Chapter 60:You will be okay

5.6K 258 5
                                    

Lance (Cavill's POV)

Sh*t mga traydor sila.Mga wala silang puso.Kung pwede ko lang sanang yakapin si Ally gagawin ko pero hindi ko nagawa dahil nakatali ako.Kapag gumalaw ako masasaktan sya.

Lumapit naman sakin si Stephanie.I can't imagine na kasabwat sya dito !

"Im sorry Lance"sambit ni Stephanie at inilapit nya sakin ang mukha nya.

Akala ko hahalikan nya ako pero nagkamali ako .May ibinulong sya sakin .

"Doon kayo mamaya lumabas sa pinto sa likod"bulong nya.

Ano tong ginagawa nya ?Pucha hindi ko sya maintindihan !Akala ko ba kasabwat sya dito ?

Niyakap nya ako at napansin kong may inilabas syang kutsilyo at dahan dahan na tinaggal ang tali ko sa kamay.Pinapalabas nya na hinahalikan nya ako pero ang totoo gumagawa na sya ng paraan para makaalis kami dito ni Ally.

"Nakikita mo ba yan Allysa ?Masakit ba na makita mo na ang taong mahal mo ginaganyan lang ng iba ?"sigaw ni Princess .Hindi ba talaga sya natauhan dati nung nagkausap kami ?Kasalanan din nya kung bakit na kick out sya sa school.

"Tama na !"sigaw ni Ally.Nanghihina na sya at sobrang naaawa na ako sa kanya.Kapag nakaalis ako dito lagot talaga sakin yang mga yan !Sinasaktan nila yung babaeng mahal ko.

Umiiyak pa sya .Alam kong hindi nya naiintindihan ang nagyayari pero wala na rin naman akong magawa para ipaliwanag sa kanya.

"Mag-iingat kayo paalis ni Ally"bulong pa nya sa tenga ko.

Bakit nya ba ginagawa to ?

"Trust me Lance"bulong nya.

Hindi nalang ako nagsalita .Medyo nakaramdam si Brian ng kakaiba kaya lumapit sya.

Dahan dahang inabot sakin ni Stephanie ang kutsilyo.Nang papalapit na si Brian sumenyas na si Stephanie na tumayo na ako kaya tumayo ako at agad na sinaksak sa likod si Brian .

"Sh*t"

Bigla namang lumabas sa pinto sila Zeus kasama si Joshua ,Kurt at Allen .Pinagsusuntok ako ng mga alagad nitong G*gong si Brian kaya naman si Allen na yung lumaban sa kanila.Sh*t

Nilapitan ko na si Ally na ngayon ay wala nang tali.Tinaggalan yata sya ni Stephanie.Tumakbo agad kami .Hinawakan ko ang kamay nya ng makalabas na kami ng Exit.

"Meady"

"Trust me meady"sambit ko .

Paglabas palang namin ng Gate may isang nagbabantay .May dala syang kutsilyo at  isasaksak na nya kay Ally pero hinarangan ko kaya ako na yung nasaksak.

"Meady"sigaw ni Ally at umiiyak na naman sya.Sabi ko sa kanya wag syang iiyak e.

"Hindi yon masakit"sinuntok ko agad yung nanaksak sakin at pinagsisipa ko"Wag mo kong kinakalaban .Malalaman mo kung ano ang dapat sayo !"sambit ko at tinadyakan sya.

"Tara na meady !"sigaw ni Ally at hinila na nya ako.Makikita mo sa mga mata nya ang takot pero hindi nya pinapahalata .

"Ally  !"sigaw ko nang bumitaw si Ally at biglang may dumaan na kotse.

"Meady ,gumising ka !"sigaw ko.

"I love you Cavill "sambit nya at tumulo ang luha sa mata nya.Nakahiga sya sa kalsada at may mga dugo sa katawan nya.

Bigla namang tumulo ang luha sa mata ko.Bakit ba nya sinasabi ang mga salitang to ?Hindi ako handa na mawala sya.At hinding hindi ako papayag

"Wag mo kong ipagpapalit sa iba huh ?"umiiyak pa rin sya hanggang ngayon .

"Hinding hindi kita ipagpapalit sa iba .Your my only one meady .I love you so damn much "sa pagsabi ko pa lang non pumikit na ang maganda nyang mata .

--------

Hawak ko lang ang kamay nya.Ang ganda pa rin talaga nya .

"Okay lang ako .Wag ka ngang umiyak dyan"

"Hindi naman ako umiiyak huh ?"sambit ko.

"Ano yang nasa mata mo ?"tanong nya.

"May puwing lang"sambit ko.

"Bahala ka na nga"

Bigla naman nya akong kiniss kaya nagulat agad ako.Hindi agad na process sa utak ko kaya hindi ko nagets.

"Baka pinagpalit mo na ko "sambit nya.Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Hinding hindi kita ipagpapalit "

"Sigurado ka ?Baka may kabit ka na"sambit nya.Pucha ,ako magkaroon ng kabit ?Tanga nalang ang mangloko sa kanya !

Kakatapos pa lang ng operasyon nya kahapon .May sakit sya sa puso pero hindi naman malala.Mas mabuti nang maaga magamot kaysa lumala pa.Ayokong mawala sya sakin pagdating ng panahon.

Hinalikan ko naman sya kaya ngayon sya naman ang hindi maka get over.Hawak hawak pa nya ang labi nya.Ang ganda nya tuloy tignan.

"Nakakaisa ka na"sambit nya.

"You want more ?"

Hindi pa naman sya nakakasagot hinalikan ko ulit sya .Kaya ngayon ang sama ng tingin nya sakin .

"Sige kapag hinalikan mo pa ako .May parusa ka sakin "sambit nya.

Hinalikan ko agad sya kaya ngayon tawa ako ng tawa.

"Pinilit mo kong parusahan ka"sambit nya at hinalikan ako .Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko.Baka ako yung may sakit sa puso at hindi sya.

"Anong klaseng parusa ba yon ?"

"Wag mo kong pilitin .Uulitin ko yon"sambit nya.

"Ano ang uulitin ?"tanong ng isang boses kaya napalingon kami.

"Kuya ?"

"Kamusta Lil sis ?"tanong ni Allen .

"Okay lang naman kuya"

"Magpagaling ka huh ?"sambit ni Allen at hinalikan si Ally sa Noo.

"Sige kuya"

"Oh cavill bakit ganyan ka makatingin ?"tanong ni Allen"Don't tell me ,nagseselos ka ?"tanong ni Allen.Sinamaan ko naman sya ng tingin .Ang epal nitong future bayaw ko.

Im sure na sakin nakatadhana si Ally.Alam kong maraming pagsubok na dadaan pero kakayanin ko.

Me And The Campus King (Major Editing And Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon