bumalik din agad ako sa dining room at kumain.

"Sino yon ?"tanong ni Lance.

"Sino pa ba edi si Kurt"sambit naman ni Kuya kaya napatingin kami sa kanya.

"Sige papasok na ako baka malate ako.Lance ikaw na bahala sa kapatid ko"paalam ni Kuya.

"Yes sir"sambit ni Lance at umalis na si Kuya.

"Dahil binantayan mo ako dati noong may sakit ako.Ako naman ang magbabantay sayo"sambit ni Lance"Eto na yung gamot inumin mo na"sambit ni Lance at inabot sakin ang platito na may gamot.

"Salamat"sambit ko.

"Meow"napalingon kami at nakita namin si Kitty.

"Hi Kitty"sambit ko.Napatingin naman ako kay Lance at nakita kong napalunok sya.Takot pa rin pala sya sa pusa hanggang ngayon .

Bigla akong nahilo kaya nabitawan ko si Kitty.

"Okay ka lang ?"tanong nya.

Tumango naman ako pero na out of balance ako dahil sa hilo.

"Akala ko ba okay ka lang ?"tanong ni Lance at inalalayan ako papunta sa sofa.

"Matulog ka na"sambit ni Lance.

"Ayoko baka may gawin kang hindi maganda"sambit ko.

"Wag kang feeling.Mabait akong tao kaya wag kang mag-isip ng kung ano ano"sambit nya.

"Sige na matutulog na ako"sambit ko at humiga sa sofa at pumikit .

--------

Lance (Cavill's POV)

Napansin kong nilalamig sya kaya umakyat ako sa kwarto nya para kunin yung kumot nya.

Pag-akyat at pagpasok ko pa lang sa kwarto nya nakita ko agad yung kumot nya.Kukunin ko na sana pero.Sh*t nandito yung pusa.Ayoko talaga sa mga pusa e.

"Kitty akin na yang kumot ni Ally"sambit ko"Pilit kitang ginugusto pero hindi ko magawa"sambit ko at dahan dahang kinuha ang kumot.

Pagkakuha ko pa lang nilapitan ako nung pusa at tumalon mula sa isang cabinet at kinalmot ako sa mukha.Sh*t kaya ayaw na ayaw ko sa mga pusa e.

"Damn it.I hate you !"sambit ko at lumabas na sa kwarto ni Ally.Sh*t ang gwapo kong mukha sinugatan ng pusang yon.Kaya ayaw na ayaw ko sa mga pusa e.Akala siguro ng pusang yon ninanakaw ko yung kumot ng amo nya.Yung kumot ng amo nya na may tulo laway.

Pagbaba ko pa lang ay kinumutan ko na si Ally.Aalis pa sana ako para uminom ng tubig pero hinawakan nya ang kamay ko at nagsalita.

"Wag mokong iwan"sambit nya pero nakapikit pa sya.Siguro nananaginip lang sya.

"Hindi kita iiwan.Kukuha lang ako ng tubig"sambit ko at tinanggal ang kamay nya.

Pagkakuha ko ng tubig umakyat ako sa kwarto na tinuluyan ko at kinuha ang gamot ko at ininom.

Pagbalik ko sa baba nakita kong natutulog pa rin sya.

Hinalikan ko ang noo nya.

"Gagawin ko ang lahat makuha lang kita.Hinding hindi hahayaang makuha ka pa ng iba"

Alam kong dadating din yung panahon na mamahalin na kita at sana ikaw din.

Me And The Campus King (Major Editing And Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon